Chapter 58

122K 1.5K 47
                                    






Chapter 58:




TYRONE P.O.V




Maaga akong natapos sa opisina kaya umalis na ako dahil wala na rin akong gagawin doon.




Pumunta ako ng supermarket para bumili ng mga prutas na pwedeng ipasalubong kay andrea sa hospital.



Gising na kaya siya?



Nang mabayaran ko na ang pinamili ko ay dumiretso na ako sa hospital.



Nandito na ako sa tapat ng pintuan. Hindi na ako nag-atubiling kumatok dahil ilalapag ko lang naman ang prutas at iche-check ko si andrea kung maganda ang takbo ng aparato.




At kung kaya niya pang lumaban?



Nakasanayan ko ng gawin iyon pagumuuwi ako ng maaga galing sa opisina.



Pumasok na ako sa loob...




"T-ty-tyrone?" Nagulat si mitzy ng bigla akong pumasok. Pero ako ang mas nagulat.




Totoo ba 'tong nakikita ko?



Gising na si andrea?!!




Nakaupo siya ngayon sa kama pero may oxygen pa rin sa ilong niya at mayroon namang benda ang ulo niya. Nilalaro niya ang kanyang mga paa. Mukhang hindi niya ako napansin na dumating ako kasi nakayuko siya at nakatingin sa mga paa niya.



Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gusto ko lumapit sa kanya at tanungin kung ok na ba siya o ano pero hindi ko magawa.




Natauhan lang ako ng dahan-dahan siyang tumingin sakin. Ngumiti siya ng malawak at kumaway sakin.




"Hello ian?!" Nakangiting tawag niya sakin.




Ian? Isang tao lang ang tumatawag sakin nun.




"Gusto mo maglaro? Yung tago-taguan?" Nakangiting yaya niya sa akin.





Kumunot naman yung noo ko.




Maglaro? Tago-taguan?






MITZY P.O.V




Kumunot naman ang noo ni tyrone sa sinasabi ni Kim. Mukhang nagtataka din siya sa inaasta ni kim.




Flashback...





Lumabas na ang resulta ng CT-scan ni kim.




Seryoso ang mukha ni Dr. Miguel habang sinasalaysay niya ang naging resulta ng CT-scan.




"Sad to say but the result is not good. May amnesia at mukhang bumalik sa pagkakaisip bata ang pasyente. May namuong dugo sa ulo niya. At kailangan natin mawala iyon sa pamamagitan ng gamot na ipapainom niyo sa kanya three times a day." Salaysay ng doktor.





"Hindi ba pwedeng operahan  na lang si andrea doc para mawala ang pamumuo ng dugo sa ulo niya?" Suggest ko.




Umiling ang doktor.




"Hindi pwede dahil inoperahan na natin siya two years ago. Baka kasi paginoperahan natin siya ulit, baka mas lalong wala siyang lumala." Saad ng doktor.




Napatango na lang ako.





"Ano po ang dapat gawin para bumalik ang alaala niya sa normal?" Tanong ko.




"Ipaalala niyo lahat ng mga hindi niya maalala at ipakilala niyo sa kanya ang mga taong nakalimutan niya. Mas maganda kung may pictures, videos, or anything na pwede niya maalala as soon as possible." Sabi ng doc.




"Kailan tatagal ang amnesia niya doc?" Tanong ko muli.




"Hindi ko masasabi. Nakadepende na iyon ng effect ng gamot sa kanya." Sagot naman ni doc.




"Sige po Dr. Miguel. Salamat." Sabi ko at nakipagshake hands sa kanya at saka siya tumalikod para bumalik na siya kasama ang assistant nurse.






End of flashback...




Hindi ko alam kung anong idadahilan ko kay Tyrone ngayon.




Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanila nagising na si andrea at mamayang gabi ko pa lang balak sabihin sa kanya.




Jusko! Ano ba ang idadahilan ko?





"Ian! Sige na maglaro na tayo!" Nakikiusap na sabi ni andrea kay tyrone. Jusme! Sumasakit ang ulo ko kay andrea.




Bumaba pa ito sa kama at hinawakan pa ang kamay nito.





"Sige na please." Nagpuppy eyes pa ito sa harap niya.




"S-sige." Nauutal na sabi ni tyrone. Napatingin ako kay Tyrone.




Seryoso ba siya?




"Talaga?! YEHEY!!!" Sigaw ni andrea sa loob ng kwarto.




----




Thanks for reading!



DEINLICIOUS

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon