Chapter 2
"Sorry talaga misis, pero hindi talaga kami tumatanggap ng buntis sa trabaho." saad ng isang guard.
"Sige na po kuya. Kailangan ko talaga ng trabaho." pagmamakaawa ko.
"Pasensya na po misis." sabi nito at tinalikuran na ako.
Wala na akong nagawa kundi mapabagsak balikat na lang na tumalikod sa harap ng isang restaurant.
Naga-apply ako sa kanila bilang isang dishwasher pero bawal daw dahil sa kalagayan ko.
Tumingin ako sa kalangitan, mag gagabi na at wala pa rin akong trabaho at matutuluyan.
Gusto ko umiyak sa sitwasyon ko ngayon, pero ano ba ang magagawa ng pag-iyak ko?
Ilang trabaho na rin ang sinubukan kong apply-an pero iisa lang ang sinasabi nila.
Lakad lang ako ng lakad at hindi ko alam kung saan ako papadpadin ng mga paa ko.
Wala pa akong kain ngayong araw, mula nang umalis ako sa bahay ay hindi pa ako umiinom o kumakain. Ayoko madamay ang anak ko sa problema ko.
Kinuha ko yung wallet ko na dala-dala kong bag na puro damit.
Binuksan ko ito at ₱2,000 lang ang laman. Kukulangin ito sa isang buwan ko.
Tumingin-tingin ako sa paligid ko na na nagbabakasakali na may isang karinderya ang nagtitinda at tama ako dahil may nagtitinda.
Um-order ako ng isang kanin at isang gulay at kinain ko iyon at binayaran bago umalis.
Sa ngayon, tutuluyan ko na lang ang po-problemahin ko. At laking pasasalamat ko na hindi ako na duduwal ngayon. Nararamdaman siguro ng anak ko ang nararanasan ko.
Nang mapagod ang mga paa ko sa paglalakad ay umupo ako sa tabi ng kotse. At ngayon ko lang na-realize na nasa parking lot pala ako.
Ano ang ginagawa ko dito?
Nakaramdam ako ng antok, siguro iidlip muna ako dito at saka aalis pagkapahinga. Sinandal ko yung ulo ko sa front light ng isang mamahaling kotse at saka pumikit.
Someone P.O.V
"Good evening, sir." Bati sa akin ng guard pagkakita niya sa akin sa ground floor. Ngumiti ako sa kanya bilang tugon .
Dumiretso na ako sa parking lot, sasakay na sana ako sa driver seat ng mapansin kong may babaeng natutulog.
Ano ginagawa niya dito?
Ba't dito siya natutulog?
Lumapit ako sa kanya, hawak hawak niya yung tyan niya pero yung bag niya nasa gilid lang niya at yung ulo niya nakasandal sa front light ng kotse ko.
Tsk! Hindi niya ba naisip na delikado dito at dito talaga natulog ang babaeng 'to.
Lumapit ako sa kinaroroonan niya.
Hmm..
Tulo laway pero pamilyar yung mukha niya sa akin. Pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita?
"Please forgive me, mom and dad."
Na nanaginip pa ata.
Sinuri ko ang babae, hindi siya masasabing mahirap dahil sa puti at kinis ng kutis nito. Mahahaba ang mga pilik mata at kissable----whatever.
Kinuha ko yung bag ng babae. Bahala na kung sino ang babaeng ito. Gusto ko lang siya tulungan at mukhang pagod siya ngayong araw.
Nilagay ko sa backseat yung bag niya at binuhat ko naman ang babae patungo sa passenger seat. Tulog mantika pa ata ang isang 'to.
At saka ko minaneho patungo sa condo ko.
KINABUKASAN....
Andrea P.O.V
Pabango? Pamilyar na pabango. Hindi ko alam kung saan ko naamoy? Pero gustong-gusto ko yung amoy.
Dahan-dahan ko idinalat ang mgs mata ko.
-__-
-__o
-__0
0__0
O__O
TEKA, NASAAN AKO?
Tumingin ako sa paligid, nasa isang silid ako. At base sa kulay, mukhang lalake ang may-ari ng silid na 'to.
Bigla akong kinabahan...
Ayoko sana mag-isip ng kung anong bagay pero hindi ko maiwasan.
Agad kong tiningnan ang suot ko at nanlamig ako nang makitang iba na amg suot ko.
Naiiyak ako, ano na naman ba ang nangyari? Ang alam ko nasa parking lot ako natutulog. Paano ako nakarating dito? Sino ang nagdala sa akin dito?
Umiiyak ako ng umiiyak.
May nangyari ba?
Kanino na naman ba?
Kaninong lalaki na naman?
*******
Thanks for reading...
DEINLICIOUS
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...