Chapter 87
ANDREA P.O.V
BUMABA na kami ni tyler nakangiti si mommy veronica sa amin at kapansin-pansin na talagang pinaghandaan nila ang mga putaheng nakahain ngayon sa mahabang lamesa.
"Ang tagal niyo naman bumaba. But at least you're here with my handsome first grandson. Right baby?" Nakangiting saad ni mommy veronica sa amin.
Napayakap naman sa leeg ko ang anak ko. Natakot ata kay mommy veronica.
"Its ok baby. Huwag ka matakot kay lola." Sabi ni mommy veronica pero hindi siya pinansin ng anak ko.
Sigurong naninibago siya sa mga taong nakikita niya. Nasanay kasing mga sy ang kasama niya.
"Come here. Eat all you can." Nakangiting aya nang ginang.
Naglakad na kami papalapit sa dining table. Iilalapag ko na sana si tyler sa upuan pero yumakap ito sa leeg ko.
"Anak, umupo ka. Kakain tayo."
Pero yumakap lang nang mahigpit sa akin.
"Ayoko mommy. I want my daddy."
"Anak, kailangan mo kumain. Para may energy ka pag nakita ka ni daddy."
"No!"
"Please anak, huwag ka maging pasaway sa harap ni lola't lolo mo."
Napatingin ako sa kanila, nakatingin lang ang mga ito sa amin. Hindi ko alam pero ramdam ko ang pagkairita nang tingin ni daddy vincent sa amin.
"Sige ka, pag hindi ka kumain. Hindi tayo pupunta kay daddy mo."
Pananakot ko dito.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa akin.
"Talaga mommy? Pupunta tayo kay daddy pagkakain ako?"
Tumango ako bilang sagot.
"Oo, pero kailangan mo munang kumain."
Agad agad itong umupo tapos kumuha ng hotdog. Pinaglagyan ko ito nang kanin sa pinggan.
"I guess, daddy's boy siya." Sabi nang ginang.
Napangiti ako sa sinabi ni mommy veronica.
"Oo nga po e. Sorry po pala sa inasal ng anak ko." Hinging paumanhin ko.
"No, no! Its ok. Ganyan ka rin noong bata ka."
Lumukot ang noo ko sa sinabi ni mommy veronica.
"What do you mean po? Hindi po ba ako sanay sa mga tao dito?" Naguguluhan na tanong ko.
Biglang napawi ang ngiti ni mommy veronica at napatingin kay daddy vincent na tahimik lang na kumakain. Napatingin din ito kay mommy.
Biglang napalitan ng ngiti ang namumutlang mukha.
"I-i mean, gusto mo lang kasi lagi mapagisa. Maglaro ng toys mo kay hindi mo masyado nakakasalamuha yung mga tao dito sa bahay.
Napatango naman ako sa sagot ni mommy veronica pero hindi ako naging kampante sa sagot niya.
BOOOGSHH!
Napagitla ako nang marinig naming nabasag ang baso sa bandang gawi ni tyler.
"Tyler!" Sambit ko dito at agad kinarga ang anak ko.
Baka mamaya may bubog ang damit nito.
"Natalsikan kaba nang bubog anak?" Nagaalalang tanong ko.
Umiling ito.
"Hindi po mommy. Bigla na lang po nalaglag yung baso. Wala naman po ako ginagawa."
Napatulala ako kay tyler.
Ewan ko pero bigla akong kinabahan!
Ang sabi nang mga matatanda pag nabasag ang baso na walang dahilan may nangyayaring masama malapit sa buhay mo.
"Yaya! Linisin mo itong kalat." Utos ni mommy veronica sa kasambahay.
"Ayos lang darling. Tara ipagpatuloy na natin yung pagkain." Sabi nang ginang.
Napatingin ako kay tyler na tapos na uminom ng tubig.
"Busog na po ako. Salamat sa pagkain." Pinilit kong ngumiti para itago ang kaba ko.
Binuhat ko na ulit si tyler at pumasok kami sa kwarto.
Alas-nuwebe na nang gabi, kaya hinilamusan ko na si tyler at pinatulog.
Napaupo ako sa kama.
Hindi mawala-wala ang kaba ko. Ewan ko pakiramdam ko may nangyayaring masama sa taong importante sa akin.
Binuksan ko ang tv at bumungad sa akin ang bagong balita.
"Magandang gabi sa inyong lahat. Isang kilalang bilyonaryo ang isinugod sa hospital dahil sa natagpuan itong duguan sa kaniyang silid. Ayon sa kapatid nito na siyang nakakita, ay nakita na lamang niya itong duguan sa silid at may hawak na kutsilyo. Inaalam pa nang mga pulis kung bakit balak nito tapusin ang buhay. Ngayon, nagkakagulo dito sa labas ng Medical Sy Hospital upang makasagap ng impormasyon kung buhay pa ba ang sinasabing kilalang bilyonaryo o hindi na. Ito ang aking balita. Ako nga pala si Jena alejandro, nag uulat. Media news tv."
Tinangkang magpakamatay?
Isang bilyonaryo?
Isa lang ang pumasok sa isip ko.
"Tyrone."
.........
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...