Chapter 86
"Shh, tama na. Hindi iyon gagawin ni daddy." Pagpapatahan ko sa anak ko na tuloy tuloy ang pag iyak.
Yinakap ko ito nang mahigpit para mawala na ang pangamba nito.
"Sorry anak. Sorry kasi naiipit ka sa sitwasyon."
Nang mapatahan ko na sa pag-iyak ang anak ko ay inayusan ko ito.
"Huwag muna isipin 'yon ah? Hindi iyon mangyayari kay daddy mo. Tara baba na tayo." Nakangiting sabi ko at kinarga ito.
RAGE P.O.V
"Tyrone?" Tawag ko sa buong kabahayan pero wala akong naririnig kahit isang maliit na tunog.
"Tyrone?" Tawag ko ulit at naglakad patungong kusina.
Puro basag na bote ang naabutan ko at mga pagkain na nilalangaw na dahil sa kapanisan nito.
Madilim ang buong mansyon. Tanging ang ilaw lamang ay sa labas ng mansyon. Bumalik muli ako sa gilid ng pinto para buksan ang ilaw.
Nang kumalat na ang liwanag sa buong mansyon ay napailing na lang ako sa kalat.
Parang nagkaroon ng riot sa mansyon. Hindi lang pala sa kusina ang makalat kung di halos lahat ng kabahayan.
Mula sa kinaroroonan ko ay mayroong kalat. May mga makakapal na alikabok at mga sapot ng gagamba sa gilid ng bahay. Nag mukhang haunted house ang bahay na ito.
Tinangka namin ipalinis ito sa mga kasambahay pero tumanggi siya.
"Ano bang nangyayari sa buhay mo, tyrone?" Na itanong ko na lang sa sarili ko.
Umakyat ako sa kwarto. Pero dahan dahan lang ang pag-akyat ko dahil may mga bubog.
Umalis kami rito para bigyan ng pagkakataon na makapag-usap sila nang maayos sina andrea pero hindi ko akalain na ganito ang kahahantungan ng plano namin. Kahit gusto ko bumalik dito para damayan ang kapatid ko pero ayaw na niya. Gusto na niyang mapag-isa.
Lagi niyang sinasabi kay mommy na, ganito kagulo ang buhay niya pag wala ang kanyang mag-ina. Gusto man namin sabihin kay tyrone kung nasaan si andrea, pero kahit kami ay hindi na namin alam.
Nalaman ko kay mommy na sinabi sa kanya si andrea na ito na ang babalik kung sakaling mas sasaya siya sa piling ni tyrone pero kung hindi na. Hindi na ito babalik sa kanya.
May kakayahan kaming ipahanap si andrea kung saan ito nanunuluyan pero mas pinili namin igalang at respetuhin ang desisyon nito.
Alam ko rin namang labis na ang pagsisisi ni tyrone sa lahat ng mga nagawa at nasabi niya kay andrea noon.
Mahirap kasi kalimutan pag sinaktan ka ng taong lubusan mong minahal.
Naranasan ko na rin ang masaktan dahil sa nanay ni kian. Na mas pinagpalit pa ako sa isang badboy kesa sa isang mayamang katulad ko.
Mayaman ako at good boy pero kaya ko bumuhay ng pamilya. Aanhin mo ang badboy kung isang kain, isang tuka lang kayo?
Ok sana kung badboy katulad ng mga montemayor ang pinagpalit sa akin mas maiintindihan ko pa! Pero hindi e, isang hamak na tambay sa kanto! Ano silbi nang ganoong tao kung puro porma lang ang alam?! Hay buhay.
"Tyrone?" Katok ko sa pinto pero wala akong narinig na kahit anong ingay sa loob.
Kaya hindi na ako nagdalawang isip buksan ang pinto.
Isang masangsang na amoy ang bumungad sa akin.
"T-tyrone?" This time kinakabahan na ako.
Hindi maganda ang amoy na naaamoy ko. Dahil sa lakas ng aircon ay paikot-ikot lang dito ang amoy na iyon.
Kinapa ko ang switch sa gilid ng pinto para buksan ang ilaw.
At halos malagutan ako nang hininga sa nakikita ko ngayon.
Maraming dugo sa kama!
"TYRONE!" Agad agad ako tumakbo papalapit dito.
"Tyrone? Tyrone gumising ka! TYRONE!" Inalog-alog ko ang mukha nitong namumutla.
Kinuha ko kaagad ang cellphone ko. At nag-dial sa emergency call.
"Good eve-----
"I NEED AN AMBULANCE!"
........
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...