Chapter 16
Maaga akong nagising, hindi pa ako bumaba dahil ayoko makita si tyrone dahil sa nangyari kagabi.
Tumingin ako sa bintana, maganda ang pa-sikat ng araw dahil 6 am palang ng umaga. Dumiretso na ako at naligo. Balak ko ngayong araw magpa-check up at maggala-gala. Gusto ko lumaking healthy yung anak ko.
Lumabas na ako ng banyo pagkaligo at nag suot ng komportable na damit at saka bumaba. Hindi ko sinuot yung kwintas na ibinigay sakin ni tyrone dahil publikong lugar ang pupuntahan ko. Iniligay ko na lang sa safe na lalagyanan.
Mga katulong ang naabutan ko sa sala na naglilinis, walang tyrone akong nakikita ngayong araw. At mabuti naman kung ganun.
"Good morning, ma'am." bati sakin ng mga katulong at binati ko rin sila pabalik.
Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng gatas. At naabutan ko yung mga ibang kasambahay na nililinis sa kusina ng bubog ng bote. Yung hinagis ni tyrone kagabi.
Kinuha ko sa ref yung gatas at ininom at naglakad na palabas ng bahay.
"Mam andrea!!!" napalingon naman ako sa tumawag. Si mang edward yung guwardiya sa bahay.
"Bakit mang edward?" tanong ko sa kanya.
"Aalis ho ba kayo?" tanong niya.
Tumango naman ako bilang sagot.
"Naku! Pasensya na po, pero pinabibilin po ni sir tyrone na wag daw kayong aalis ngayong araw. Kung aalis man daw po kayo, tawagan niyo daw siya para samahan kayo." sabi ni mang edward.
Nangunot-noo ako sa sinabi ni mang edward. Kelan pa ako pinagbawalan ni tyrone na umalis ngayong araw? Wala sa kontrata 'yon ah!
Ngumiti ako kay mang edward.
"Ganun ho ba? Sige po tatawagan ko si tyrone." sabi ko na lang at saka naglakad palayo.
Tinago ko ulit sa bulsa ko yung cellphone, anong tatawagan siya para samahan ako? Di bale na lang.
Pumara ako ng taxi papuntang private hospital.
Pagkadating namin sa tapat ng hospital, nagbayad na ako at saka bumaba.
Pumasok na ako sa loob ng hospital at sumakay sa elevator papuntang 4th floor kung saan nandoon ang obi-gyne.
"Good morning doc." bati ko sa isang doctora na naka-upo.
"Good morning. What can i do for you?" tanong niya sakin.
"Magpapa-check up lang po ako. First time ko lang po e." sabi ko sa doctora at umupo sa harapan niya.
"Ah. Hmm... Kelan pa 'yang pagbubuntis mo?" tanong niya at may kinuhang papel na para ba'ng listahan niya.
"Two months na po." sagot ko sa tanong niya at isinulat niya.
"Ano yung pinaglilihan mo sa pagkain?" tanong niya.
"Mmm.. Dryfish po." sagot ko ng ikinatawa ni doc.
"Lagi ka ba'ng nagsusuka?" tanong ni doc.
"Bihira lang po." sagot ko.
"Ano ang ayaw mo sa pagkain?" tanong ni doc.
"Pizza po." sagot ko.
"May iniinom kaba?" tanong ulit niya.
"Opo. Pero gatas lang." sagot ko.
"Check nga natin 'don sa ultrasound." sabi niya at tumayo at pumasok sa isang pintuan siguro doon yung ultrasound na sinasabi ni doc.
Pagkadating ko sa loob, pinataas niya yung damit ko hanggang ilalim ng dibdib at pinabuksan yung butones ng pantalon ko.
May pinahid siyang oil sa buong puson ko paakyat sa pusod. At binuksan niya yung parang tv at may pinatung siya sa tyan ko na parang isang laruan.
Dug! Dug! Dug! Dug!
Ano 'yon?
"Did you hear that? Tanong ni doctora sakin. Tumango naman ako.
"It's your baby's heartbeat." sabi niya.
Tibok ng anak ko? Ang sarap pakinggan para itong musika sa pandinig ko.
Napaluha na lang ako bigla sa sobrang kasiyahan.
"Look, this is your baby." sabi ni doctora at tinuro yung maliit sa may tv.
Tinignan ko itong mabuti. Ayun nga! Ayun yung baby ko!
Hi! Baby? Nakikita ka ni mommy oh. Kahit hindi ko alam kung sino ang tatay mo mahal na mahal pa rin kita.
Nasabi ko na lang 'yon sa isip ko. Sana naririnig ako ng anak ko.
Pina-print ni doc yung picture mula sa tv at pinatayo na ako. Pinunasan ko yung luha ko, nagiging emotional ako.
Bumalik ulit kami sa office dala dala yung papel na pina-print niya.
"Congratulation. You're baby is healthy...." sabi niya. Ngumiti ako sa kanya.
".....but kailangan mong uminom ng vitamins. This one, isang beses isang araw. And then, this another one kailangan three times. Sa morning, after breakfast, and before sleep. And this is your ultrasound." dugtong ni doc at binigay sakin yung reseta at yung ultrasound na hindi naman gaano kalakihan.
"Salamat doc." sabi ko sa kanya.
"But kailangan mo pagpa-check up buwan-buwan at kung may nararamdaman ka'ng hindi maganda bumalik ka dito." sabi ni doc. Tumango ako sa sinabi ni doc at binayaran siya at saka umalis.
Tinignan ko ulit yung picture na pinirint ni doctora. Gustong-gusto ko tignan ang larawan na ito. Hindi ako makapaniwala na may mabubuhay sa loob ng sinapupunan ko.
Nakangiti akong lumabas ng hospital.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa mall. Bibilhan ko na nga ng damit yung anak ko!
*******
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...