Chapter 49
Lumipas ang Huwebes at biyernes ay wala akong ginawa kundi ang aalagaan at laruin ang anak ko.
At ngayon sabado na ng tanghali, at mamayang gabi na ang sinasabing event ni tyrone. Binilhan na rin ako ni tita ng floral dress na kulay cream at punong-puno ng kinang. Lace lang sa likod ang tanging saraduhan ng dress na iyon. Kaya kitang-kita mamaya ang likod ko, samahan pa ng nine inch na heels na kumikinang din. Hindi ko daw pwede isama ang anak ko kasi daw baka mahamugan daw, kaya iiwan ko sa bagong nanny ni baby tyler.
Oo! Nanny. Kumuha si rage ng nanny para kay baby tyler. Para daw may mag-aalaga at dito daw nakaatensyon.
Kasakukuyan akong nag-aayos ng kama ko ng biglang bumukas ng pagkalakas-lakas ang pinto. Kaya gulat akong napatingin dito. At nakita ko si Allison na pulang-pula ang suot.
"B-bakit?" Nauutal na tanong ko sa kanya kaso ngumisi lang siya sakin at saka nagsalita...
"Alam mo kung ako sayo, magligpit-ligpit kana ng gamit mo." Mataray na wika nito at naka-cross arm pa.
Taka naman akong tumingin sa kanya.
"A-anong s-sinasabi mo?" Nauutal na sabi ko sa kanya.
"Alam mo, hindi ka nababagay sa bahay ng mga Sy e. Alam mo kung bakit?..." sabi niya at naglakad siya palapit sakin at hinablot ang buhok ko pababa dahilan para mapatingala ako sa kanya.
"....kasi isa kang basura na dapat nasa tamang tapunan!" Sabi niya at pabalibag niyang inalis ang pagkakahawak sa buhok ko dahilan para bumagsak ako sa kama.
Tinignan ko ang likod niya na paalis na ng kwarto ko. Gusto ko siya labanan, pero ayoko gumawa ng gulo. Dahil kahit anong idahilan ko, bandang huli siya rin ang kakampihan ni tyrone.
Napaiyak na lang ako hindi dahil sa sakit ng pagkakasabunot niya sakin, kundi sa tama ang mga sinabi niya.
Isa lang akong basura. Basura na dapat nasa tamang lalagyan, basura na hindi dapat nakikisiksik sa kung saan-saan.
RAGE P.O.V
"Hindi pwedeng mangyari ang hinihiling mo." Malamig na sabi ko sa ina ng anak kong si kian.
"Pero paano ang anak natin, ayaw mo naman sigurong lumaki siyang broken family." Saad niya.
Tumalim ang tingin ko sa kanya.
"Wag mong gawing dahilan ang anak mo! Una pa lang ikaw na ang sumira na pamilyang sinasabi mo!" Bulyaw ko sa kanya.
"Rage naman. Hanggang ngayon ba naman, iyon at iyon pa rin ang nasa isip mo! Past na yon! Pwede ba? Kalimutan na natin ang nakaraan!" Naiiyak na sabi niya.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sofa.
"Kasama sa nakaraan ko ang kalimutan ka." Walang ganang sabi ko sa kanya at naglakad na palabas ng bahay. Narinig ko pa ang tawag niya, pero hindi na ako lumingon pa at sumakay na ako sa backseat kung saan naka-upo ngayon si kian.
"Papa, bakit ang tagal niyo mag-usap ni mama?" Tinignan ko si kian at hindi na sinagot ang tanong niya.
Bata ka pa anak para malaman mo ang lahat.
-------
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
![](https://img.wattpad.com/cover/93970671-288-k293812.jpg)
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...