Chapter 50:
6:00 na ng gabi ng tapos na kami maayosan nina tita at lola. Buong maghapong wala si tyrone. Gusto ko sana itanong kaso, wag na lang.
Nakasakay na kami sa itim na limousine at saka namin tinahak ang papuntang lugar kung saan gaganapin ang event.
Pagkadating namin sa lugar, si rage at si KIAN ang sumalubong samin na naka-tuxedong puti. Mag-ama nga sila.
"Kian!" Tumakbo ako kay kian at niyakap ito ng mahigpit. Isang linggo din kaming hindi nagkita ng batang ito.
"Ate kim! Hala! Nasaan na si baby?" Tanong niya at kinapakapa pa yung tyan ko.
"Nandoon sa bahay. Mamaya papakita ko sayo si baby tyler pagka-uwi." Nakangiting sabi ko sa kanya.
Tumingin ako sa kinagawian ni rage at nakangiti siya saming dalawa ni kian.
"Tara na." Sabi niya at inilahad niya ang kanyang kamay sakin kaya tinggap ko naman at inilagay niya sa kanyang braso. Si kian naman ay nauunang naglakakad samin. At kung hindi lang ito maliit, para na siyang boss sa inaasta niya. Sina tita at lola danica ay nauna ng pumasok sa loob.
Nasa entrance pa lang kami ay masasabi mo ng pangmayaman ang disenyo niya. Red carpet ang nilalakaran namin at ang lahat ng makakakita samin ay nagba-bow. Ako naman sinusuklian sila ng ngiti. Nung nasa loob na kami, hindi ko mabilang kung ilang table meron dito dahil sa lawak ng venue. Nasa gilid ng mga pagkain, nakatayo ang limang chef at may mga waiter na umiikot para bigyan ng wine ang mga bisita. Sa dulo ng venue ay nandoon ang malawak ng stage na may DJ. Sa likod ng stage nandoon ang swimming pool na iba-iba ang kulay.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuoang venue, base sa suot ng mga tao. Lahat ng mga ito ay mayayaman at sosyal.
Naupo na kami sa table na puti kasama ang pamilyang Sy.
"Good Evening ladies and gentlemen. Thanks for coming tonight...." Lahat ng atensyon ay nasa stage at lumabas ang lalaking nakapulang tuxedo at nay rose sa kanang dibdib niya.
"....this event is very special to me."nakangiting saad niya. Tinignan ko ang mga mata niya, masaya nga siya.
"Do you believe in love?" Nagbulungan naman ang mga tao sa sinabi niya. Siguro lahat sila ay nagtataka kung bakit ganun ang tanong niya.
"Yeah. It's corny right? I'm CEO but I believe in love when I met my future wife." Nakangiting sabi niya.
Future wife? Anong sinasabi niya?
"I'm sorry pero yung kasal ko noon ay hindi totoo. FAKE MARRIAGE lang iyon." Sabi niya at tumingin sa direksyon ko dahilan para mapayuko ako.
"But for now, this is true..." sabi niya at tumingin siya sa isang babaeng nakaupo sa unahan na natatapatan ng spot light.
Bumaba si tyrone sa stage at pumunta sa kinaroroonan ni Allison. Tumayo si allison at nakatakip ang bibig dahil sa gulat. Dahan-dahang lumuhod si tyrone at may inilabas na maliit na box.
"Will you marry me?" Nakangiting tanong ni tyrone kay allison na umiiyak na.
Kasabay na tanong ni tyrone ay kasabay ng pagtulo ng luha ko. Ang sakit! Nasaksihan ko pa! Dapat hindi na lang ako sumama. Inalagaan ko na lang sana ang anak ko sa bahay.
Pinunasan ko ang luha ko. Buti na lang madilim at hindi makikita ang pag-iyak ko. Kaso, kahit anong punas ko. Sadyang traydor ang mga luha ko.
"Yes! I will marry you." Nagsitayuan yung mga bisita at nagpalakpakan sa isinagot ni allison. Tumayo ako hindi para pumalakpak, kundi tumakbo palayo sa kasiyahan na yon habang ang puso ko ay durog na durog sa nasaksihan ko.
Kasalanan ko ang lahat na ito! Hinayaan kong mahulog ang sarili ko sa patibong na 'yon. Akala ko may pag-asa ako! Akala ko mamahalin niya rin ako! Akala ko magiging totoo ang pagpapanggap namin bilang asawa! Kaso nag-assume ako! Puro akala! Akala na naging dahilan ng pag-iyak at pagkawasak ko ngayon!
Hindi ko alam kung saan na ako dinadala ng mga paa ko. Basta ang gusto ko lang makalayo sa lugar na iyon na kung saan wala na akong pag-asa!
BEEEEEEEEEEEEEEPPPPPPPP!!!!!
Huli na bago ako makaiwas! Basta ang nakita ko na lang ay ang itim.
-------
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...