Chapter 62

117K 1.4K 134
                                    





Chapter 62






ALLISON P.O.V






Nandito na ako sa international airport. Omygooossshh! Super init dito sa philippines!!!





Pero tiis ganda dahil nandito ang kayamanan ko sa pilipinas. At speaking kayamanan.





Hindi ko pa natatawagan iyon. At isang buwan din na hindi ako ang nagpapainom sa kanya.




Aish! Nasaan na ba ang letseng sundo ko at wala pa. Peste! Ayoko talaga pinagaantay ako.




"Mam! Pasensya na po! Na-flat-an po ako sa gitna ng traffic!" hangos na sabi ng letseng driver na ito.




Sinampal ko ito ng sobrang lakas. Ayoko talaga sa lahat ay yung iinitin ang ulo ko sa paghihintay! Wala ni sinuman ang pinagaantay ako kahit isang segundo.




Sumakay na ako sa backseat.



"Office." nakasimangot na sabi ko sa driver. Umalis na kami sa airport at dumiretso kami sa opisina ni tyrone.









TYRONE P.O.V







"Ikaw ang ama ni tyler?" hindi makapaniwalang tanong sakin ni rage matapos kong ipakita sa kanya ang DNA Result.





Napayuko ako. Kahit ako ay hindi ko rin inaasahan ang resulta.




"H-hindi ko alam." sabi ko.





PAK!





Bumagsak ako sa sahig kasabay ng swivel chair ko matapos akong masuntok ni rage.





"ANONG HINDI MO ALAM?!! GAGO KABA? LUMABAS NA ANG RESULTA, HINDI MO PA RIN ALAM!!" sigaw niya sakin.




Napahawak ako sa dumudugong labi ko.




"Kailangan nila ito malaman." galit na saad niya.




"Please. Wag mo muna sabihin sa kanila." mahinang pakiusap ko sa kanya.




Matalim itong tumitig sa akin.




"Hindi ko hahayaan na itago mo ang responsibilidad mo bilang ama kay tyler." galit na tugon niya.




"Responsibilidad bilang ama kay baby tyler? Sinong ama?" napalingon kami sa nagsalita. Laking gulat ko ng makita ko si Allison na nakatayo sa may pinto ng office ko.





"A-allison." mahinang tawag ko dito sapat na para mapalingon siya sakin.





Tumakbo ito patungo sa akin.




"Darling, anong nangyari sayo? Bakit dumudugo ang labi mo? Sino may gawa niyan?" tarantang sunod-sunod niyang tanong.





"Ako." napalingon naman kami kay rage na hawak pa rin ang folder.






Tumayo si allison.





"Bakit mo ginawa yun sa kanya?" galit na tanong sa kanya ni allison.






"Wag ako ang tanungin mo." sabi nito at umalis na ng opisina ko dala ang folder.





Tinulungan ako ni allison tumayo. At naglakad kami papunta sa sofa.








"May kailangan kaba sabihin sakin?" tanong nito pagkaupo namin sa sofa.




Tumingin ako sa kanyang mga mata. Utang na loob ko sa kanya kaya ko nakalimutan si andrea.




Kapag nalaman niya na ako ang ama ni tyler, masasaktan siya. At iyon ang hindi ko hahayaang mangyari.





"Wala." sabi ko at niyakap siya.






-----




Thanks for reading!


DEINLICIOUS

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon