Chapter 75

107K 1.4K 17
                                    

ANDREA P.O.V

KINABUKASAN, maaaga ako na gising sa totoo lang wala pang sinag ng araw ay nagising ako.

Hindi kasi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari sa fast food. Ayoko sanang ibulgar ang nalalaman ko sa mga pinanggagawa ni allison pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa tindi ng inis ko sa kanya ng idamay ang anak ko na walang kamuwang-muwang sa mga s
pinagsasabi niya.

Nalaman ko ang lahat ng panggagayuma niya mula ng:

Nasa hospital ako ng magising ako ng may nagsasalita sa di kalayuan mula sakin.

At base sa boses niya ay kilala ko na siya kung sino.... Si allison.

Nanatili akong nakapikit habang pinapakinggan ko ang mga pinagsasabi niya.

"ANO?! Hindi pwede yon, alejandro. Handa ako magbayad kahit gaano kalaking halaga basta gumawa ka ng maraming gayuma! Malapit ng maubos ang gayumang pinapainom ko kay tyrone!"

Napahigpit ang hawak ko sa bedsheet sa mga nalaman ko.

Hindi ako makapaniwala! Ginagayuma niya si tyrone!

Ididilat ko na sana ang mga mata ko ng biglang may pumasok.

"Alejandro?" dahan-dahan ko ulit idinalat ang mga mata ko at sinilip kung sino ang pumasok.

Isang lalaking may makapal na bigote at maraming suot ng kung ano-anong agimat na kwintas sa kanyang leeg.

"Isang bote na lang meron ako, at hindi ko masisigurado kung kelan ulit ako makakagawa." sabi nung nangangalang alejandro.

Inilabas niya ang maliit na bote at naglalaman ito ng kulay rosas sa loob.

"Pwede na ito." sabi ni allison at kinuha ang bote sa kamay nung may bigote.

"Basta ang usapan natin na kapag na pahamak ka. Wag mo ako idadawit. Naiintindihan mo? Nasaan ang bayad?" -alejandro

Inilabas naman ni allison ang sandamakmak na pera at inabot sa lalaking kausap bago ito umalis ng kwarto.

Nanginginig na ang kamay ko sa pagkakahawak sa bed sheet. Bakit kailangan niya gawin ito kay tyrone?

Nakaupo ako ngayon sa kama ko. Gusto ko makausap mamaya si tyrone at humingin ng sorry sa lahat ng pangingilam ko kanila.

Nasaktan ko si tyrone, dahil sa pangengelam ko sa kanila ay wala ng matutuloy na kasal.

Bumaba na lang ako at dumiretso sa kwarto ng anak ko. Mahimbing pa rin siyang natutulog. Umupo ako sa gilid ng at hinimas ko ang noo nito.

Hindi ko mapigilan ang lumuha. Dahil sa kagagawan ko, nadadamay pati ang anak ko.

Pinunasan ko ang luhang nagbabadyang tumulo. Gustong-gusto ko ng malaman kung sino ang ama ng anak ko. Hindi para ipaalam sa kanya na nagbunga ang aksidenteng pagtatalik ng gabing iyon, kundi isampal sa pagmumukha niya na dahil sa pagiging misteryoso niya ng gabing iyon wala akong maipakilala sa anak ko kung sino ang ama niya.

Nakarinig ako ng katok sa labas ng kwartong kinaroroonan ko. Pinunasan ko ang luha ko at binuksan ang pinto.

"Manang, bakit ho?" bungad ko dito. Tumingin ako sa orasan, kalagitnaan palang ng gabi ngunit bakit gising na ito. Hindi man lang niya napansin ang presensya nito.

"Pinapatawag ka po ni sir tyrone pumunta ka daw po sa opisina niya." -manang.

Agad namang dumagundong ang dibdib niya sa kaba. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Siguradong magagalit ito sa kanya at baka tuluyan na silang palayasin sa mansyon na to dahil sa pangingilam niya kina allison. Pero dapat, magpasalamat ito sa kanya diba? Dahil sa kanya nalaman niya na niloloko lang siya ni allison.

"Miss andrea?"

Nabalik sa ulirat ang pag-iisip niya ng marinig ang presensya nito.

"Sige po manang. Salamat po." sabi ko.

Inayos ko ang sarili ko bago dumiretso sa opisina ni tyrone. Nasa tapat na ako ng pinto at pipihitin ko na ang doorknob ng kusang bukas ito at bumungad sakin si tyrone na naka v-neck t-shirt na itim at naka maong short, magulo ang buhok na naladagdag sa kagwapuhan niya.

"Pinapatawag mo daw ako." pagputol sa ilangan namin.

"Ah, oo. Come in." sabi nito at naglakad papunta sa swivel chair nito.

Mabibigat na hakbang akong pumasok sa loob ng opisina hindi ko maintindihan ang bigat na pakiramdam sa loob na opisina.

Umupo ako sa living area ng opisina.

"Gusto mo ba ng kape? Pagtitimpla kita." rinig kong alok nito.

"Ah, wag na. Salamat." sabi ko at ngumiti ng tipid sa kanya.

May kinuha ito sa ibabaw ng lamesa niya. Isa itong brown envelope.

Ano kaya ito?

"May gusto akong ipaalam sayo."

--------------

THANKS FOR READING!

SORRY SA MGA NAG-ANTAY. NGAYON NA LANG KASI AKO NAKAPAG-OPEN SA WATTPAD.

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon