Chapter 11

141K 2.1K 149
                                    



Chapter 11



Two months na akong buntis, at unti-unti ng umuumbok yung tyan ko. At iyon ang pino-problema ko. Minsan na rin napansin ni rage ang pagumbok ng tyan ko. Natatanong niya nga ako kung 'bakit daw lumalaki?' ang sinagot ko na lang ay 'lagi akong busog.'



Tatlong buwan na rin kaming kasal ni tyrone as his fake wife. Pero laking pasasalamat ko ng hindi kami magkasama sa kwarto at wala pa'ng nangyayari samin. At hindi ko pinapangarap na may mangyari.



Normal ang nangyayari dito sa loob ng bahay, binigyan na rin ako ng two million ni tyrone bilang sahod ko buwan-buwan.



Minsan, wala dito si tyrone at si rage lagi ang nakakasama at nakakausap ko dito sa bahay at kung minsan ay dito na rin siya natutulog.



Magkakatabi lang ang kwarto naming tatlo. Ang unang kwarto ay sakin, ang sumunod naman ay kay rage at ang huli ay kay tyrone. Dibale napagitnaan namin ang kwarto ni rage.



At kung minsan naman ay wala si rage kaya ang mga kasambahay o ang katiwala ang madalas ko kausap dito. Hindi rin naman nakakabagot sa bahay na'to dahil mayroong library na iba-iba ang session. May mga libro pang-wattpad, pang knowledge, pang-school, pang-office, pang- languages.



Minsan nakakatulog ako sa library kakabasa ng wattpad book at kung hindi pa ako gigisingin ay doon na ako aabutin ng umaga.



Madalas kami umabas ni rage at kung saan-saan kami namamasyal. Pero minsan tuwing sumasapit ang hating gabi ay doon na ako nagdurusa.



Madalas kasi sa madaling araw ako kung maglihi o kaya ay nagsusuka. Lagi akong naghahanap ng tuyo at hindi ko alam kung saan ako bibili dahil dis-oras na ng gabi. Minsan naman, hinahanap-hanap ko yung amoy ni tyrone. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko yung amoy niyang 'yon.



Minsan lang umuwi sa tyrone dito. Kung sa isang buwan, tatlo o limang beses lang siya umuwi. At kung uuwi pa 'yon dito, ay laging nakasimangot o kaya naman may topak. Kaya minsan lahat ng kasambahay ay nagkakandarapa kapag nakasimangot si tyrone kung uuwi dahil sila ay mabubulyawan o mapapalayas.



Hindi kami nagpapansinan ni tyrone at bihira lang kami kung mag-usap. Minsan, sabay kami kumain pero walang kibuan.



Hinahayaan ko na lang.



Pagmatutulog naman ay maggo-goodnight lang kami sa isa't isa pero wala na at ganun din sa umaga.



Tok...tok..



Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si jenny, isa sa mga kasambahay dito bahay.



"Oh, jenny. Bakit?" tanong ko sa kanya.



"Nandyan si sir tyrone. Pinapatawag ka po." sabi niya sakin.



"Ah sige. Bababa na ako." sabi ko sa kanya at sumunod sa kanya pababa.



Hindi ko aasahan ang pagdating ni tyrone ngayong araw. Kaya laking gulat ko ng nandito si tyrone at pinapatawag ako.



Ano kaya ang dahilan?



Naabutan ko siya sa sala, naka-numero kwatro siya habang nanonood ng tv.



"Pinapatawag mo daw ako." sabi ko sa kanya at umupo sa kabilang sofa.



Tumingin siya at inabot ang malaking kahon sakin.



"Wear this. Hihintayin kita." sabi niya at tumayo na siya at umakyat ng hagdan.



"Saan tayo pupunta?!!" pahabol na tanong ko sa kanya. Pero dinedma lang ako.



Narinig ko pa ang sara ng pinto ng kwarto niya.



"Antipatiko talaga." nasabi ko na lang sa sarili ko.



Umakyat na rin ako sa kwarto ko at binuksan ang kahon na ibinigay niya sakin.



*******



Thanks for reading!



A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon