Chapter 24
Pagkadating na pagkadating namin sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto at humiga. Grabe! Pagod na pagod ako.
Ayoko na makasama ang lalaking 'yon pagnag-shopping. Dapat binili na lang niya ang buong mall.
Nag-grocery pa kasi siya at bumili pa ng damit para sa mga buntis. Kumain pa kami sa isang fast food at dumiretso kami sa balintawak para bumili ng dryfish.
Alas-otso na ng gabi at bugbog sarado ang katawan ko.
Tok...Tok...
"Bukas!" sabi ko sa kumakatok.
Napalingon naman ako kung sino ang pumasok. Si rage pala, dala dala yung teady bear at kasama yung mga ibang katulong na bitbit yung binili sa babies department.
Inilapag nila sa sofa yung mga pinamili namin. Lumabas naman ang mga katulong ng mailapag na nila yung mga gamit. At naiwan naman si rage sa loob. Inilipag naman niya sa kama yung mama bear katabi ko.
"Mukhang pagod ah!" sabi niya sakin. Inirapan ko siya.
"Hindi ako pagod rage. Pagod na pagod." asar na sabi ko sa kanya.
Tumawa siya at tumabi sakin.
Ginulo naman niya yung buhok ko.
"Ano ba?!" inis na sabi ko sa kanya at hinawi yung kamay niya.
"Ibang klase ka magbuntis. Masyado kang blooming. Maganda siguro lahi ng naka-ano mo." sabi niya at tumawa.
Namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Lumabas ka na nga." sabi ko sa kanya.
Tumatawang tumayo si rage.
"Kumain kana sa baba." sabi niya at lumabas na siya ng kwarto.
Nakahinga naman ako ng maluwang ng makaalis na ang makulit na lalaking 'yon.
Tinignan ko yung teady bear na nasa tabi ko.
Kamukhang-kamukha talaga siya ni tyrone. Siguro kung gumagalaw lang itong teady bear na 'to. Malamang masungit 'to kagaya niya.
Tumulo na lang yung luha ko ng maalala ko na naman ang lalaking 'yon. Gusto ko himingi ng sorry sa kanya, gusto ko ipaliwanag ang lahat. Pero paano ko iyon magagawa kung hindi ko naman alam kung nasaan siya ngayon?
Binuksan ko yung tv, hindi ko sinasadyang mapindot ang news tv pero para ba'ng na iinteresado ako sa balita.
"Kilala nating lahat na ang isang bilyonaryong si Tyrone Sy ay nakabalik na mula sa ilang buwan na hindi pagpapakita sa publiko. Kasalukuyan na inaabangan natin siya sa paliparan na kung saan na may nagsasabi na dito lalapag ang eroplanong lulan nito." Wika nang isang newscaster.
Maya maya ay narinig ko na masigabong nagpalakpakan ang mga tao sa tv. Lahat ng kamera ay nakatutok lamang sa isang eroplanong kakabukas pa lang ng pinto.
Lumabas ang lalaki sa isang private airplane. Pababa siya ng eroplano at naka-redcarpet ang bawat dadaanan niya. Maraming private bodyguard ang nakaharang para hindi siya dumugin ng mga reporters. May isang itim na kotse ang nakaabang sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa napapanood ko ngayon.
Si tyrone, nagbalik na si tyrone!
Napangiwi ako dahil sa pagsipa sa tyan ko...
"AAAAAAHHHHHH!!!!" napasigaw na ako sa sakit. First time ko maranasan iyon. Ang pagsipa ng anak ko.
Napahiga na ako sa kama sa sobrang pamimilipit. Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi ko alam kung sino ang nagbuhat sakin basta ang naamoy ko lang ay yung pamilyar na pabango.
At unti-unting nanilim ang aking paningin.
*******
Thanks for reading
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...