Chapter 46:
Kinabukasan inayos na ni rage yung mga gamit ko. Nakakahiya man sa kanya at gugustuhin ko mang–ako ang mag-ayos ng mga pinaggamitan ko sa panganganak ay hindi niya ako pinahintulan na gawin iyon. Pinaupo niya lang ako sa kama habang karga-karga ang anak ko.
"Gusto mo ba kumain? Ibibili kita sa baba." rinig kong tanong sakin ni rage na nag-zipper na ng bag ko.
"Ayoko kumain. Salamat na lang." nahihiyang sambit ko sa kanya.
Dumating ang alas-dose ng pumasok si rage na may dalang wheel chair. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.
"Ayoko kitang palakarin. Baka mabinat ka." sabi niya na lalo ikakunot noo ko.
Pakiramdam ko tuloy, nalumpo ako.
"Pero kasi, h-hindi naman ako nalumpo." nahihiyang sambit ko sa kanya.
"Pinoprotektahan kasi kita." sabi niya at ngumiti.
Tumayo na lang ako at naglakad papunta sa wheelchair.
Tumingala ako sa kanya habang tinatahak namin yung hallway.
"Nagbayad kana ba ng bill?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Hindi na kailangan yon." sabi niya at itinuon ang pansin sa dinadaanan namin.
Tumahimik na lang ako sa isinagot niya. Hindi ko na kakayanin ang pamimilosopo niya sakin.
"Andrea?!" napahinto kami sa gitnang bahagi ng hallway ng may sumigaw.
Huminto naman sa harap ko ang isang babaeng hingal na hingal dahil sa suot niyang heels. Kung hindi ako nagkakamali siya si Mitzy, yung kasama ko sa bar noon.
"Mitzy?" hindi ako makapaniwala sa tagal ng panahon magkikita pa kami ng kaibigan ko.
"Sabi na e! Ikaw yung nakita ko na lumabas sa kwarto. Anak mo ba siya?"wika niya at tinuro ang anak ko.
Tumango naman ako bilang pagtama sa tanong niya.
"So, totoo nga pala. Na nabuntis ka nung ka-one night stand mo noon sa bar." sabit niya at parang hindi man lang nahihiya sa kasama ko na nasa likod ko lang.
Napayuko naman ako sa sinabi niya. Kahihiyan na gusto ko ng kalimutan pero paulit-ulit na ipinaaalala sa akin.
"Watch your word. Ms.Whoever you are." napatingala ako kay rage na nakapoker face na ang mukha kay mitzy.
"Mr. Whoever you are too. Excuse me, pero hindi kita kinakausap." mataray na ganti rin ni mitzy kay rage. Napailing na lang ako sa dalawa, nagsama ang hindi nagpapatalo.
"Ow, talaga hindi mo ako kinakausap huh? At isa pa, huwag mo nga kausapin yung asawa ko." inis na sabit ni rage.
Inirapan na lang siya ni mitzy at ngumiti ng tumingin sakin.
"Hindi ako naniniwala na asawa mo si Andrea! Pwede ko bang kargahin yung baby mo?" nakangiting tanong sakin ni mitzy. Tumango na lang ako at kinuha niya ang anak ko.
"Wow! Ang ganda naman pala ng lahi e! Kulay green ang mata ni baby!" manghang sambit ni mitzy sa anak ko.
Tumingin siya kay rage.
"Oh? Tignan mo nga yung mata ni baby pure green, e sayo. CONTACT LENS! Pashnea 'to!" pang-aasar ni mitzy kay rage na napipikon na.
Ibinigay ni mitzy sakin ang anak ko. At may ibinulong na ikinanginig ng tuhod ko.
Namimilog ang mga mata ko ng tumingin kay mitzy na nagpaalam na samin.
Sinundan ko ng tingin si mitzy hanggang sa lumiko siya pakanan sa dulo ng pasilyo. Binalik ko ang tingin ko sa unahan na may malaking tanong sa aking isipan.
Hindi kaya totoo ang mga ibinulong niya.
Imposible!
*******
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...