Chapter 47

125K 1.6K 20
                                    





Chapter 47:






Tulala akong nakauwi sa bahay ni Tyrone. Nabalik lang ako sa ulirat ng umiiyak si baby tyler.





"Wag mong damdamin yung binulong sayo ng babaeng 'yon." napatingin ako kay rage na nasa gilid ko lang pala at dala-dala ang bag ko na laman ay yung ginamit ko sa hospital.




Tinignan ko si baby tyler na umiiyak, siguro gutom na ang anak ko.





Tyler Andrey Sanchez.






Hindi ko alam kung paano ko naibigay sa anak ko ang pangalan na iyon. Basta ng tanungin na lang ako ni Tyrone kung ano ang pangalan niya ay nasabi ko ang katagang iyon.





Tumingin ako kay rage, at mukhang naintindihan niya ang nais kong ipahiwatig kaya nauna na siyang pumasok sa loob. Ako naman pumasok sa loob ng kotse niya, bumaba ang driver. Naka bukas naman ang aircon kaya ok lang. At saka ako nagbreastfeed sa anak ko na tumulo na ang luha kakaiyak. Pinunasan ko ang luha at hinalikan siya sa noo.





"Hinding-hindi ka malulungkot anak kahit wala kang tatay." sabi ko sa anak ko.





Ibinaling ko ang tingin ko sa mga mata ng anak ko. Hindi ako makapaniwala na ang naka-disgrasya sakin ay mayroong magandang lahi at nagpapasalamat ako kahit papaaano. Dahil kahit ilang oras pa lang sa mundo ang anak ko, nakikita ko na ang angking gwapo niya kapag siya ay malaki na. Kaso ang hindi ko maintindihan, may pagkakahawig sila ni Tyrone. Sa hugis ng mukha, mapupungay nitong mga mata, at maamong mukha. Kahit sa kulay ng mga mata ay parehong-pareho silang dalawa.






Naalala ko na naman ang binulong sakin ni Mitzy kanina. Ayaw ko maniwala sa sinabi niya pero may naguudyok sa akin na maniwala ako. Pero kasi, ayoko mag-aasume! Dahil unang-una sa lahat, hindi ko nakita ang nakakuha ng treasure sakin! Pangalawa, nagising na lang ako na nasa motel na ako! Kaya ayoko umasa.





Napalingon ako sa may window ng may kumakatok. Si Tyrone.





Agad kong tinakpan ng panyo ang umbok ng breast ko at saka binuksan yung bintana.





"Bakit?" tanong ko sa kanya na hindi nakatingin sakin. At mukhang naiilang. Problema neto?!





"E-everyone is looking for y-you." nauutal na sabi niya sakin at saka nagmamadaling umalis. Bipolar talaga ang lalaking 'yon!




Tinignan ko muli ang anak ko na ngayon ay nakatingin sakin.





"Mamaya kana kumain babyboy ko ah! Hinahanap tayo sa loob e." kausap ko sa anak ko na gumagalaw-galaw ang mga braso niya. Ang cute!




Bumaba na ako sa kotse at saka pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa dining area.




Pagkadating ko ay nakangiti ang mga tao sakin. Maliban na lang kay Allison na naka-maldita mode.





"Hello po. Pasensya na kung nahuli ako. Nagbreastfeed lang po ako kay babyboy." nahihiyang wika ko sa kanila.





"Ayos lang hija. Tara maupo ka dito sa tabi ni Tyrone." sabi ni tita.




Tumingin naman ako sa kinagagawian ni tyrone. Busy siyang nakikipag-usap kay allison at kahit nakaupo na ako sa tabi niya ay mukhang hindi niya ako mapapansin dahil busy siya sa IBA.




"Tyrone hijo. Akala ko ba may sasabihin ka? What is it?" nabaling ang lahat ng atensiyon kay tyrone na nagpupunas ng bibig.







"Ah. Yeah!. Sa sabado mag-prepared kayo ng elegant dress for girls and americano suits for boys." masayang sabi niya.




"Akin na muna sa baby tyler, para makakain ka ng maayos." napalingon ako at nakita ko si rage.




Binigay ko naman sa kanya ang anak ko at kumain ako.




Nabaling ang tingin ko kay tyrone na hindi ko na narinig ang mga sinabi niya.




"Mukhang masaya ang mangyayari sa sabado ah." narinig kong biro ni tita.




"Oo naman." narinig ko pang habol ni tyrone at kumain ng steak.




Kunot noo naman akong naghihiwa ng steak ko. May malaking question mark sa utak ko kung ano ang gagawin sa sabado.





-----------





Thanks for reading!




A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon