Chapter 74

106K 1.5K 79
                                    


ENJOY!!!

------****------

ANDREA P.O.V

Namumutlang hinablot sakin ni allison yung hawak kong gayuma.

Humarap ako sa kanya na blangko ang itsura.

"Kung ako disgrasyada, ikaw naman mangagagayuma. Isang desperada sa pagibig?.... Pero teka, pagibig nga ba talaga o kayamanan?" wika ko at saka umalis ng jollibee bitbit ang anak ko na walang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid niya.

-------

TYRONE P.O.V

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga nalaman ko.

Nagayuma ako ng isang tao.

"T-tyrone, w-wag ka maniwala sa babaeng yon!" nanginginig na sabi ni allison.

Walang emosyon akong tumingin sa kanya.

Pinakita niya sakin ang hawak ni andrea kanina.

"H-hindi ito pang-gayuma. P-pabango ito." paliwanag niya.

Napangisi ako sa kasinungalingan niya.

"Tigilan mo na ang kasinungalingan mo." malamig na sabi ko sa kanya aakmang aalis na ng bigla niya akong yakapin sa likod.

"Please tyrone, magpapaliwanag ako." umiiyak na tinig nito.

"Magpapaliwanag? Para ano? Paniwalain ako sa kasinungalingan mo? From now on, hindi na kita papakasalan." sabi ko at umalis na ng fastfood. Naiwan naman siyang umiiyak sa loob.

Tumawag ako ng pulis para dakipin nila ang mang-gagayuma doon. At tinawagan ko rin ang abogado ko para asikasuhin niya ang kasong isasampa ko.

Nang makarating ako sa kotse ko, pumasok lang ako sa loob.

Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Para akong inapin ng libo-libong tao dahil sa panggagayuma sakin ni allison. Ni hindi ko man lang naisip na ginagayuma na pala ako ni allison.

Para akong duwag na lalaki!

Naalala ko lahat-lahat na mga pinanghihingi sakin ni allison nitong nakaraang araw lalo na nung na-engaged kami sa isa't-isa.

"Argggggghhhhh!!!" sigaw ko sa galit at pinaghahampas ang manibela.

Masaya dapat ako dahil nakawala na ako kay allison, pero hindi ko maiwasang hindi magalit sa mga nalaman ko.

Unang pumasok sa isip ko si andrea. Gusto ko magpasalamat sa kanya. Dahil sa kanya, nalaman ko na ang lahat lahat.















HATING GABI na ng umuwi ako sa bahay galing bar. Inilabas ko lahat-lahat ng galit ko sa alak pero kahit ilang malalakas na alak ang inumin ko ay walang epekto sakin.

"Ginabi ka ata." napalingon ako sa sala ng may nagsalita mula sa gitna ng dilim.

Dahan-dahan itong naglakad patungo sa kinaroroonan ko.

"R-rage."

"Alam ko na ang lahat na nangyari." sabi nito at hinagis sakin ang isang yosi at lighter.

Napangiti ako ginawa niya. Alam niya talaga na may problema ako. Sinindihan ko ang yosi bago nagsalita.

"Paano mo nalaman?" tanong ko at bumuga ng usok.

"Ano bang klaseng tanong yan? Kung ang problema nga sa tatlong kompanya sa europe ay kaya kong alamin at ayusin. Sayo pa kaya." sabi nito.

Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya.

"Oo nga pala, imbestigador ka pala." nakangiting sabi ko at ginulo ang buhok niya.

"Syempre, kapatid kaya kita." sabi nito at inakbayan ako.

Mas lalo kong ginulo ang buhok niya.

"Ako na palang bahala sa kaso na isinampa mo kay allison." sabi niya dahilan para mapabitaw ako sa pagkakaakbay sa kanya.

"Pero..."

"Basta isang kondisyon, magtatapat kana kay andrea na ikaw ang tatay ni tyler." sabi niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Deal! Salamat bro!" sabi ko at nakipagkamao ako sa kanya.

"Good. Para maayos na yang problema mo." sabi nito.

Napangiti ako sa sinabi ni rage. Pareho kaming busy sa negosyo pero nagiging isa kami pag may problema.

Tumingin ako sa orasan...

2:30 na pala.

It's time to...............






Tell her the truth.


------------

PLEASE VOTE AND COMMENT.

THANKS FOR READING!!!!

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon