Chapter 18

135K 2.1K 46
                                    



Chapter 18



"So, there you are." malamig na sabi ni tyrone.



Napatingin ako sa taong nasa likod niya, LIMANG PRIVATE BODYGUARD!



Nanginginig naman akong tumayo paharap kay tyrone, nakakatakot ang itsura niya ngayon.



"Tyrone." tawag ko sa kanya. Pero ang sama pa rin ng tingin niya kay rexie. Tumingin ako kay rexie, tingin na ilihis niya ang tingin niya kay tyrone.



Pero hindi rin nagpaawat ang isa.



Nakatingin na rin ang mga tao sa amin pero itong dalawa ay ayaw pa rin magpatinag sa isa't isa.



"T-tyrone, t-tara na." nanginginig na yaya ko kay tyrone. Pero hindi pa rin talaga umaalis ang tingin niya kay rexie.



"Who he is?" malamig na tanong sakin ni tyrone.



"Ahm... Siya si------" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si rexie na ang sumagot ng tanong ni tyrone.



"I'm Rexie Villamor. Nice to meet you again, tyrone sy." mapangasar na wika ni rexie kay tyrone.



Teka, kilala niya si tyrone?



Kumuyom naman ang mga kamao ni tyrone. Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya.



"Tyrone, please." nagmamakaawang saad ko kay tyrone.



"Don't you dare touch my wife or else i'll kill you mr. Villamor." sabi ni tyrone at saka kami umalis salamat naman.



Bumalik ako ng patakbo sa upuan ko kanina at kinuha yung mga paper bag.



"I'm sorry." pahabol na sabi ko kay rexie. Ngumiti lang siya sakin.



Naglakad ako pabalik kay tyrone at hinawakan niya yung bewang ko at saka kami naglakad papuntang parking lot.



Pagkadating namin sa parking lot, dalawang sasakyan ang nakaparada at sumakay na kami sa pinakahuling sasakyan. At ang tatlong bodyguard doon sumakay sa unang sasakyan at yung dalawa doon sa harapan namin.



Nauna akong sumakay sa likod ng kotse habang dala-dala ang sandamakmak na paperbag. Dikit na dikit sakin yung paper, kahit nakaupo na ako ngayon sa loob ay hawak hawak ko pa rin yung paperbag. Ayokong makita niya yung laman ng paperbag.



Pumasok na siya sa loob katabi ko. Ako naman sige pa rin ang urong ko. Kulang na lang magpalit na kami ng pintuan.



"Hey, come here." sabi niya at tinapik yung space na upuan malapit sa kanya.



Nanlalamig na nanginginig ang mga kamay ko.



"NO!"



Nanlaki ang mga mata niya sa pagsigaw ko, kahit ako ay nagulat din.



"O-ok." nauutal na sabi niya.



Nasa gitna na kami ng biyahe ay wala kaming kibuan, ako naman todo pa rin ang hawak ko sa paperbag.



Hanggang sa makarating kami sa bahay ni tyrone, hindi ko na inantay na pagbuksan ako ng pinto ng bodyguard niya, kusa na akong nagbukas at mabilis na pumasok sa loob papunta sa kwarto ko.



Ini-lock ko ng mabuti yung pinto at nilagay yung laman ng paper sa loob ng maleta kong pinaglagyan noon ng damit at nilagay sa pinakasulok sa ilalim ng kama.



Hay! Salamat naman.



Tinignan ko yung shoulder bag ko para tignan yung ultrasound picture ko kanina, kaso nilabas ko na lahat ng gamit ko sa loob ng shoulder bag ay wala pa rin akong nakikitang kulay puting sobre.



Agad agad akong tumakbo pababa, nakita kong umupo si tyrone sa sala at nakatingin sa puting sobre at dahan-dahang binubuksan niya ang sobra.



Hindi! Hindi niya pwede makita yung resulta !!!



"NOOOOOOOOOO!!!!!!!" Malakas na sigaw ko sa kanya.



Not now!! Please, not now!!!!



*********



Thanks for reading!


A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon