Chapter 28
Kinakabahan ako sa maaaring isagot ni tyrone sa kanyang mama. Nanatili akong nakatayo sa harapan nila.
"Sasabihin ko sana sayo mom, but pumunta ka dito kaya hindi na kita na-surprise." sagot niya.
Nanlaki na naman yung mata ko sa isinagot niya. Anong pinaparating ng lalaking 'to sa kanyang sinabi?
"Ohh! Buti na lang pumunta na ako dito. But thank you sa inyo mga anak dahil nag-work kayong dalawa. Hahaha!!" mapang-asar na saad ni tita.
Namula naman ako sa sinabi niyang 'work'. Sa totoo lang, na greenminded ako sa sinabi ni tita.
Tumingin ako kay tyrone, pero umiwas siya ng tingin sakin at umakyat papunta sa kwarto niya.
Ang gulo niya!
TYRONE P.O.V
Narinig ko ang boses ng mga katulong sa labas ng bahay. Alam ko ng andyan na sa labas sina rage kaso sumama pa pala yung mukhang paa'ng asawa niya.
Naunang pumasok si rage kaso mukhang hindi ata ako napansin dahil dire-diretso siyang pumasok na walang suot na tsinelas.
Alam ko na rin ang nangyari kay andrea ayon kay manang, nagsisigaw na lang daw ito sa kwarto at ng madatnan nila sa loob ay wala ng malay. Ilang beses na rin daw nila itong ginigising kaso hindi daw nagising kaya naisipan daw ni rage na dahil sa hospital para malaman kung ano ang dahilan.
Maaga na akong dumating sa bahay, 6:00 pa lang ay nandito na ako. Sa condo na ako na tulog dahil ayoko muna magpakita sa bahay.
10:00 na ng umaga ng dumating si rage. At kasama ang villamor na 'yon.
Naramdaman ko silang pumasok sa loob ng bahay, napatingin ako sa kanila. Magkahawak ang kanilang kamay at kapit na kapit naman si andrea kay villamor. Kailangan ba ipamukha sakin kung gaano niya kamahal si villamor?
Kinuha ko ulit ang dyaryo para magbasa pero itong dalawang tao na nasa tabi ko ay balak ata akong tunawin sa kanilang mga titig.
"Uyy! Welcome back. Tyrone." sabi sakin ng isang epal. Pero dinedma ko lang siya
"Hay naku! Masyado ka namang seryoso sa binabasa mo." sabi na naman niya. Manhid ata ang isang 'to e.
"Don't talk to me, Mr. Villamor." masungit na sabi ko. Hindi ako nakikipag usap sa mga epal.
Narinig ko siyang tumawa at saka nagsalita ulit. Tang ina! Hindi talaga marunong makiramdam ang isang 'to
"Paano ba naman na hindi kita kakausapin e, baliktad yung dyaryo mo." asar niya sakin at tumawa. Narinig ko rin tumawa si andrea.
"Shit!" napamura na lang ako sa kahihiyan ko. Dumiretso ako sa kwarto at nagsara ng pinto.
Napahiya ako 'don ah!
Naglakad ako pabalik-balik sa kwarto ko. Gusto kong lumabas pero nag-aalangan ako.
Ano ba'ng magandang dahilan?
Nauuhaw. Tama 'yon nga!
Humarap muna ako sa salamin at inilabas ko sa mukha ko ang masungit look at saka na ako lumabas.
Pababa na ako ng makita ko si mama na kausap si andrea.
"Mom?!" gulat na tawag ko kay mama. Anong ginagawa ni mama dito?
Napatingin naman sakin si andrea at yung kasama niyang mukhang paa.
"Anong ginagawa mo dito, mom?" tanong ko kay mommy na kasalukuyang nakadikit ang kaliwang tenga niya sa tyan ni andrea.
"Shh! Quite!".
Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Sa ngayon totoo na akong nauhaw dahil intensyong nagaganap ngayon. Bumalik ulit ako sa salas at ganun pa rin ang sitwasyon na iniwan ko.
"You say something, son." tanong sa kanya ni tita.
"Ang sabi ko, anong ginagawa mo dito?" tanong ulit ni tyrone.
"Ikaw sana ang pinunta ko dito, pero dahil magkaka-apo na ako. Hindi na ikaw ang dahilan. At isa pa, may kasalanan kayo sa akin. Lalo kana tyrone! Bakit hindi sinabi sa akin na buntis na pala si andrea?!
Sino nagsabing grandson niya ang dala-dala ni andrea?
Bahala na kung ano ang masagot ko.
"Sasabihin ko sana sayo mom, but pumunta ka dito kaya hindi na kita na-surprise." sagot ko kay mommy. Tumingin ako sa kinagawian ni villamor. Mukha lang siya nanonood ng tv sa usapan namin.
Tangina 'to! Hindi man lang nagalit sa sinabi ko.
Nanlaki naman ang mga mata ni andrea sa sinagot ko. Tumingin siya sakin kaso iniwas ko ang tingin ko sa kanya at saka umakyat sa taas.
Pasalamat siya may reason akong ginawa.
********
Thanks for reading...
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...