Author's note:
Hello my beautiful/handsome readers. I'm so sorry kung ngayon lang ako nakapag-update alam niyo naman, student ako. And as a student, may mga responsibility tayo na kailangan natin tapusin. Sa isang reader na nagalit sa akin kesyo naiinip siya sa paghihintay. ( you know who you are) sorry naman po. Matagal ako makapag-isip kung gagawin ko ba itong happy ending o hindi. Wala pa ako maisip na ending e. So, relax lang ha!
Anyway, I never promise to you readers kung sunod-sunod itong pag-update ko because I find a work for this summer vacation, but at least I tried my best to update a new chapter to this story so don't be mad at me okay?
By the way, thank you so much to support this story. I hope you like it.
Here we go...
Enjoy!
.......
Chapter 77:
Andrea P.O.V
Nasa loob lang ako ng kwarto magdamag. Tulala at walang ganang kumain. Ilang beses na rin na may magtangkang mag-iwan ng pagkain sa loob ng kwarto ko pero lahat iyon ay hindi ko pinapansin.
Pati ang anak ko ay napapabayaan ko na dahil sa pinag-usapan ni tyrone.
Ilang araw na akong ganto. Ni hindi ko nga maramdaman yung gutom ko. Punong-puno ng tanong ang utak ko.
Bakit si tyrone?
Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na siya ang ama ng anak ko. Oo at na-aksidente ako at ilang taon ako comatose sa hospital pero hindi ako tanga para kalimutan ang gabing iyon na kung saan nagbago ang buhay ko.
Kaya pala nung naamoy ko yung pabango niya nung una pa lang, ay pamilyar na sakin dahil ang pabango ng lalaking naka-one night stand ko at si tyrone ay iisa.
Biglang may kumatok sa kwarto na dahilan kung bakit nawala ang pagkatulala ko.
"Kumain ka na." Isang tinig ang nagpalingon sa akin sa pinto.
"Wala akong ganang kumain."Walang emosyon na sabi ko sa kanya.
Inilapag niya ang pagkain sa table sa gilid ng kama ko. Napansin ko na napatingin siya don sa pagkaing hindi ko pa nagagalaw mula kagabi.
"Kumain ka kahit kaunti lang." Sabi niya at umupo sa gilid ng kama.
Na pansin kong nagsalok siya sa kutsara ng kanin at ulam.
"Ohh." Sabi niya at nakahanda na ang kutsara para subuan ako.
Pero bago pa lumapat sa bibig ko ang kutsara ay kinabig ko na ito.
"Ayoko nga sabi e!" Sigaw ko dahilan kung bakit natapon sa sahig ang kanin at ulam kutsara.
Napatingin ako sa kanya, gusto ko siyang saktan pero sa tuwing tumatama sa akin ang berde niyang mga mata ay nahuhupa ito na siyang kinakainis ko sa sarili kung bakit apektado ako sa titig niya.
"One more." Walang kalatuy-latoy na sabi niya at nagsalok ulit siya sa kutsara ng kanin at ulam. Nakita kong may kinuha siya na panibagong kutsara sa gilid ng mangkok.
Parang inaasahan niyang mangyayari ito.
"Bakit mo ito ginagawa ha?!" Hindi ko na napigilan ang magtanong sa kanya. Masyado na akong gulong-gulong sa mga nangyayari at sa mga kinikilos niya.
"Eat." Simpleng salita pero ma-awtoridad na dating. Pero hindi ako nagpa-apekto.
"Sagutin mo ang tanong ko, tyrone." Naiinis na sabi ko.
Tumingin siya sa aking mga mata. Kahit nakaupo ako sa kama ay ramdam kong nanlalambot ang aking mga tuhod sa titig niya.
"You want the answer?" Walang ganang tanong niya sakin.
Lalong uminit ang ulo ko ng tanungin niya rin ako ng isang tanong.
"Eat first, before I answer your questions." Sabi niya at inilapag niya sa ibabaw ng hita ko ang tray.
"AYOKONG SABI E! HINDI MO BA AKO MAINTINDIHAN!" Sigaw ko sa kanya at kinabig ko ng malakas ang tray na ipinatong niya dahilan para matapon ang lahat ng pagkain sa sahig.
Napatingin siya sa akin at ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
Dahan-dahang tumulo ang aking mga luha. Hindi sa inis kundi sa mga katanungan na gusto ko masagot. Pero kahit ilang ulit ko itanong sa kanya ay hindi niya ako sasagutin.
Tumayo siya sa kama at pinulot ang mga nabasag na kagamitan.
Napansin ko ang tila pagtulo ng dugo mula sa kamay niya. Nawala ang pagtulo ng luha ko ng makita ko kung paano niya iyukom ang kamao niya sa pagkakahawak ng bubog.
"T-tyrone" nanginginig na sambit ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin at tumayo siya nilampasan niya ang pagkain natapon pero patuloy pa rin sa pagtulo ng dugo niya mula sa kamao niya na nanginginig.
"Ginagawa ko 'to kasi mahal kita."
Sapat na sagot ang narinig ko mula sa kanya bago siya lumabas ng kwarto.
...........
Thanks for reading.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomantizmHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...