Chapter 33:
"I want this!" sabi ni kian at inabot ang kulay pink na box na ang laman ay malaking barbie.
"No kian! This one!" Tutol naman ni tyrone at kinuha ang kulay black na box na may lamang Remote control na kotse.
"It's a girl uncle. Not boy!" Bulayaw naman ni kian.
"No, it's a boy kian. Don't be stubborn kid." Ganti naman ni tyrone.
Jusme! Ano ba ang gagawin ko sa dalawang 'to?!
Pinagtitinginan na kami ng mga customer dito sa toy store. Pero itong dalawa ay walang pakealam.
"I'm not kid. Tyrone." Napipikong sagot naman ni kian.
"Yes you are. So, shut up and quite KID." pang-aasar naman ni tyrone.
Jusme!
7 years old vs. 25 years old!Lumapit na ako sa dalawa at kinuha ang hawak-hawak nilang laruan.
"Ahm.. Guys. 8 months pa lang ang tyan ko. Hindi pa 'yan kailangan. So, please stop." mahinahong sabi ko sa kanilang dalawa.
Dumiretso kami sa babies Toy.
"Ito ang kailangan ng baby ko." sabi ko sa kanilang dalawa at dinampot yung star na nakita ko malapit sakin.
"You want it?" Napalingon ako sa nagsalita mula sa likod ko.
"Ah. Wag na." sabi ko at naglakad palayo sa kanya.
"Ate kim!" napalingon ako kay kian na may dalang cute na damit. Rainbow ang kulay nito at bistida para sa isang sanggol na babae.
Napangiti ako sa bitbit ni kian.
"Wow! Saan mo 'to nakita?" namamanghang tanong ko sa kanya.
"Follow me." sabi niya at sinundan ko naman.
Nakarating kami sa section na mga damit ng baby girl.
"WHAT THE HELL?!!!" Nagulat ako sa malakas na sigaw ni kian. Maski yung sales lady na nakatayo sa tabi namin ay nagulat din.
"B-bakit?" gulantang tanong ko sa kanya.
"Nandito lang iyon." sabi niya at tinuro yung isang bakanteng lalagyanan ng mga damit. Na Walang laman.
"Baka may bumili na." sabi ko sa kanya.
"No way! Sa dami nun, may bibili?!" nanggagalaiting sabi ni kian.
"Hayaan mo na. Tara pili na lang tayong iba." sabi ko kay kian. Ayaw niya pa umalis pero hinatak ko siya kaya wala na siyang nagawa.
Kasalukuyang magkatabi kami ni kian na namimili ng laruan ng mapansin kong walang tyrone na sumusulpot.
"Nasaan si tyrone?" tanong ko kay kian. Naikot ko na kasi ang buong paningin ko sa babies toy. Pero maski ang anino niya ay hindi ko makita.
"Nandoon siya oh." sabi ni kian at tinuro malapit sa excalator Sa may dulo na may kausap sa phone.
Naglakad ako palapit kay tyrone kasama si kian.
"May dadating na deliver dyan. Ayusin niyo." narinig ko pang sabi ni tyrone sa cellphone.
"Tyrone, saan kaba nanggaling?" tanong ko kay tyrone na kasalukuyang inilagay sa bulsa yung cellphone.
"May kinausap lang. By the way, who's hungry?" tanong niya.
"ME!" sagot agad ni kian na may kasama pang taas kamay matching talon talon pa.
"Let's go. Saan mo gusto andrea?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko kasabay ng pagsipa ng baby ko sa tyan ko.
Agad naman akong napangiwi. Kaya ayokong dumidikit kay tyrone e. Laging lumilikot yung baby ko sa loob.
Napahinto ako sa paglakad at napahawak ako sa tyan ko.
"Hey, are you ok?" tanong ni tyrone. Napahinto naman sa paglalakad si kian.
"S-sumipa lang yung baby." nanghihinang sabi ko sa kanya.
"Really? Pahawak nga po." magalang na sabi ni kian at inilagay yung kamay niya sa ibabaw ng tyan ko. At lumaki ang mata niya ng maramdaman niyang may bukol sa tyan ko.
"Oh boy! I feel it." tuwang-tuwa na sabi ni kian. Napatingin ako kay tyrone. Nakatingin siya sa kamay ni kian at para bang gusto niyang hawakan kung totoo ba ang sinasabi ni kian.
"Gusto mo hawakan?" nakangiting tanong kay tyrone.
Agad ko namang umiwas ng tingin si tyrone.
Ok gets ko na!
Silent means yes!
Kinuha ko ang kamay niya at ipinatong ko sa tyan ko. Nanlalamig naman ang kamay niya ng ilagay ko sa ibabaw ng tyan ko.
"You feel it?" nakangiting tanong ko sa kanya.
Tumango-tango naman siya bilang sagot.
Mga ngiti na ipinapakita ni tyrone ay totoong kasiyahan, punong-puno ng kagalakan!
********
Thank for reading...
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...