Chapter 51

123K 1.6K 10
                                    





Chapter 51:




RAGE P.O.V





BEEEEEEEEEEPPPPPPP!!!!




Lahat ng taong nagpapalakpakan ay nagsitahimik ng marinig namin ang napakalakas na busina ng isang sasakyan. Tinignan ko ang kinagagawian ni andrea, pero hindi ko siya nakita.





"Mom, nakita mo ba si andrea?" Tanong ko kay mommy na nakasimangot ang mukha sa nakikita niya. Alam kong hindi natutuwa si mommy sa nangyayari ngayon.





"Huh? Hindi ko nakita si andrea. Diba katabi mo lang." Takang sabi ni mama.





Kinabahan naman ako, hindi ko namalayan ang pag-alis niya.





Tumingin ako sa entrance, nakasarado naman ang gate kaya imposibleng makalabas siya. Tinignan ko naman ang exit, nakabukas ito at walang nagbabantay.





Naglakad ako patungong exit, hindi ko maintindihan pero may naguudyok sakin na pumunta doon. Pagkalabas ko ay may mga taong nagtatakbuhan papuntang highway. At ang iba naman ay pabalik na.





"Grabe! Kawawa naman yung babae. Bakit kasi doon pa siya tumawid? Di niya ba alam na highway iyon."





"Oo nga e. Ang dami ng dugo na nasasayang sa kanya. Dapat madala siya agad sa hospital."





Nang marinig ko ang dalawang naguusap ay hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo sa kinaroroonan ng aksidente. Kaba at takot ang nararamdaman ko. Ayoko mag-isip ng kung ano-ano pero pakiramdam ko tama ang naiisip ko. Jusko! Sana hindi totoo.





Maraming tao na ang naguumpokan. Hindi ko makita kung sino ang na-aksidente. Basta ang nasisilayan ko lang ay ang isang babae na nakatalikod at umiiyak sa na-aksidente.






"Excuse me!" Sabi ko sa mga nakaharang.







MITZY P.O.V





Nakita ko si Andrea na tumakbo palabas ng event na naging proposal event. Hindi ako nagdalawang isip na sundan siya. Nakita ko rin ang pag-iyak niya. Kahit madilim ay nakikita kong nasasaktan siya sa nasisilayan niya ngayon.





Kahit naka high heels ako ay tumakbo ako para sundan siya kaso huli na ang lahat para pigilan siya sa pagtawid sa highway. Napapikit ako sa malakas na busina ng sasakyan. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko.





"Andrea!" Nasabi ko na lang at nanginginig na lumapit sa katawan niyang punong-puno ng dugo galing sa ulo niya. Lumuhod ako at napa-iyak.





"Andrea? Andrea! Gising. Andrea!! Parang awa na. Nandito ako oh! Yung bestfriend mo. Yung sister mo! Please! Wake up!" Umiiyak na sigaw ko. Wala na akong pakelam kung may mga taong nakapaligid samin. Wala na rin akong pakelam kung nahahawakan ko na ang mainit na dugo ni andrea. Wala na akong pakelam! Basta magising lang ang bestfriend ko.






"Excuse me!" Narinig ko ang boses ng isang lalaki. Hindi na ako lumingon pa.






"SHIT! ANDREA!!!" lumapit samin ang isang lalaki. Tinignan ko ang mukha niya. Siya yung lalaking kasama ni andrea sa hospital.






"Fvck! Wake up andrea! I'm here. Please goddamn wake up!" Umiiyak na sabi niya at kung ano-anong mura na ang nasasabi niya para magising si andrea.








Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial para sa ambulansya.






Tinignan ko ang mukha ni andrea.





Please andrea. Gumising ka kailangan mo pa malaman ang totoo.




--------





Thanks for reading!



DEINLICIOUS

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon