Chapter 21

136K 2.1K 465
                                    

CHAPTER 21




TYRONE: P.O.V



Five in the morning. Nasa loob na ako ng private airplane ko. Tumingin ako sa may bintana, nasa himpapawid na ako. Puro ulap ang nakikita ko pero may sunset na ang unti-unting sumisibol.



"Sir, coffee." sabi sa akin ng isang sterwardess at inilapag niya ang kape na itinimpla niya sakin.



"Thanks." sabi ko at saka umalis ang sterwardess.




Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa labas.



Bago ako umalis sa bahay kanina, hindi na ako sumilip sa kwarto kanina sa kwarto ni andrea. Dahil baka hindi matuloy ang pag-alis ko. Hindi na rin ako nagpaalam pa kahit kanino. Kahit sa pamilya ko ay hindi na ako nagpaalam, dahil alam naman nila kung saan ako matatagpuan.




Pinutol ko na rin ang kontrata. Pero mananatili siya sa bahay ko hangga't hindi pa siya o sila sinusundo ni rexie.



Napabuntong hininga na lang ako.



'Ang swerte mo rexie, pagmamay-ari mo si andrea. Nanalo ka na!" na sabi ko na lang sa isip ko.



-------



ANDREA P.O.V



Nakailang dial na ako sa phone ko para tawagan si tyrone pero hindi ko talaga ma-kontak.




"Nasaan na ba ang dragon na 'yon?" tanong ko habang dina-dial na naman yung number ni tyrone. Pero hindi ko talaga ma-kontak.




Pumasok na rin ako sa kwarto niya pero wala siya doon sa loob. Kahit sa gym, library, court, pool at kung saan-saan pa'ng sulok ng bahay na 'to na pwede niyang puntahan ay ginawa ko na, pero wala talaga siya.



"Naman! Kailangan ko pa magpaliwanag." kausap ko sa kawalan.




"Mam andrea!" napalingon naman ako sa tumawag na kasamabahay. Si jenny pala.



"Yes?" sabi ko sa kanya. Tumakbo naman palapit sakin si jenny.



"Sa inyo po ata 'to." sabi niya at may inabot sakin na kulay pulang sobre.



"Ano 'to?" tanong ko sa kanya.



"Letter po ata 'yan." sabi niya.



"Ah sige salamat." sabi ko at pumunta sa kwarto ko para doon basahin yung letter.



DEAR: ANDREA

Hindi ko alam kung paano 'to sisimulan. Pero, kailangan ko ng putulin ang kontrata. Hindi kana pwedeng mag-trabaho sakin dahil may asawa ka at iyon ay si Rexie Villamor. Pero, maaari ka'ng manatili sa bahay hangga't gusto mo at hindi ka pa sinusundo ng asawa mo. Hindi mo na rin kailangan magpaliwanag, dahil tanggap ko na hindi ka pwedeng maging akin. Dahil pagmamay-ari ka ng iba. Mahal na mahal kita andrea. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sakin pero hindi ko pinagsisihan na minahal ko ang katulad mo. Kaso, magkakapamilya kana at ayoko naman na masira ang relasyon niyo ni rexie. Kung gusto mo ng dryfish, meron doon sa kusina. Pinabili ko sa mga kasambahay 'yon dahil iyon ang pinaglilihian mo. Wag mo na ako hanapin at wag mo na rin ako alalahanin. Alagaan mo 'yang anak mo. At sana maging masaya ka sa piling ng iba. Sa piling ni rexie.

Signature by: Tyrone Ian Sy




Napaiyak ako sa nabasa ko.



"Mali ka tyrone. Hindi si rexie ang ama ng anak ko." sabi ko sa harap ng papel.



Ang sakit sakit, bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit mo ako iniwan tyrone? Hindi mo man lang ako pinagbigyang magpaliwanag sa'yo.



Ang daya mo! Ang daya daya mo! Umalis ka ng hindi nagpapaalam sakin.



Paano pa?




Paano ko pa sasabihin sa'yo kung sino ang ama ng anak ko?




**********



Thanks for reading!



A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon