Sorry kung natagalan ako mag-update. Phone lang kasi ang gamit ko para makapag-update and kailangan ko pa mag pa load para mai-publish every chapter. Sorry, sa mga nagaantay ng matagal and thank you kasi, may nagaambang pa rin pala ng story na ito. Maraming salamat.
Enjoy...
***
ANDREA P.O.V
"I have something to tell you." sabi niya at umupo sa harap dala ang dalawang brown envelope.
Ito na ba?
Papalayasin na niya ba kami dahil sa nangyari sa fast food?
"A-a-ano yon?" nauutal na sabi ko dala ng kaba.
Huminga muna siya ng malamin bago niya inabot sakin ang hawak niya isang envelope.
Ano naman ito?
Contract na naman ba?
Ito ba ang punishment sa pangengelam ko sa kanila ni allison?
Binuksan ko ang envelope at lumitaw sa harap ko ang isang result sa DNA.
****
(3rd person P.O.V)
Gulat na gulat si andrea ng mabasa niya ang nilalaman ng emvelope na hawak. Habang si tyrone ay kinakabahan sa maaaring maging reaksyon ni andrea.
"I-ikaw ang ama ni tyler?" di mapakaniwala ni andrea. Nanginginig ang kamay ni andrea sa pagkakahawak sa kamay habang nakatitig kay tyrone.
Yumuko lang si tyrone. Hindk niya kayang makipagsabayan sa titig ni andrea. Hindi niya mabasa ang titig at isip ng babae. Basta ang alam niya ay namumuo ang luha nito.
"Sagutin mo ang tanong ko tyrone, i-ikaw ba t-talaga?" nanginginig na sabi nito.
Umangat ang ulo niya at dahan-dahang tumango...
"Ako nga."
Simpleng salita pero isang malutong na sampal ang bumakat sa kanang pisngi niya.
"PAANO? BAKITT?!!" sigaw nito na kinadahilan kung bakkt nahulog ang hawak nitong envelope.
"ANG TAGAL KONG HINANAP ANG NAKADISGRASYA SAKIN!! ALAM MO YAN TYRONE! PERO, PERO NANDITO LANG PALA SA HARAP KO NASA PALIGID KO LANG PALA!!!" umiiyak na sigaw nito sa kanya. Nananatiling nakatikom ang kanyang bibig hinayaan niya ang babaeng ilabas ang lahat nitong hinanakit sa kanya.
"NAALALA MO BA KUNG PAANO MO AKO PINANDIRIHAN? HA?!!! KULANG NA LANG ILAGAY MO SA PANGALAN KO NA ISA AKONG DISGRASYADA!!!! PERO IKAW PALA ANG NAKADISGRASYA SAKIN!"
"....HINDI MO ALAM TYRONE, HINDI MO ALAM KUNG GAANO AKO NAGHIRAP NG PINALAYAS AKO SA PODER NG PAMILYA KO! TINAKWIL NILA AKO DAHIL NABUNTIS AKO NG ISANG LALAKING NASA PALIGID KO LANG PALA!!.."
"Ilang beses akong tinatanong ni tyler kung nasaan ang daddy niya. Ikaw lang pala."
Narinig niya huminahon na boses nito. Napatingin siya sa babae na nakatakip ang mukha dulot ng pagiyak.
Tumayo siya at niyakap ito ngunit nagpumiglas ito pero hindi siya nagpatalo. Niyakap niya pa rin ito kahit hindi niya ramdam ang pagyakap nito pabalik.
"Magpapaliwanag ako." nakikiusap na sabi niya. Hindi ito nagsalita kaya sinamantala niya ang pagkakataon para magpaliwanag.
"Noong una, nasabihan kita ng masasakit na salita. Pinagsisihan ko iyon nadadala lang ako sa mga pinagsasabi ni allison na dapat na kitang palayasin dahil ang sabi niya baka daw makasira ka sa imahe naming mga SY. Pero hindi ko ginawa, dahil alam ko sa sarili ko na kawawa kayong mag-ina sa oras na gawin ko yon..." huminga muna ako ng malalim bago itinuloy ang si asabi ko. "...nung mga panahon na comatose ka, nung mga panahon na nasa ibang bansa si rage ng tatlong taon ako ang nagalaga kay tyler. Sa tuwing nakikita ko ang bata, napapawi na ang pagod ko galing opisina, maaga rin ako umuuwi para mabilhan ng regalo at makapaglaro kami ni tyler. Nang mga panahon na yon, iyon na pala amg tinatawag na 'lukso ng dugo"
Kaya napagdesisyunan ko na mag-DNA test kami ni tyler kahit noong una, alam ko na magiging resulta na hindi ako ang ama sinubukan ko pa rin at sa hindi inaasahan naging kabaliktaran ang lahat ng nasa isip ko. Hindi din ako makapaniwala na ako ang daddy ni tyler. Gusto ko bugbugin ang sarili ko ng mga panahon na yon..." tumutulo na ang luha ni tyrone ng maalala niya ang panahon na yon.
"...hanggang sa nalaman ni rage. Nagalit din siya sakin katulad mo. Sorry andrea kung hindi ko sinabi sayo agad. Naghahanap lang ako ng tamang tiyempo at ito na sa tingin ko ang tamang panahon." sabi nito habang tumutulo ang luha.
"Patawarin mo ako." dagdag pa nito habang nakayap pa rin kay andrea na walang imik sa gitna ng bisig niya.
****
Thanks for reading..
I hope you like it.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...