Chapter 55

122K 1.6K 14
                                    




Chapter 55:






Third Person P.O.V





Kasalukuyang si Mitzy ang nagbabantay kay Andrea. Inilagay na si Andrea sa isang private room pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si andrea. Ilang linggo na rin nasa hospital si andrea. Si rage naman ay nag-aalaga sa anak ni andrea. Sa tuwing nilalaro nito ang bata ay kahit papaano nakakalimutan niya ang pagiging malungkot dahil sa nangyari sa taong mahal niya. Nag-leave ng ilang buwan si rage sa opisina niya. Maayos naman ang negosyo niya kaya wala siyang problema.







TYRONE P.O.V





Nandito ako sa opisina. MAG-ISA lang. Dahil pinaalis ko muna si allison pinapunta ko muna sa new york kasama ang mga sosyalista niyang kaibigan. Pinagamit ko sa kanila ang private airplane ko.





Nakaupo lang ako sa swivel chair ko habang nilalaro ang signpen.





*Ring*





"Yes."






["Mr.Sy may naghahanap po sa inyo. Ang sabi nila sila daw po ang private investigator na inutusan niyo."] -secretary




"Papasukin mo sila." Sabi ko at binaba na ang telepono.





"Good morning. Mr. Sy." Napatingin ako sa dalawang pumasok. Tumayo naman ako para makipagshake hands sa kanila.




"Have a sit." Sabi ko sa kanila at tinuro yung sofa kaharap ng coffee table. Umupo naman ako kaharap nila.




"Thank you." Nakangiting sabi nila.





"So. Ano na ang resulta sa pinapahanap ko sa inyo. Tungkol sa nakadisgrasya kay Ms. Andrea Sanchez ? Nahanap niyo na ba?" Sunod-sunod pero pormal na tanong ko sa kanila.




Kinuha nila ang long brown envelope at nilabas ang makapal na papel.




"Based sa mga bar na napuntahan namin at pag Test sa mga taong pumupunta doon ay wala pa pong nag-match. Pero..." napahinto sa pagsasalita ang isa at tumingin sa kasama niya.




"But what?" Inip na tanong ko.





"Pero nakita po namin yung pangalan niyo na isa rin pala kayong pumupunta sa Expensive bar. At pareho po yung date at araw na nakalagay doon nung pumunta doon si Ms. Sanchez at kayo rin po. At kung hindi niyo mamasamain ay kailangan din po namin Mr. Sy na i-test ka. Kasi po ikaw na lang ang hindi nate-test, dahil lahat po ng pumupunta sa Expensive Bar ay na test na namin. At lahat po iyon ay puro negative ang resulta. Pero ayos lang naman din po kung hindi kayo papayag." Mahabang salaysay ng P.I





"No. Papayag ako. Unfair naman ata kung hindi ako magpapa-test. Ayos lang sa akin iyon." Nakangiting sabi ko sa isang P.I





"Bukas na bukas po ay babalik kami dito para i-test kayo. Iyon lang maraming salamat." Magalang na saad ng P.I





Tumayo ako at ngumiti.





Pagkaalis ng P.I ay bumalik ako sa swivel chair. Hindi ko maintindihan pero may parte sa akin na 'sana maging positive' ang resulta.





Napangiti ako sa imahinasyon ko.





-----




Thanks for reading!


DEINLICIOUS

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon