Chapter 22:
Ilang linggo mula nang umalis si tyrone. At ilang linggo na rin akong tulala sa kwarto ko.
Laging si Rage ang nasa tabi ko at sa tuwing nagpapa-check up ako siya ang kasama ko. Alam na niyang buntis ako, at alam na niya na, na isang disgrasyada ako. Nung una, ayaw niya maniwala pero ng ipakita ko sa kanya ang ultrasound ko ay naniwala na siya. Pero hindi daw siya naniniwala na disgrasyada ako.
Ewan ko kung ano ang pinagsasabi ni rage ng mga oras na 'yon.'
At ang mga magulang na lang niya ang hindi nakakaalam sa kalagayan ko at isa iyon sa mga problema ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila ang totoo.
Si Rexie naman, pumupunta sa bahay para dalhan ako ng kung ano-anong prutas o matatamis na pagkain. Nahihiya ako sa kanya sa tuwing nagkikita kami dahil siya ang napapagkamalan na ama ng anak ko. Kahit hindi naman. Kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari mula ng nalaman ni tyrone ang lahat. Tumawa lang ang gago at sinabi niya na sana daw siya na lang ang tatay.
"Andrea, tara na!" sigaw ni rage sakin. Nasa kwarto kasi ako ni tyrone, inaamoy yung pabango niya at kung minsan naman ay sinusuot ko yung puting pulo niya. Ewan ko ba, gustong-gusto ko yung mga gamit ni tyrone. Ang sabi nga ni rage ay pinaglilihian ko daw si tyrone.
Miss na miss ko na ang dragon na 'yon. Wala ng naninigaw at nagsusungit sakin. Gustong-gusto ko na siyang makita pero hindi ko naman alam kung saan ko siya matatagpuan. Ilang beses ko na rin tinanong kay rage kung saan matatagpuan si tyrone pero iba laging ang sinasabi niya.
"Teka lang!" sigaw ko sa kanya at nag-spray ng pabango ni tyrone sa panyo ko at sinuot yung pulong puti ni tyrone.
Pupunta kami ngayon sa mall, para bumili ng mga gamit daw ng baby ko. Ang sabi ko nga sa kanya meron na ako nabili pero ang sabi niya kulang daw ang mga 'yon.
Nakasuot ako ngayon ng maikling short yung hanggang balakang lang para hindi maipit ang magpa-five months kong tyan.
"Oh men! Bakit ka nag-suot ng ganyan?!!!" hiyaw ni rage ng makita akong pababa na ng hagdan.
"Bakit? Anong masama sa suot ko?" tanong ko sa kanya.
"Anong masama? Naku tukso! Lumayo ka sakin!" sabi niya at kumausap sa kawalan.
Sumimangot naman ako, baliw ata 'tong isang 'to e.
"Tara na nga!" sabi ko sa kanya at hinawakan yung tyan ko para himashimasin.
"Ayy! Bahala na si batman." sabi ni rage at sumakay na kami sa mamahalin niyang kotse. Inalalayan naman ako pumasok ni rage sa loob. Nang makaupo na ako sa loob ay agad siyang umikot sa kabila at saka kami umalis papuntang mall.
Nang makarating kami sa parking lot ng mall ay inalalayan ulit ako makababa ni rage. Ingat na ingat siya sakin at parang kulang na lang na buhatin niya na ako para lang hindi na ako maglakad.
Pumasok na kami sa loob ng mall, kaso imbis na dumiretso kami sa baby's department. Dumiretso ako sa blue magic.
Isang higanteng teady bear ang nakita ko, kamukha siya ni tyrone dahil nakasimangot yung teady bear. Bigla naman akong nalungkot ng maalala ko na naman yung dragon na 'yon.
"Gusto mo 'yan?" tanong sakin ni rage. Tumingin ako sa kanya, at saka ngumiti.
"Wag na lang." sabi ko sa kanya at palabas na sana ng hinawakan niya yung bewang ko.
"Pabalot nitong teady bear." sabi ni rage sa isang lalaking nakatayo sa tabi.
"Yes, sir." sabi niya. Nagtataka naman akong tumingin kay rage.
"Bakit mo bibilhin?" takang tanong ko sa kanya. Subalit ngumiti lang siya sakin... At iba naman ang sinagot niya sa tanong ko.
"Mabibili mo rin 'yang daddy and baby bear na 'yan. Kapag kasama mo na yung tatay ng baby mo at kapag na isilang mo na 'yang baby mo." saad niya at saka ngumiti sakin.
Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
'Anong pinagsasabi niya?'
******
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...