Chapter 30:
Flashback:
Naamoy ko ang pamilya na pabango, pamilyar na pamilyar na sakin ang pabango ng isang lalaki.
Lasing na lasing ako galing sa bar, pero naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa kama at nakikipagtalik sa isang lalaki. Iminulat ko ang aking mga mata. Pero sa sobrang kalasingan ko ay hindi ko maidilat ang aking mata. Pero pinilit ko pa rin kung sino ang lalaking nagpapakasawa sa katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si tyrone.
Teka! Bakit si tyrone ang nakikita ko?!
Anong ginagawa niya sa panaginip ko?!
End of flashback.
"AHHHHHHHHHHHHH" napatili ako sa na paniginipan ko.
"ANDREA?!!! ANDREA?!!! WAKE UP!!!!" Narinig ko ang sigaw ni tyrone habang niyuyugyog yung dalawang braso ko. Naamoy ko naman ang pabango niya, teka. Ito ang pabango sa panaginip ko.
"Ok ka lang?" narinig kong tanong niya. Pero hindi ko siya sinagot bagkus ay nakatingin lang ako sa mga mata niya.
Bigla naman akong binuhat ni tyrone na parang bagong kasal. At doon na ako nabalik sa ulirat.
"Uyy! Ibaba mo ako!!" sabi ko sa kanya.
Lumabas kami galing sa library. Nakatulog pala ako sa library. At inilapag naman niya ako sa sofa sa may sala.
Naka-attire pa rin si tyrone. Napatingin ako sa wall clock. 1:39 am na pala.
Sumandal naman si tyrone at tinakpan niya ang mukha niya ng braso niya.
Halata sa mukha niya na pagod na pagod siya.
Pero ang pinagtataka ko lang ay, anong ginagawa ni tyrone sa panaginip ko?
"Stop staring at me." narinig kong sabi niya at umayos siya ng upo. Tinanggal niya ang necktie niya at inilagay sa glass table na nasa harap namin.
Mula sa pagkakatabi ko sa kanya ay tumayo ako at umupo pa sa kabilang single na sofa. Kahit gustong-gusto ko siya amoyin ay tiniis kong lumayo sa kanya.
"Bakit ka sumigaw kanina?" tanong niya. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa mga paa ko.
"W-wala." sabi ko sa kanya pero nanatiling nakayuko pa rin ako.
"OK." sabi niya at tumayo na siya kasama yung necktie na inilapag niya sa glass table at umakyat na sa kwarto niya. Pero nasa kalagitnaan na siya ng hagdan ng magsalita ako.
"Hindi si rexie ang ama ng anak ko." parinig ko sa kanya. Huminto naman siya sa pag-akyat at lumingon siya sakin.
"What do you mean?" nagtatakang tanong niya.
"Mali yung nasa isip mo. Hindi si rexie ang ama ng anak ko. Disgrasyada ako tyrone, at hindi ko alam kung sino ang ama ng baby ko." diretsahang sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa kinaroroonan niya. Nakatingin lang siya ng diretso.
"OK. Let's find him." sabi niya at dumiretso na siyang umakyat.
Narinig ko ang pagsara ng pinto niya. Nanlumo naman ako sa pag-uusap naming dalawa. So, iyon lang. Iyon lang napag-usapan naming dalawa?!
Dumiretso ako sa kusina, kumakalam na naman yung sikmura ko. Nabitin kasi ako sa pag-amoy ng pabango ni tyrone.
Kumuha ako ng gatas at dryfish.
********
Thanks for reading.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...