Chapter 14

138K 2.2K 53
                                    


Chapter 14


Matapos ang handaan sa bahay nila tyrone ay kanya-kanyang nagsi-akyatan ang mga bisita sa guest room.


Yung batang kasama ko ay ayaw talaga bumitaw sakin. Ilang beses na siya tangkain kunin ni rage ay hindi talaga bumibitaw sakin.


Nakaupo kami ngayon sa sala kasama ang batang lalaki. Nakaupo siya sa lap ko ay hawak hawak yung braso ko. Na-para ba'ng ayaw niyang mawala ako sa tabi niya.


Nakita ko si tyrone na kausap si rage, panay ang tingin sakin ni rage na pakiramdam ko kami ang pinaguusapan.


"Ate kim." narinig ko tawag sakin ng bata.


Tumingin ako sa bata at ngumiti sa kanya.


"Hmm." sabi ko.


"Miss you." sabi niya at niyakap ako. Natutuwa ako sa batang 'to. Masyadong malambing.


Niyakap ko na lang din yung bata.


"What is your name?" tanong ko sa bata pagkakalas sakin.


"Kian." sabi niya.


"Ah. So, sino yung kim?" tanong ko sa bata.


"She's my----"


"Kian, come to tito." sabi ni rage at kinuha sakin yung bata. Umiyak naman si kian ng mahiwalay ako sa kanya.


"Andrea, let's go." sabi sakin ni tyrone at hinatak na ako palabas at agad kaming sumakay sa sasakyan.


"Aray ko tyrone!" reklamo ko sa kanya. Grabe kasi ang pagkakahawak niya sakin.


Nang makasakay na kami sa loob ay agad-agad niya pinaandar yung kotse.


"Ano ba'ng problema mo?" inis na sabi ko sa kanya.


"Shut up!" sabi niya at pinaharurot yung sasakyan.


Napahawak naman ako sa upuan.


"Ano ba tyrone?! Kung balak mo magpakamatay wag mo ako idamay!" sigaw ko sa kanya.


"I SAID SHUT UP!" Sigaw niya rin sakin.


Bigla akong natahimik sa pagsigaw niya. Hindi ko alam kung ako ang ginawa ko at nagagalit siya ng ganito sakin.


Dahil ba sa pagtawag sakin ni kian ng kim?


E, hindi ko nga kilala yung kim na sinasabi ng bata e.


Nang makarating kami sa bahay ay hindi ko na inantay na pagbuksan niya ako ng pinto. Kusa na akong bumaba at binalibag yung pinto.


Masakit ang pulsuhan ko.


Dumiretso akong umakyat papunta sa kwarto ko, narinig ko pa ang pagtawag sakin tyrone pero hindi ko na pinansin at binalibag yung pinto pasara. Ni-lock ko ito at kinuha ko yung study table at hinarang sa pinto.


"Andrea! Open the door!" rinig ko pa'ng sigaw ni tyrone sa labas pero dinedma ko lang ito. Hinaltak ko yung necklace na inilagay niya at nilapag sa kama at pinaghuhubad yung suot ko at saka dumiretso sa banyo para maghilamos.


"ANDREA!! ONE LAST TIME TO TELL YOU!!! OPEN THE DOOR!!" rinig ko pa'ng sigaw ni tyrone.


Pero sinara ko na lang yung pinto ng banyo at binuksan yung shower.


Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko kanina at bigla na lang niya ako hinatak st sinigawan kanina.


Hindi tuloy ako nakapagpaalam kay tito at tita. Ano na lang ang sasabihin ng mga 'yon?!


Napatingin ako sa salamin.


Masyado na akong blooming kahit basa ang buhok ko. Ganto ba pagbuntis?


Isa pa itong pagbubuntis ko. Hindi ko alam kung paano ito itatago once na lumaki ito? Hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa kanila na nagdadalang tao ako. Hindi rin ako nakakapagpa-check up.


Lumabas na ako ng banyo kumuha ako ng towel at tinapal sa katawan ko. Hindi pa ako nakakakuha ng damit.


Wala na akong naririnig na ingay mula kay tyrone. Siguro napagod na siya kakasigaw kanina.


Ang ugali ni tyrone ay parang ugali ng babae, magagalit, magsusungit, topakin, sweet, gentleman, mabait, wala sa mood o kaya biglang ngingiti o tatawa.


Haist! Masyado siyang bipolar.


Nagbihis na ako.


At may nakalimutan ako.


Kailangan ko pa palang uminom ng gatas para kay baby.


********

Thanks for reading!

A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon