Chapter 25:
Unti-unti kong iminulat ang mata ko, tanging puting lang nakikita ko. Teka, nasa langit na ba ako?
Kinapa ko yung gilid ko, malambot, malamig.
"Andrea?" narinig kong tawag sakin ng isang tao. Hindi ko gaano mamukhaan ang boses dahil para'ng nage-echo ito.
"Andrea." narinig ko na namang tawag sakin. Lumingo ako sa pinangagalingan ng boses. Kay rage pala.
Akala ko kay tyrone.
"Rage. N-nasaan a-ako?" nauutal na tanong ko sa kanya.
"Nasa hospital ka. Hinimatay ka kasi sabi ni doc dahil sa pagsipa ng baby mo." paliwanag niya.
"Kamusta yung baby ko?" tanong ko sa kanya.
"Ok naman si baby, healthy siya." sagot ni rage. Nakatingin siya sakin ngayon, nakaupo siya sa tabi ng kama ko.
"S-si t-tyrone?" nauutal na tanong ko sa kanya.
"Nagbalik na siya. Sa tingin ko sa condo siya manunuluyan." sabi ni rage.
Nagbalik na si tyrone, ito na ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang totoo.
TOK! TOK!!!!
Dalawang malakas na katok ang kumatok sa pinto at saka pumasok si rexie na balisang-balisa.
"OH BOY! Ano nangyari sayo? Ha? What happen?" tanong niya sakin at hinawak hawakan pa ying pisngi ko na ikinairita ko.
"Ano ba?!" inis na sabi ko sa kanya. Ang O.A niya kasi.
TYRONE P.O.V
Pagkalapag pa lang ng eroplano ay puro media ang sumalubong sakin, pero hindi ako nagpa-interview kaya nakapalibot sakin ang mga P.B ko.
Papunta ako ngayon sa condo ko pero naalala ko na wala pala akong damit sa condo ko dahil iniligay ko lahat sa bahay.
"Manong, sa private house nga tayo." sabi ko sa driver namin.
Nag-U turn kami. Kinakabahan ako habang papunta kami sa bahay, hindi ko alam pero pakiramdam ko may kakaiba sa bahay.
Nang malapit na kami sa bahay ay nakita ko si rage na lumabas at buhat buhat si andrea papasok sa kotse. Nakalawlaw ang kamay ni andrea. Nagulat ako sa nasilayan ko, anong nangyari? Napatingin ako sa suot ni andrea, pulo ko iyon ah!
Pero hindi ko iyon pinansin dahil nag-aalala ako sa sitwasyon na nangyayari sa bahay. Hindi muna ako bumaba para hindi nila ako makita. Nasa labas pa rin ang halos lahat na kasambahay. Umalis na ang kotse ni rage at pinasunod ko naman iyon kay manong.
Nang makarating kami sa parking lot ng hospital ay nakita kong dumiretso sa emergency room si rage buhat buhat pa rin niya si andrea na walang malay.
Ano ba talaga nangyari?
Naka-upo si rage sa waiting area, nagtago ako sa gilid ng elevator para hindi niya ako makita. Maya maya lumabas na yung doctor at sinabi ang kondisyon ni andrea. Hindi ko marinig ang sinabi ng doctor dahil malayo ako sa kanila. Pagkatapos makausap ni rage ang doctor ay mukhang nakahinga siya ng maluwag. Ipinasok sa loob ng kwarto si andrea.
Umupo muna ako sandali sa waiting area. Hindi ko alam kung kakatok ba ako o hindi. Nag-aalala ako sa kondisyon ni andrea.
Tumayo na ako at naglakad papuntang tao kaso may biglang kumatok na malakas sa pintuan.
Napatingin naman ako kung sino, si Rexie Villamor. Ang ama ng baby niya.
Kusang pumasok si rexie sa loob. Napayuko ako, ano ba'ng karapatan ko kay andrea? E, hindi naman ako tatay ng baby niya kaya bakit ba ako nag-aalala?
Tumalikod na lang ako pabalik sa parking lot.
******
Thanks for reading
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...