Enjoy..........
"Mommy, where are we?"
Napatingin ako sa anak ko nang magtanong ito sa akin.
Nasa kwarto kami ngayon, na kung saan ang kwartong ito ang naging saksi noong dalaga pa ako at nong nahuli ako ni mommy na nagsusuka noong mabuntis ako.
"Nasa bahay tayo anak." Nakangiting sagot ko sa anak ko at hinaplos ang noo nito.
Naguguluhan itong tumingin sa akin at bumangon mula sa pagkahiga.
"Huh? But mommy, this is not my room." Nakakunot noong sabi nito sa akin.
"Mahabang kwento anak." Sabi ko na lang dito.
Bata pa ito para malaman ang nangyayari sa paligid niya.
"No! Mommy! We need to go home. Our real house. Daddy's house."
Akmang tatayo ito nang pigilan ko siya at yakapin siya patagilid.
"I'm sorry anak." Yinakap ko ito nang mahigpit kasabay ng pagtulo nang mga luha ko.
"No!" Sigaw nito. At pinilit inaalisin ang mga braso ko sa bewang niya.
"Please anak please."
Narinig ko ang pagiyak nito. Tumingin ako dito at pumapalahaw na ito nang iyak.
Bilang isang ina, masakit makita sa akin na nakikita ang anak ko na naiipit sa sitwasyon ngayon. Na kung saan gusto niya sa bahay ng daddy niya kami tumira habang ako naman ay gustong lumayo sa daddy niya.
"I want my daddy! Please mommy. I want my daddy." Umiiyak na pakiusap nito.
Pinunasan ko ang luha nito.
"Makikita mo pa naman si daddy e. Pero hindi na tayo titira doon." Pilit kong pinapaunawa sa kanya na hindi na pwedeng mabuo ang pamilya niya.
Tatlong taon pa lang ito. At kahit gusto kong hindi sabihin sa kanya ang nangyayari sa pamilya niya ay kailangan ko sa sabihin para maunawaan niya kahit musmos pa lang ito.
"Me and your daddy need a space."
Napatingin ito sa akin. Lumuluha na parang isang kagubatan ang mga magagandang berdeng mga mata nito.
Nakikita ko sa kanya si tyrone. Kahit gusto ko kalimutan si tyrone ay mukhang hindi ito mangyayari dahil sa mga mata pa lang ng anak ko ay maalaala na maalala ko talaga si tyrone.
"Baby, please don't cry."
Maamong pakiusap ko sa anak ko na tumigil na sa pag-iyak.Yinakap ako nang maliliit nitong braso.
"I hate seeing myself your tears, mom. I'm sorry."
Napangiti ako nang bahagya dahil sa sinabi nang anak ko. Hinaplos ko ang maliit nitong likod.
Maswerte ako dahil kahit tatlong taon pa lang ito ay marunong na itong umintindi.
"I hope you understand, anak." Sabi ko dito.
NAGISING ako nang makarinig ako nang katok sa labas ng kwarto. Tinignan ko si tyler na nakatulog na pala sa tabi ko. Kinumutan ko ito at saka tinungo ang pinto.
Bumungad sa akin si ginang---este si mommy. Naiilang na tawaging mommy ang ginang. Ewan ko ba, para kasing. Hay! Ewan.
"Anak, kain na. Sabay-sabay na tayo magsikain. Nandoon na si daddy mo." Nakangiting aya nito.
"A-ah sige po. Gigisingin ko lang po si tyler." Nakangiting sabi ko dito.
"Oh sige, baba na lang kayo ah."
"Sige po."
Sinara ko na ang pinto at ginising ang anak ko.
"Tyler."
Pero hindi ito gumalaw.
Heto na naman kami sa pagiging tulog mantika nang anak ko.
"Tyler."
"Daddy." Napatigil ako sa paggising nang marinig kong tinatawag niya ang daddy niya.
"Anak, wake up."
"D-daddy. No! Daddy!"
Sumampa ako sa kama at inalog-alog ang anak ko.
"TYLER!"
"DADDY!"
Nanlalaki ang mata nito nang dumilat at pinagpapawisan ng malalaking butil.
"Anak, jusko!" Napaiyak ako nang makita namumutla ang anak ko.
Narinig kong humikbi ito at yumakap sa akin ng mahigpit.
"Shh, nandito lang si mommy." Pagpapatahan ko dito.
"M-mommy, i saw daddy in my dreams. He's crying and begging on me to come back to his house."
Napatulala ako sa sinabi nang anak ko. Gusto ko maniwala pero may parte sa akin na ayoko maniwala dahil panaginip lang iyon.
"Panaginip lang iyon anak. Forget it."
"N-no mommy. Sabi ni daddy, pag hindi daw tayo bumalik. Magpapakamatay daw siya."
Tumulo ang mga luha ko.
......
Thanks for reading....
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...