Chapter 34

127K 1.8K 8
                                    






Chapter 34:







Nandito kami napadpad sa isang karinderya sa labas lang ng mall. Gusto ko kasi kumain ng adobo at ito namang dalawang kasama ko, hindi alam kung paano ang gagawin sa pag-upo sa kahoy na mahaba katapat ng tindera.







Kanina gulat na gulat ang dalawa ng mapagtanto nila na gusto ko dito kumain. Gusto nilang umangal pero sabi ko ay dito ako kakain at wala na silang nagawa pa at sumunod na lang sila sakin.




.
"Tyrone, umurong ka dito. May uupo." sabi ko kay tyrone.





Agad namang tumayo si tyrone at umupo sa kaliwa ko. Napagigitnaan nila akong dalawa ni kian.






Nag-order na ako ng adobo, sinigang, afritada at syempre TUYO!





"Kain na." sabi ko sa kanilang dalawa at nilantakan na ang adobong baboy at manok.





Pero itong dalawa ay hindi man lang ginagalaw ang pagkain na nasa tapat nila, bagkus ay nakatingin lang sakin. Huminto ako sa pagnguya.






"Ano pa ang tinitingin-tingin niyong dalawa? Kain na. Masarap yan promise." sabi ko sa kanila. Kinuha naman ni tyrone yung tinidor at tumusok sa afritada ng baboy. Si kian naman ay sinabawan yung kanin niya ng  sinigang. Nakita niya kasi doon sa isang costumer na katabi niya lang. Kumagat muna ng maliit si tyrone at nilasahan yung karne.






"Masarap diba?" nakangiting tanong ko kay tyrone. Tumango naman siya at inisang subo niya yung karne niya at saka tumuhog na naman ng karne sa afritada at sumubo ng kanin. Tumingin naman ako kay kian na hindi na mapinta ang mukha sa sobrang asim ng sabaw.






"Hindi kasi ganyan. Binuhos mo kasi lahat yung sabaw sa kanin mo e. Yan tuloy." sabi ko sa kanya.






Tinuruan ko naman kung paano kumain ng may sabaw si kian. Nang matuto na siya ay hinayaan ko na lang. Si tyrone naman ay mauubos na ang kanin at yung afritada. Nawala tuloy yung gutom ko sa dalawang 'to!






Napailing na lang ako sa dalawang 'to. Sa sobrang yaman ng angkan nila tyrone. Hindi na nila alam ang pagkain ng simpleng tao .







Itinuloy ko na lang ang pagkain ko.




















Rage P.O.V







3:45 in the afternoon ng makababa ako ng eroplano galing europe because of business.







Nang makaparada na sa tapat ng bahay ang sasakyan ay hindi ko na inantay na pagbuksan ako ng pinto at ako na ang kusang bumaba.





Nadatnan ko ang mga kasambahay na isa-isang pinagaakayat ang malalaking kahon na kaka-deliver lang.







Pumasok na ako sa loob at napansin iyon ng mga katulong kaya agad-agad silang yumuko at binati ako.






"Good Afternoon Sir rage!" sabay sabay na bati nila.








"Ano ang mga lamanan yan?" tanong ko sa kanila at tinuro yung mga kahon.






"Pinapaayos po ni Master sa playroom." sagot ng isang kasamabahay sakin.






Kumunot naman yung noo ko.






Playroom? Kelan pa nagkaroon dito nun?






Tumango na lang ako at saka nagsalita ulit.






"Si Andrea?" tanong ko.






"Umalis po sila kasama si master at si kian po." sagot ulit ng isang kasamabahay.






Kumunot lalo ang noo ko sa mga narinig ko.






Two months lang ako nawala ang dami na nangyari sa bahay.




"Saan sila pumunta?" naguguluhang tanong ko.






"Ahm... Wala pong sinabi samin. Basta po niyaya na lang po si young lady ni master kaninang umaga." sabi ng kasambahay.






Tumango at saka umupo sa sofa.





Saan naman kaya pupunta ang tatlong 'yon? Date? Imposible!







********







Thanks for reading!




A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon