Chapter 27

131K 1.9K 130
                                    





Chapter 27:





Dahan-dahan kaming pumasok sa loob ni rexie. Nakatingin ako sa lalaking nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng malaking dyaryo.




Ibinaba niya ang dyaryo at sinara at itinupi in crosswise. Uminom siya ng kape kahit na naka-numero kwatro ang kanyang mahahabang binti. Ibinaba niya ang ininom niya at saka nagawi samin ang kanyang mga tingin at napatingin siya sa
kamay namin.





"Uyy! Welcome back tyrone." narinig kong sabi ni rexie kay tyrone ngunit hindi siya pinansin ni tyrone at tumingin ulit sa dyaryong binabasa niya.






"Hay naku! Masyado ka namang seryoso sa binabasa mo." sabi na naman ni rexie. Hindi ata marunong makiramdam ang isang 'to na ayaw siya makausap.





"Don't talk to me. Mr. Villamor." masungit na sabi ni tyrone at nakatingin pa rin sa binabasa niya.





"Paano kitang hindi kakausapin diyan e, baliktad yung dyaryong binabasa mo." sabi ulit ni rexie at tumawa. Natawa rin ako sa pang-aasar ni rexie.






"Shit!" bulyaw niya at saka hinagis sa lamesa yung dyaryo at saka tumayo at umakyat sa kwarto niya na hindi man lang lumilingon samin.






Nang masigurado namin na wala na siya at saka kami humalakhak.




"HAHAHAHAHAHA!!! EPIC FAIL!!!" Malakas na tawa ni rexie. Ako naman ay hindi na makahinga sa kakatawa.





"What's going on?" napatigil kami sa pagtawa ng sumulpot ang isang napakagandang babaeng nakapula na dress.






Namukhaan ko naman agad kung sino.





"Tita este Mom." gulat na gulat na tawag ko sa mama ni tyrone.





Oh boy!






Napatingin si tita sa tyan ko. At ngumiti siya ng malawak sakin.












"Apo ko ba ito?" nakangiting tanong sakin ni tita. At itinuro yung tyan ko. Tinatawag ko siyang tita dahil hindi naman talaga kami mag-asawa ni tyrone at isa pa kontrata lang kami. Na ipinutol na niya.







Tumingin ako kay rexie para humingi ng tulong kung ano ang isasagot. Mukha namang naintindihan niya ang pahiwatig ko.





"Opo. Apo nga po iyan." sagot ni rexie. Nanlaki naman ang mata ko sa isinagot ni rexie.





Humanda ka saking tukmol ka.






"Oh my! Talaga?! P-pwede ko bang hawakan ang tiyan mo, andrea?" masayang sabi ni tita. Tumango naman ako. Gusto ko maiyak sa kalagayan ko. Ayoko lokohin si tita pero naku-konsensya naman ako kung puputulin ko ang kasiyahan sa kanya mukha.




"Hello baby. This is your lola. But you call me Mama. Lola's love you." kausap niya sa kanya ko.





"Mom?!" napatingin naman kami sa lalaking nasa hagdan.





"Tyrone. Hijo! Salamat sa iyo anak, ha. Binigyan mo ako ng apo." masayang sabi ni tita.





"B-but-----" hindi na matuloy ang sasabihin ni tyrone ng humarap ulit si tita sa tyan ko. Nakatayo kasi ako at si tita naman naka-luhod sa harap ko at hinahawakan yung tyan ko.






Tumingin ako kay tyrone at ganun din siya sakin. Pinandilatan ko siya ng mata na parang ba'ng sinasabi ko na. Masaya.si.tita.kaya.wag.mong.sirain.look.





Mukha namang na-gets niya ang tingin ko dahil dumiretso siya sa kusina para kumuha ng tubig.





"Anong ginagawa mo dito, mom?" tanong niya kay tita na kasalukuyang nakadikit ang kaliwang tenga niya sa tyan ko.




"Shh! Quite!" saway ni tita.





Ininom muna niya yung tubig na nasa baso at si tita naman ay tumayo.




"You say something, son." tanong sa kanya ni tita.

"Ang sabi ko, anong ginagawa mo dito?" tanong ulit ni tyrone.

"Ikaw sana ang pinunta ko dito, pero dahil magkaka-apo na ako. Hindi na ikaw ang dahilan. At isa pa, may kasalanan kayo sa akin. Lalo kana tyrone! Bakit hindi sinabi sa akin na buntis na pala si andrea?!




Oh boy? Paano iyon sasagutin ni tyrone.




******




Thanks for reading!



A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon