Chapter 7

155K 2.7K 156
                                    


Chapter 7



Hila hila ako ni rage papunta sa condo ulit ng dragon. Ohgod! Sana makalabas ako ng buhay dito. Gusto ko pa po masilayan ang anak ko.


Hindi na nagdoor bell si rage at agad-agad na pumasok sa loob.


Naabutan namin ang kalat kalat na damit hanggang kwarto ng dragon.


'Ano ba'ng klaseng mag-sex ang mga 'to' nasabi ko na lang sa isip ko.


Pero ito namang si rage ay dire-diretsong pumunta sa kusina na parang walang nakitang mga nakakalat na damit.


"Andrea, paano 'to lutuin?" rinig ko sabi niya sa kusina.


Sumunod naman ako kay rage sa kusina.


"Unting oil lang and prituin muna. Pero wag yung sunog." sabi ko sa kanya.


"Alam mo, ikaw na lang magluto at panonoorin na lang kita." sabi niya at inabot sa akin ang kawali na stainless.


Kinuha ko ang kawali at saka kutsara at binuksan ang apoy.


Siguro naman hindi ko na kailangan pang-i kwento kung paano lutuin yung tuyo.


Nang matapos ko na lutuin ang lahat na binili niyang tuyo ay hinain ko ito sa lamesa at gumawa ako ng suka. Jusme! Takam na takam na ako sa niluto ko.


"WHAT'S THAT SMELL???!!!!!" Agad naman akong tumakbo sa likod ni rage na kasalukuyang kakaupo lang. Nagbitbit ako ng isang pirasong tuyo at doon ko kinain ng dahan-dahan sa likod ni rage. Oh men! Nagwawala na naman ang dragon ng pilipinas.


"THAT WOMAN!!!!" rinig ko pa'ng sigaw niya at narinig ko ang mga yabag niya.


"Hey! Wag kang matakot." sabi sa akin ni rage.


"Nakakatakot siya." sabi ko. Naubos na yung tuyong hawak ko. Gusto ko pa kumuha pero baka andyan na yung dragon.


Nakaupo ako sa sahig sa gilid ni rage, kampante pa rin ako kahit papaano, dahil natatakpan ako ng bato nilang lamesa kaya hindi ako agad agad makikita ng dragon. Pero, gusto ko pa ng tuyo.


Kinalabit ko ang binti ni rage, tumingin naman siya sa akin at nag-sign pa ako na isa pa. Kumuha siya ng isang galunggong na tuyo at ibinigay sa akin at agad ko naman kinain. Ang sarap ng tuyo.


"WOMAN! WHERE THE HELL ARE YOU??!!!!" Rinig kong sigaw ng dragon sa sala.


"WOMA---RAGE!!!" Rinig kong boses ni tyrone sa may kusina.


"Yes, bro." rinig kong sabi ni rage.


"What was that? It's disgusting!" sigaw niya. 'Di ata uso sa lalaking 'to ang salitang 'kalmado'


"It's dry fish. You wanna try it?" sabi ni rage. Ubos na naman yung tuyo ko. Kaasar!


"No way! It's disgusting." iritang sabi naman ni tyrone at nakita ko pa'ng inihagis niya yung galunggong na tuyo malapit sa akin, buti na lang na salo ko. Kinain ko pa rin yung hinagis niya. Kawawa naman si dryfish.


"Oh, come on tyrone! It's delicious, try some." sabi ni rage.


2 minutes ago...


"What? What is it?" rinig kong tanong ni rage.


"It's salty but I like it." rinig kong sabi ni tyrone.

Hindi ako makapaniwala si tyrone kumain ng tuyo? Unbelieveable!


Kahit hindi ko nakikita ang itsura ng lalaking 'yon kung paano kumain ng tuyo ay napangiti na lang ako?


"Andrea, stand up." sabi sa akin ni rage at kinuha niya yung kamay ko para makatayo. Nung una, ayaw ko pa pero mapilit si rage kaya tumayo na ako.


Nakaharap ako sa lalaking, kumakain ng tuyo.


Hindi man lang niya ako napansin na nakatingin at nakatayo ako sa harap niya.


Umupo ako sa tabi ni rage, para ba'ng nawalan ako ng gana kumain sa nakikita ko.


Ang isang Tyrone Sy na masungit, suplado. Ay kumakain ng tuyo sa harapan ko. Na para ba'ng isang beses pa lang siya nakakain ng ganung klaseng pagkain.


Hindi ko mapaliwanag sa sarili ko, pero ang lalaking matakaw na kumakain ng tuyo sa harapan ko ay isang inosenteng lalaki. Inosente sa pagkain ng mga simpleng tao lang.


*****


Thanks for reading





DEINLICIOUS

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon