Chapter 89

101K 1.1K 110
                                    



Chapter 89

Andrea P.O.V

Nagmamadali ako lumabas ng kwarto. Hindi ko na ginising ang anak ko dahil babalik rin naman ako.

Paglabas ko nang kwarto nang may marinig akong naguusap sa may sala.

"Ano ba vincent?! Kailangan natin kunin ang loob ni andrea! Pag hindi natin ginawa iyon. Mawawala ang lahat ng kayamanan natin!"

Teka? Kay mommy veronica ba ang boses na iyon? Pero, bakit kailangan nila kunin ang loob ko? Anong kinalaman sa kayamanan nila?

"Veronica, hindi ko magawang pakitunguhan ng maayos si andrea! Dahil sa tuwing nakikita ko ang batang iyan!, naalala ko sina alyana at kimiel!"

Anong kinalaman ni alyana at kimiel sa buhay ko? Bakit naaalala nang mga ito sa akin?

"Tandaan mo vincent, pinaghirapan natin nakawin ang lahat ng ito sa mga briones. Pinasabog natin ang sasakyan na kinaroroonan nila noon para lang makuha natin ang kayamanan nila! Kaya huwag mo sayangin ang lahat ng ito!"

Pinasabog nila ang sasakyan na kinaroroonan nila kimiel at alyana?

Ibig sabihin, lahat ng mga naalala ko nung na hospital ako ay totoo?

Mula sa batang umiiyak sa dalawang bangkay ng mga magulang niya ay ako?

Mula sa pagsabog ng sasakyan ay sila ang may kagagawan?

Kung ganoon, lahat ng kayamanang ito ay sa mga briones?

Sa totoong mga magulang ko? Ibig sabihin, lahat ng pagmamay-ari nila ay akin?

"Pinalaki natin ang batang si kim briones at pinaniwalang siya ay ating anak at pinalitan natin ang pangalan niya! Kaya mag isip ka, vincent! Ito na ang pagkakataon, para makuha natin ang loob niya! Lalo na at may anak si andrea sa isang bilyonaryo! Kaya wag kang maging mangmang!"

Gagamitin nila ako para mas lalong yumaman ang kahayupan na ginawa nila!


Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Pinaikot nila ako sa mga palad nila! Pinaniwala nila ako sa mga kasinungalingan nila! At ngayon, gagamitin na naman nila ako para mas mag tagumpay sila sa mga plano nilang mag-asawa.


Pumasok muli ako sa kwarto at kinuha ko ang anak ko na mahimbing pa rin na natutulog. Hindi ko na dinala ang mga gamit namin. Tanging ang mahalagang bagay lang ang dinala ko. Sa likod ako nang mansyon lumabas. Napansin ako ng guwardiya at nagtataka itong napatingin sa akin kung ano ang ginagawa ko sa dis-oras ng gabi.


"Mam, gabi na po. Saan po kayo pupunta?"


Hindi ko pinansin ang tanong niya.


"Akin na ang susi nang kotse."


"Pero, mam---


"Nagpaalam na ako kila mommy." Putol ko sa sasabihin niya.


Mukha namang naging kampante siya sa sagot at agad binigay sa akin ang susi.


Buti nasa labas ng mansyon ang sasakyan. Inilapag ko si tyler sa backseat at saka nagmaneho.


"Hinding-hindi ko kayo mapapatawad!"


Tuluyan ng tumulo ang luha ko dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko.


Galit

Takot,

Kaba


Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon