Last Chapter
MAKALIPAS ang isang taon mula nang nakalabas na ng hospital si tyrone. Bumalik na rin ang kulay ng kanyang balat mula sa pagkamutla at ang kanyang matipunong pangangatawan.
Sa loob ng isang taon, marami na rin ang nangyari.
Sinampahan na nang kaso ang mga sanchez. Tinupad nga ni tito ang pangako niya sa akin na siya na ang bahala sa kaso na isinampa namin sa mga sanchez.
Nalaman na rin ni tyrone ang tungkol sa ginawang kasamaan sa akin ng mga sanchez sa buhay ko at sa mga pamilya ko. Nang malaman niya, gusto niya ito sugurin sa kulungan kung saan nakakulong ang mag-asawa pansamantala. Pero pinigilan ko siya dahil ramdam na ramdam ko kung paano niya sigawan si tito na hindi lang sapat ang kulong para sa kanila, kung di ay ipapatay. Ilang araw din bago humupa ang galit ni tyrone sa mga sanchez. Nagbalak pa nga ito kumuha nang tao para ipapatay ang mga ito. Kaya umiyak ako sa kanya at nakiusap na huwag niyang gawin. At doon lamang siya natauhan. Kaya, pinaubaya na niya kay tito ang tungkol sa kaso.
Si rage naman ay naging maayos na rin mula nang magkaproblema siya sa ina ni kian. Pinagbigyan niya nang pangalawang pagkakataon ang nanay ni kian at nakita ko naman na nagbabago na siya at ginagampanan na niya maging mabuting ina at asawa sa mga ito. Kahit naiilang si rage sa babae. Si rage na rin ang umasikaso sa kaso ni allison na patuloy pa rin na umuusad sa korte.
Si kian naman ay laging kasama si tyler. Madalas niya itong kalaro kahit pitong taon ang agwat nilang dalawa. Maga-anim na taon pa lang si tyler at si kian naman ay malapit na mag-onse.
Bilib rin ako sa mga batang ito, dahil imbis maghabol-habolan sila nang laro ay hindi, bagkus ang nilalaro nila ay chess. Minsan nga naiisip ko, kung nasa tamang isip pa ba ang mga ito? Ang matured na kasi nila mag-isip at magsalita.
"Oh, mahal. Hinay-hinay lang sa pagkain a. Baka mahirapan kang manganak niyan."
Inirapan ko na lang si tyrone at kinain ang manggang hilaw.
Oo nga pala nakalimutan ko.
Ikinasal na pala kami ni tyrone. Hindi ako nagpagarbong kasal gusto ko simple lang basta sa taong pinakamamahal ko ako ikasal.
At heto, isang buwan na lang at manganganak na ako nang triplets.
Oo tama ang nabasa niyo! Tatlong sanggol ang nasa sinapupunan ko. Ewan ko ba nasaktuhan ako agad noong nag honeymoon kami. Paano?! Hindi ako tinantanan kahit magu-umaga na ayaw niya pa rin tumigil. Ayan tuloy!, tatlo agad.
Tatlong babae ang isisilang ko.
"Mahal, may naisip na akong pangalan sa mga prinsesa natin." Narinig ko pang sabi ni tyrone.
Kinain ko muna yung mangga bago ako nagsalita.
"Ano?"
"Wait!"
Napatingin ako sa kanya dahil tumayo siya mula sa sofa at lumuhod sa harap ko lumuhod sa harap ko at idinikit niya yung tenga niya sa tiyan ko.
Hinimas niya ang tiyan ko na nakangiti. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti dahil ang cute niya sa ginagawa niya.
Bigla akong napangiwi dahil naramdaman akong sumipa sa kaliwang tagiliran ko.
"Ayon, siya si Stormy Hazel."
Kumunot-noo ako sa sinabi niya. Pero hindi na ako umangal dahil napangiwi naman ako dahil may sumipa na naman sa gitna ko.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...