Chapter 42

124K 1.8K 111
                                    


Chapter 42:





Tyrone P.O.V


Hindi ko na napatay ang sasakyan ko dahil agad na akong bumaba sa kotse at binuhat ko si andrea papasok sa emergency.


"Tulongg!!!" sigaw ko sa loob at agad naman kinuha ang hospital bed at nagsidagsaan ang mga nurse at doctor.


"She's bleeding doc." rinig kong sabi ng isang nurse sa isang doctor.


"Please doc, do your best please." pagmamakaaawa ko sa doctor.


"I will mr. Sy." sagot sakin ng doctor at itinakbo na si andrea papuntang emergency room pero hindi ako nagpaiwan nakahawak ako sa mga kamay niya.


"Hindi kita iiwan. I promise." sabi ko at hinalikan ang likod ng palad niya.


"Mr. Sy. Hanggang dito na lang po kayo." sabi sa akin ng doctor.


"No! Sasama ako sa loob." sabi ko sa doctor.


"I'm sorry mr. Sy. Pero kailangan niyo magpaiwan." mahinahong sabi sakin ng doctor.


Wala na akong nagawa pa at dahan-dahang binitawan ang kanyang kamay. Pumasok na sila sa loob at hanggang sa hindi ko na sila makita mula sa salamin ng pinto.


Napaupo na lang ako dahan-dahan sa sahig, nahilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito? Pero nakakadama ako ng halo-halong emosyon.



"Tol, where she is?" rinig ko tanong sakin ni rage at ang ilang mga yabag. Hindi ako makatingin sa kanila, nanlalabo din ang paningin ko sa nagbabadyang tumulo kong luha.


Tumayo ako at sinuntok ng buong lakas ang pader. Narinig ko pa ang pagtili ni Allison.


Tangina! Bakit ba ang duwag ko?


Narinig ko na lang ang pagbukas ng pintuan at lumabas ang doctor na naghatid kay andrea sa E.R.


"Nasaan ang asawa?"rinig kong sabi ng doctor.


Agad namang nagkatinginan ang mga tao sa paligid.


"Ako doc. Ako po ang asawa." sabi ko sa doctor. Bahala na kung ano ang sasabihin sakin ni Allison. Pero ganito na ako ka disperado para malaman ang kalagayan ni andrea sa loob at ang baby niya.



"Follow me. Mr. Sy." sabi niya at pumasok kami sa loob. Pinasuot ako ng long plastic gown at gloves, face mask at yung plastic na ilalagay sa ulo.


Dumiretso kami sa area kung saan nakahiga si andrea at nakabukaka may mga nurse na inaasikaso para sa panganganak ni andrea. Gising na rin si andrea, pero ng makita niya ako ay ang lamig ng mga titig niya. At hindi ko alam kung bakit?



Inijection-an yung dextrose niya ng pangpamanhid.



"Ok misis. Sy. Are you ready?" sabi ng doctor na babae. Tumango naman si andrea. Hindi na kasi siya makapagsalita dahil sa sakit na nararamdaman niya. At naawa ako sa kalagayan niya. Tangina! Pag nahanap ko lang ang ama ng anak niya. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kaniya.



"Ok. Magbibilang ako hanggang tatlo and then push mrs. Sy. Understand?" sabi ng doctor at pumuwesto sa gitnang bahagi ni andrea.


"1...2...3 PUSH!" sabi ng doctor.


"AHHHHHHHHHHHHH!!!!" Malakas na sigaw ni andrea.


"1...2...3 push!!!" -doctora


"Ahhhhh!!! Mmmm!!!!" sigaw na naman ni andrea. Napapaangat siya sa tuwing umiiri siya. Hindi ko alam kung paano ang gagawin.



"Push!!!" -doctora


"Mmmmmm!!!! Ahhhhhh!!!" sigaw ni andrea. Hinawakan niya ang kamay ko. Nanlalamig at pinagpapawisan na ang kanyang mga kamay. Sobrang higpit na rin ang hawak niya sakin.



"Kaya mo yan andrea." pagpapakalma ko.



"Malapit na misis. Nakikita na natin ang ulo ni baby. Iri pa!" sabi ng doctora.


"Mmm....!!!!!" bigla na lang lumuwag ang pagkakahawak sakin ni andrea at narinig ko ang isang iyak ng isang anghel.


"He's a baby boy mr. Sy." sabi sakin ng doctora at binalutan siya ng lampin at ibinigay sakin.


"B-but----


Hindi na ako nakapagsalita dahil inabot na sakin ng doctora. Hindi ko alam kung paano siya hahawakan? Pero sa bawat paggalaw niya ang nagbibigay kaligayahan sakin.


Isang Cute na baby boy ang hawak ko. Matangos ang ilong. Kitang-kita ko ang pagdilat niya kahit may dugo siya sa buong katawan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman? Tuwang-tuwa ako sa hindi ko malamang dahilan. Hinalikan ko sa noo ang baby at kasunod nun ang pagtulo ng luha ko sa sobrang kasiyahan.


"Can I hold my baby?" napatingin ako kay andrea.


"Oh! I'm sorry." sabi ko at dahan-dahang inabot sa kanya ang baby.


"Hello my baby boy." sabi niya dito at hinalikan sa noo.


Dinukot ko sa bulsa ko yung cellphone ko at pinicture-an silang dalawa.


"What's he name is?" tanong ko sa kanya.


"His name Tyler. Tyler Andrey Sanches." sabi niya at hinalikan ulit sa noo ang baby.


Sana ganyan din ang magiging mag-ina ko?



*******


Thanks for reading....

A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon