Chapter 48

123K 1.6K 139
                                    






Chapter 48








Pagkatapos ng kainan ay nagsiuwian na ang mga kamag-anak ng Sy. Nandito na rin ako sa kwarto ko kasama ang anak ko na nasa kama ko at mahimbing na natutulog.





Tumayo ako at tumingin sa salamin, asar na asar ako sa itsura ko ngayon. Mukha akong losyang. Nakasuot ako ng pajama at ang laki ng damit ko tapos nakatali ang buhok ko. Gustuhin ko man maligo pero bawal daw muna dahil baka mabinat daw ako.





Tumingin ako sa oras. Alas-nuwebe pa lang ng gabi at bagot na bagot ako.





Ano ba ang magandang gawin?





RAGE P.O.V





"Mahal excited na ako sa sabado."





Lalong lumukot ang noo ko dahil sa kaartehan ng babaeng allison na 'yon. Kanina niya pa sinasabi ang mga katagang iyan sa kapatid ko. Hindi ko alam kung ano ang pinakain sa kanya ng babaeng 'yan at kaya siyang utoin ng ganyang kadali.





Sinuri ko mula ulo hanggang paa ang babaeng plastikada. Ang laki ng pagkakaiba nila ni andrea. Si andrea simpleng babae pero pagnagdamit ng maayos nakakaakit na. Itong babaeng nasa harap ko, kapos na sa tela lahat-lahat mukha pa ring hipon.






Tumayo ako at pinatay ang tv. Tumingin sakin si tyrone ng masama.





"Pangit ang view." maikling sabi ko. Magsasalita pa sana siya, pero tinalikuran ko na siya at umakyat.





Nadaanan ko ang kwarto ni andrea. Gusto ko kumatok pero baka tulog na iyon dahil pagod siya. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya at naabutan ko siyang nagbibihis ng damit ng anak niya at mukhang kinakausap niya ito.






"Alam mo babyboy pagkalaki mo bibilhan ka ni momshie ng maraming-maraming laruan." pangbatang boses na wika ni andrea sa anak niya habang binibihisan niya.






Kinuha ko ang iphone ko at kinuhanan sila ng palihim ng litrato. Ang cute nila.





Ibinulsa ko ulit ang iphone ko.





"Momshie pala ah!" singit ko sa moment niya.





Nanlaki naman ang mata niya ng makita niya akong dire-diretsong pumasok sa loob at umupo sa sofa niya na kaharap ay ang kama niya.






"N-narinig mo?" kinakabahang tanong niya.





"Yeah. Momshie. Ahahaha!!!" natatawang sabi ko sa kanya.




Namula naman ang mukha niya sa sinabi ko.




Tumingin ako kay baby tyler at lumapit sa kinahihigaan nito. Hinawakan ko ang isang maliit niyang braso.




"Ako si papshie mo babytyler." sabi ko at ginalaw-galaw yung braso niya.





"Papshie?" naguguluhang tanong ni andrea.



"Yeah. Ikaw si momshie, ako naman si papshie." nakangiting saad ko sa kanya.





-------




Thanks for reading!



A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon