Chapter 36:
"Sino ang pangit na patong 'yon?" napalingon ako sa kararating na si kian.
"Kian!" mabigat na boses ang nabigkas ni tyrone.
"What?! Sino ang pangit na babaeng 'yon?" ulit na naman ni kian. Napatingin ako sa babae. Mukhang uusok na yung ilong niya sa pagkaasar.
"Tumigil kana!" Banta niya kay kian.
Hinawakan ko si kian.
"Kian respect her." sita ko sa kanya.
"b-but----
Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil pinandilatan ko na siya ng mata hudyat na tumigil na siya.
Na unang naglalakad sina allison at tyrone. Magkahawak ang mga kamay.
Nasa likod lang kami ni kian na nakabusangot ang mukha. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya kay allison.
Kasama namin ang isang boy sa department na bitbit yung mga sandamakmak na paperbag ni kian. Si kian kasi ang nagbayad ng mga pinamili niya dahil may dala siyang ATM.
"Wow! Ang ganda naman nun!" tinignan ko naman ang tinuturong shop ni allison.
JEWELRY SHOP
Basa ko sa pangalan ng shop. Pumasok silang dalawa sa loob. Hindi ko tuloy alam kung susunod kami ni kian sa loob dahil sa tingin ko ay hindi kami kailangan ng dalawa.
Hihilahin ko na sana si kian papasok sa loob ng pigilan niya ako.
"Bakit?" takang tanong ko sa kanya.
"Uwi na tayo." sabi niya at nauna nang naglakad papuntang parking lot.
"Kian sandali lang." habol ko kay kian. Kahit mabigat ang tyan ko ay napatakbo ako ng dis-oras.
"Ate kim, hindi mo kailangan na hintayin sila. They are already adults! Kaya na nila umuwi mag-isa at saka hindi ko kayang tignan ang kaartehan ng panget na patong 'yon!" inis na sabi niya at saka pinagpatuloy ang paglalakad papuntang parking lot.
Huminto kami sa tapat na sasakyan.
"Wala tayong susi." sabi ko kay kian.
"Don't worry, I have." sabi niya at nilabas yung susi.
"Teka, paano mo yan nakuha?" tanong ko sa kanya.
"Sa sobrang kahibangan niya sa patong 'yon. Hindi na niya napansin yung susi na nahulog." sabi niya.
Binuksan niya yung backseat at inilapag naman ng boy yung mga pinamili niya.
"Sino magda-drive?" tanong ko.
"Ikaw. I know kaya mo." sabi niya at pumasok na sa passenger seat.
Napatango na lang ako at saka pumasok sa loob ng driveseat.
RAGE P.O.V
"Nasaan na ba sila?" tanong ko na naman sa sarili ko. Kanina pa ako nag-aalala sa kanila lalong-lalo na kay andrea. 8 months na ang tyan niya at bawal siya mapagod. 7:30 pm na pero wala pa rin sila. At hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako naglalakad pabalik-balik sa sala.
Nakailang tawag na ako sa cellphone ni andrea at ni kian pero out of Coverage area.
"GOOD EVENING MASTER!!" Napalingon ako sa mga kasambahay na nasa may pinto.
"Where's andrea and kian?" malamig na tanong niya sa mga kasambahay.
"Wala pa sila kian!" Ako na ang sumagot at lumabas.
Napakunot ang noo ko ng may lumabas na babae galing sa backseat. At kilala ko kung sino ang patong 'to.
"ALLISON?" inis na saad ko.
"Hi rage. How are you?" maarteng tanong sakin. Inirapan ko na lang siya.
"Anong ginagawa ng patong yan sa bahay na 'to?" inis na tanong ko kay tyrone.
"RAGE! RESPECT HER! She's my girlfriend." inis na bulyaw sakin ni tyrone.
Nanlaki naman ang mata ko.
"Your what?!! Ginayuma ka ba nang babaeng 'yan!" inis na wika ko.
"YOU ASSHOLE!" Susugod na sana si tyrone sakin ng awatin siya ng patong babae.
"It's ok. Hindi lang siguro ako welcome sa bahay mo at sa family mo." nagda-dramang sabi ng babae.
Ok, it's too much drama.
Pumasok ako sa loob, naghahalo ang inis ko at galit ko sa babaeng 'yon! Hindi pa tapos ang kasalanan na ginawa niya sakin.
Napatingin ako sa orasan ko.
8:00 na ng gabi nasaan na ba sina Andrea?
*************
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
![](https://img.wattpad.com/cover/93970671-288-k293812.jpg)
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...