Hello readers! Wag naman po lagi ang i-comment niyong 'update po please' or anything.
Feedback naman sa bawat chapters para po ganahan ako mag-update and magsulat na rin. Yon lang salamat!
ENJOY.....
==================
ANDREA P.O V
Nakatulala ako dito sa sala habang napapaisip kung ba't ako minura?
Taenamo ko daw?
E, gago pala siya e! Binigyan-bigyan niya ko ng bouquet red roses tapos ngayong nag-thank you ako sa kanya kasama pa ng konting hiya pero minura pa ako!
Anong akala niya sakin? Bingi? Para hindi marinig ang sinabi niya.
Kung labag sa loob niya na bigyan ako ng red roses. EDI WAG! Wala naman akong sinabi sa kanya na dalhan o pasalubungan niya ako ng roses.
Napa-paranoid tuloy ang utak ko. Bwisit!
"Anong ginagawa mo dyan?"
"Ayyy! Taenamo!" napatakip agad ako sa bibig ko ng mapagtanto kung ano yung nasabi ko.
Bwisit kasing tyrone na yon e! Namura ko tuloy si Rage.
Pero teka, si rage?
Kelan ka pa siya umuwi?
"Ba't mo ako minumura?" nagtatakang tanong niya.
OHMYG! Ano yung sasabihin ko?
Lintik na taenamo na yan!
"Huh? Nagmamahal kasi ako ngayon kaya kita minumura." oh good! Ang ganda ng palusot mo andrea.
Napatawa naman si rage sa palusot. Kaya kahit papaano ay nakahinga ako.
"Hahahahahaha! Ang weird mo! Comatose ka lang naging weirdo ka na, Hahahahahaha!!" natatawang saad niya.
Napakunot-noo naman ako dahil sa sinabi niya. Ako? Weirdo? Hindi ah! Dahil lang naman sa pagmumura sakin ng kapatid niya kaya namura ko rin siya.
"Anyway, ba't may dala kang bouquet red roses dyan?Kanino naman galing yan?" tanong naman niya habang nakatingin sa hawak ko.
"Ah ito..." sabi ko tapos tinaas ang hawak ko sa bouquet.
"....p-para sayo 'to. You know, welcome presents sayo! Welcome home Rage!" palusot ko at nagkunyaring binati siya.
"Sus! Labas sa ilong yung pag-welcome mo sakin. But, its ok atleast binati mo ako. Akin na yan? Ang ganda ng pagkaka-arrange ah!" tuloy tuloy na sabi niya at kinuha sakin yung hawak kong bouquet.
"Thank you." nakangiting sabi niya at niyakap ako. Hindi naman ako nagulat sa ginawa niya kasi sanay na ako. Parang Hug as Friend lang.
Matapos ang moment sa baba ay umakyat na kami sa kanya-kanyang kwarto pero bago ako dumiretso sa kwarto ko, sinilip ko muna yung anak ko sa kwarto nito at naabutan kong nakahiga ito sa sahig. Nakatulog ito kakalaro, kaya binuhat ko ito sa kama at kinumutan tapos niligpit ko ang mga kalat na laruan at saka hinalikan sa noo at pinatay ang ilaw at sinara ang pintuan. At saka ako dumiretso sa kwarto ko at natulog.
KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil may nakadagan sakin at hinahalikan ang pisngi ko. Napangiti ako ng mapagtanto kung sino ang taong tumatadtad sa pisngi ko ng halik. Walang iba kundi ang anak ko na lagi namang ginagawa sakin tuwing umaga. Senyales na gusto na niyang mag-gatas.
"Yoot morning mommy." lambing nito at niyakap ang leeg ko.
Napangiti naman ako sa bulol na pagbati sakin ng anak ko.
"Baby boy, ang aga pa ah. Wag mo muna gisingin si mommy." sabi ko sa anak ako at niyakap ito.
"But, mommy. Dada is here." napabalikwas naman ako ng bangon ng marinig kong sabi niya ay nandito daw ang Dada niya na walang iba kundi si tyrone.
Tinignan ko naman yung coach sa kwarto ko at may nakaupo ngang lalaki doon at nakanumero kwatro ang mahahabang binti nito habang nagbabasa ng dyaryo.
"Good morning." bati nito at binaba ang dyaryo.
"Anong ginagawa mo dito sa kwarto?" tanong agad sa kanya imbis na batiin pabalik yung bati niya.
Nakalimutan ko, minura niya pala ako kagabi sa kabila ng pag-thank you ko sa kanya.
Argh! Naalala ko na naman.
"Kinukulit kasi ako ni baby boy sa baba kanina. Ang sabi niya, akyat daw kami sa kwarto mo." paliwanag nito.
"So, ginawa mo naman?" iritang tanong ko.
"Oo. Kasi anak ko yan!"
Hindi ko naman narinig ang sinabi niya mung huli kaya kumunot ang noo ko.
"Anong sabi mo?" masungit na tanong ko.
"Wala, sabi ko ang sungit mo." sabi niya at binalik ulit ang pagbabasa sa dyaryo niya.
Napatingin naman ako sa anak ko na naka-indian sit habang nakikinig samin.
"Baby boy, don't do that again. Ok?" sermon ko sa anak ko.
"Why mommy? I love seeing my mommy and dada talk to each other. We look happy family!" sabi nito at masiglang tinaas ang dalawang maliliit na braso nito na parang may masaya siya nakita.
Pero, ano daw?
We look happy family?
Oh boy!
---------------
PLEASE VOTE AND COMMENT!!!
THANKS FOR READING!!!!!!!!!
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...