Chapter 10

151K 2.3K 198
                                    



Chapter 10



Lumabas na kami ng simbahan pagkatapos ng naganap na halikan sa loob. Sa totoo lang, hindi pa ako maka-move on sa halik niyang 'yun.



"Woo!!! Congrats sa inyo!" sigaw ng mga tao at nagpalakpakan.



Napatingin ako sa malayo kung saan nandoon ang mga media. Hindi pa rin sila makapasok dahil may nakaharang pa rin na mga pulis.



Tumapat sa amin ang isang pulang limousine. Grabe ang yaman ng lalaking 'to. Kanina kulay puti ngayon naman kulay pula.



Umikot sa kaliwang pinto si tyrone at pumasok, ako naman sa kanang pinto at pumasok.




Ungetleman talaga ang lalaking 'yon.



Wala kaming kibuan sa loob ng sasakyan. Sa totoo lang, wala akong ka ide-ideya kung saan kami patungo ngayon.



Tyrone P.O.V



Mrs. Andrea Sanchez-Sy. 'Yan ang pangalan ng fake wife ko. She's already using my surname in two years. But i don't know, how to treat nice to her.



Papunta na kami sa bahay ko ngayon. Wala na akong pinaganap pa na isang party dahil pagod ako ngayong araw.



Kanina sa loob ng simbahan, hindi ko maiwasan manabik sa mga labi niya. Siya ang pangalawang babae na hinalikan ko. At hindi ako makapaniwala na may igaganda pa pala ang kanyang mukha. Pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit? Kahit nung una pagkikita naming dalawa ay hindi na maganda.



Pero ng ipatikim niya sakin ang isang pagkain na kailanman hindi ko pa natitikman sa tanang buhay ko, naalala ko bigla ang unang babaeng minahal ko ng totoo.



Flashback...



Well, grade school pa lang kami. Mahal na mahal ko na ang batang babaeng 'yon. Matanda ako sa kanya ng isang taon. At hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin ang batang babae 'yon.



Pinatikim niya sakin yung kulay orange na bilog pero may lamang itlog. Sa street food namin na bili iyon.



"Tikman mo na. Masarap 'yan." sabi ng batang babae sa akin at inabot sakin ang limang kulay orange sa isang stick.



Tinignan ko naman siya, kumakain siya ng kulay orange ng katulad sakin at mukhang sarap na sarap siya dito.



Sinubukan kong kagating yung ibinigay niya sakin. Nung una ayaw ko dahil parang tinapay yung nakagat ko pero bandang huli na ubos ko rin.



Tuwang-tuwa ako nun, sa kadahilanang nakatikim ako sa unang pagkakataon ng pagkain ng mga simpleng tao.



End of flashback


Kaya ganun na lang ang saya ko rin ng makatikim ako ng dryfish. Maalat pero masarap pagsinawsaw mo sa vinegar na tinimpla pala ng babaeng hindi ko kilala.



Nagtanong daw si andrea kung may dryfish kaya binili ni rage. Iyon ang kwento sakin ni rage.



Andrea P.O.V



Huminto ang sasakyan namin sa isang napakalaking bahay. May mga maids, bodyguards, guards, at care taker na nakatayo sa malaking pinto na parang ba'ng alam nilang dadating ang kanilang amo.



Pinagbuksan ako ng pinto sa isa mga guard. Lumabas naman ako. Hindi ako nahirapang bumaba.



Mukhang nagulat naman ang mga katiwala sa bahay ni tyrone ng makita nila ako.



"Come here." narinig kong sabi sakin ni tyrone.



Naglakad naman ako papunta sa kanya, kung saan nasa malapit ng hagdan na may karpet.



Inabot niya sakin yung kamay niya at kinuha ko naman. Pero inilagay niya sa braso niya.



"Good evening, young master and------ young miss!!" sabay na sabay na bati nila samin at yumuko pa sila. Ngumiti lang ako sa kanila.



Umakyat kami at saka pumasok sa loob, halos mamangha ako sa laki ng bahay niya. Malaki ang bahay namin pero para ba'ng idinoble ang laki nito.



"Go to your room." sabi ni tyrone at iniwan ako mag-isa.



Teka? Saan ba 'yong kwarto ko?



********



Thanks for reading!



A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon