Chapter 73

102K 1.6K 88
                                    


So, dahil tapos na ang christmas. Babati naman ako ng....

ADVANCE HAPPY NEW YEAR!

So, enjoy!!!

-----****------

ANDREA P.O.V

"So, masaya ka na inaangkin ang fiancè ko?"

Napatingin ako kay allison na ang sama-sama ng tingin sakin.

'Wag naman sana niyang ipakita sa anak ko yung sama ng ugali niya.'

"Ahh.. Mali ka ng iniisip, allison." mahinahong sabi ko.

"Hah! Mali ako ng iniisip? Bakit? Ano ba ang dapat ang isipin ko? Na nagkita lang kayo ng FIANCÉ KO dito sa fast food." sabi nito at diniinan ang pagkakasabi sa 'fianceé ko'.

Napatayo si tyrone kaya napatingin ako sa kanya.

"Stop.it.allison" bantang sabi nito.

"Bakit ako titigil, tyrone? Hindi ako tanga para hayaan lang na makisama ka o let say landiin ka ng disgrasyadang yan!" saad nito at dinuro ako.

Marami na rin nakiki-isyoso sa amin na mga kostumer samahan pa ng mga crew and cashier sa counter.

Tinignan ko ang anak ko. Buti na lang busy pa rin siya sa kakakain ng manok habang naka-earphone.

Teka, bakit naka-earphone siya.

Tinignan ko ang cellphone na naka-konekta sa earphone.

Cellphone iyon ni tyrone.

Napangiti ako ng bahagya. Buti na lang.

"Wag kang mag-iskandalo dito, allison." mahinahong sabi ni tyrone pero puno ng pagbanta.

"Hindi ako nag-iiskandalo dito, tyrone. Bakit? Ayaw mo bang mapahiya ang kahihiyan ng babaeng yan?! Ha?! Nadala kana ba ng kalandian niya?" tuloy-tuloy na sabi nito.

"I warning you, allison." napatingin ako sa kamao ni tyrone. Naka-yukom na ito at nanginginig siya. Pero hindi mababasa sa mukha niya ang galit.

"Ba't mo ba pinagtatanggol ang babaeng yan? Hindi kaba nandidiri sa kanya? Lalo na sa anak niya? Sa anak niyang nabubuhay ng hindi alam ang ama. Bakit? Gusto mo bang maging tatay ng batang yan? Nasaan ang kahihiyan mo, tyrone? Dugo at laman iyan galing sa ibang lalaki. Kaya pwede ba tyrone, lumayo kana sa kanila. Lalo na sa nakakadiring batang iyan!!!" sigaw nito.

Hindi na ako nagdalawang isip na tumayo at lumapad sa mukha niya ang kaliwang palad ko dahilan para mapatabing sa kanan ang mukha niya at mapahawak siya sa pisngi niya sa kaliwa.

Tumingin ako ng masama sa kanya at ganun din siya sakin.

"Tanggap ko na laitin mo ang buong pagkatao ko, allison. Pero kung idadamay mo anak ko, iyon ang hindi ko matatanggap. Ang siraan ang imahe ng inosente kong anak iyon ang hindi ko papalampasin. Bakit?......" tumigil muna ako sa pagsasalita at tinignan siya mula ulo hanggan paa at bumalik ang paningin ko sa mata niya.

".....nakakataas ba ng pagkatao mo ang siraan ako sa maraming tao. Ha?! At saka....." unti-unti akong naglakad at napapaatras naman siya.

"......masyado kabang malinis para siraan ako? Ang baho ko nakikita mo, pero ang sarili mong baho hindi mo nakikita kahit nangangalingasaw na." nanginginig na wika ko sa kanya.

"Kung kalinisan lang din sa buhay ang tinutukoy mo mas lamang ako. Hindi ako disgrasyada kagaya mo." nanginiginig na sabi nito. Hindi ko alam kung nanginginig ba siya sa takot o ano.

"Oo, hindi ka nga disgrasyada. Pero mas matindi pa sa kriminal ang ugali mo! Ilang beses kong pinalampas ang masamang ugali mo, pagpapahiya, at panglalait mo. Pero, ibang usapan na ata ko yung anak ko, idadamay mo sa ka-demonyita mo...."

"....tutal, nandito na rin tayo at maraming nanonood satin. Maglabasan na rin tayo ng baho." sabi ko sa kanya. Umatras ako ng bahagya ang hinalbot ang bag niya.

"You bitch! What are you doi----" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng makuha ko na ang isang maliit na bote at naglalaman iyon ng kulay pulang tubig sa loob. Hinagis ko sa sahig ang bag niya.

Tumingin ako kay tyrone na nakamasid lang samin.

"Alam mo ba kung ano ang hawak ko?" tanong ko sa kanya. Kumunot-noo naman si tyrone.

"No! Hindi pwede!" napatingin ako kay allison ng makita niya ang hawak ko.

"Isa itong gayuma! Ito ang pang-gayuma niya sayo tyrone." sabi ko at tinaas ang hawak ko.

Napangisi ako ng bahagya.

Sino ang demoyita satin, allison?

----------------

PLEASE VOTE AND COMMENT

THANKS FOR READING!!!!

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon