Chapter 83

94.5K 1.2K 40
                                    


Please vote and comment. I need your side comment every chapter I updated.

Enjoy.....

.....

TYRONE

Ilang araw.

Ilang araw, mula nang iniwan ako nang mag-ina ko.

Ilang araw na, mula nang magmakaawa ako sa kalangitan na ibalik na niya ang mag-ina ko.

Pero, kahit ata umiyak ako nang dugo ay hindi na sa akin ibibigay ang mag-ina ko.

Kinuwento sa akin ni mommy ang pinagusapan nila ni andrea.

Hindi ako makapaniwala na panahon ang kailangan niya para hanapin ang kasiyahan niya. Kung sa akin ba o kung kaninong pocho pilato.

Bakit hindi ba siya masaya sa akin?

Hindi niya ba kayang sumaya kapiling ako at kailangan niya pa nang panahon?!

"Putanginang panahon yan!!!" Binato ko ang boteng hawak ko sa kawalan. Pang-ilang alak na ba ang naiinom ko, pero walang epekto sa akin.

Marami na akong napabayaan sa bawat araw/oras na tumatakbo.

Wala na akong pakealam kung mapapalitan ako nang ibang CEO sa kumpanya.

Basta wag lang ako mapalitan sa puso ni andrea.

Sa puso nang babaeng pinakamamahal ko.

Tinanong ko kay mommy kung nasaan si andrea para sunduin ko ito pero hindi niya alam ang laging sagot nito.

Ilang beses na rin akong lumuhod kay mommy pero umiiyak lang ito sa akin.

"ARGHHHHH!!!" sinabunutan ko ang sarili ko at binato ko na naman ang boteng hawak ko.

Nagkalasug-lasog ito katulad ng sarili ko. Nang puso ko.

Ilang araw na akong mag-isa dito sa mansyon. Marami na rin itong alikabok sa sahig. Pero wala akong pakelam.

Gusto ko ipakita sa pamilya ko na ganto ang buhay ko kung wala ang mag-ina ko at ang ilaw nang tahanan ko.

Gusto ko ipakita sa kanila, na magulong-magulo ang buhay ko pagwala siya.

Oo! Kasalanan ko lahat kung bakit siya nasasaktan nang dahil sa akin. Dahil sa mga pinagsasabi ko sa kanya noon. Pero pinagsisihan ko na naman na iyon ngayon. Kaya ko naman patunayan sa kanya na nagsisisi na ako. Pero bakit kailangan niya pang umalis? Bakit kailangan niya pa ako iwan?

Umakyat ako sa kwarto ni andrea. Kinuha ko ang picture nito at hinaplos ang mukha nito na napakanganda at inosenteng mukha nang babaeng pinakamamahal ko.

"Bumalik kana please. Hindi ko kayang wala ka."

Tumulo ang luha ko.












NAGISING ako na parang may humahaplos sa mukha ko.

"Andrea?" Hinawakan ko kaagad ang kamay na humahaplos sa pisngi ko.

"Anak, si mommy ito." Nadismaya naman ako nang makita ko si mommy na nakaupo sa gilid ng kama ko.

"Anong ginagawa mo dito, mommy?" Humiga ulit ako at pinatong sa noo ko ang kanang braso ko.

"Buti na lang pinuntahan kita dito. Ang gulo-gulo nang mansyon. Ang dami pang nabasag na bote." Narinig kong napahikbi si mommy.

Gusto kong yakapin si mommy pero wala akong lakas ngayon para pigilan ang luha niya. Dahil kahit maski ako ay hinanghina na.

"Nakita mo na mommy. Ganyan kagulo ang buhay ko kapag wala ang mag-ina ko." Seryosong sabi ko.

"Pero anak, babalik naman siya e." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi ni mommy o gusto kong lalong malungkot dahil pinapaasa niya ako sa walang kasiguraduhang mangyayari pa iyon.

"Kelan pa mommy? Pagdurog na durog na ako? Kung naghihingalo na ako? O pagpatay na ako?" Alin doon?" Hindi ko na maiwasang sumagot nang pa balang.

Hindi ko na kasi alam kung paano pa tatakbo ang buhay ko.

"Panahon lang anak. Babalik din siya." Sabi ni mommy at hinaplos ang buhok ko.

"Kung sakaling bumalik siya, hindi niya magugustuhan ang makikita niya sayo." Sabi nito at umalis na sa pagkakaupo sa kama ko.

Bago ko marinig ang pagsara nang pinto ay narinig kong nagbuntong hininga si mommy at saka ito lumabas.

Napaupo ako mula sa pagkakahiga ako sa kama.

Matagal ako napatulala sa sinabi ni mommy. At napangisi rin kalaunan.

"Babalik pa nga ba siya?"

........

Thanks for reading...

A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon