Chapter 60:
TYRONE P.O.V
Matapos ang laro namin ni andrea sa hospital ay nakatulog na rin siya. Napatingin ako sa nakaupong si mitzy.
May kailangan pa itong ikwento sa akin.
"We need to talk." Sabi ko at lumabas na ng kwarto.
Pumunta ako sa rooftop ng hospital at alam ko na nakasunod siya sa akin. Nagsindi ako ng sigarilyo at tumingin sa malayo habang nagbubuga ng makapal na usok.
"Bakit hindi mo sinasabi samin na gising na si andrea?" Tanong ko sa kanya pero hindi ko siya nililingon.
Ilang minuto din ang lumipas bago siya makasagot.
"Sasabihin ko naman. Kaso dumating ka." Maikling sagot niya.
"Dapat tumawag ka man lang nung magising siya." Matigas na tinig ko sa kanya.
Narinig kong napatawa siya ng mahina bago magsalita..
"At bakit ko naman gagawin yon?..." lumingon ako sa kanya at sinalubong ang matatalim niyang tingin.
"What do you mean?" Unti-unti na rin akong naiinis sa babaeng 'to.
Hindi ko alam kung ano ang problema niya sakin kung bakit inis na inis siya sakin. Mula ng makita ko siya ay hindi ko man lang nakitaan itong ngumiti sakin o kausapin man lang ako ng maayos.
"What I mean? Kelan ka nagkaroon ng pake kay andrea? In short, kelan mo ba hindi sinaktan si andrea?" Naiinis na saad nito.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Inis na sabi ko.
Anong pinagsasabi niya? Kelan man hindi ko sinaktan si andrea.
Hindi nga ba?
Tumawa siya ng nakakainsulto.
"Hindi ko alam kung nagpapainosente ka o nagpapakitang tao lang. Chao!" Sabi niya at umalis na.
Nakatingin lang ako sa kinatatayuan niya kanina.
Ano bang problema niya sakin?
"Bitch." Inis na nabigkas ko na lang at humarap sa labas ng rooftop at inubos ko ang sigarilyo ko bago umalis ng rooftop at dumiretso sa parking lot.
Hindi na ako dumaan sa kwarto ni andrea dahil baka hindi ako makapagpigil at kung ano lang ang magawa ko sa babaeng 'yon.
Kasalukuyang nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho ng tumawag si daddy.
"Yes dad?"
["Uuwi na si rage dyan."]
Kumunot noo naman ako.
"Kelan dad?"
["He's arrived now."]
What?!
"Ok."
Toot toot.
Umuwi na pala ang kapatid ko. Akala ko tatlong taon siya doon sa europe kaya nakakapagtaka na maaga siyang umuwk dito. Ganun na ba siya kahasa sa pagpapatayo ng bagong negosyo ni dad. At bukod doon may mga problema doon at sa tingin ko mahirap iyon maayos.
Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso ako sa sala para magpahinga muna kahit sandali.
"Dada!!!!" Napalingon ako sa batang tumatakbo papalapit sa akin.
"Hello babyboy!!" Sabi ko at kinarga si Tyler. Ewan ko ba pagnakikita ko ang batang ito ay nawawala ang pagod ko.
Niyakap naman ako nito ng mga maliliit niyang braso sa aking leeg.
"Dada." Sabi niya at kiniss pa ako ng malamig niyang labi sa aking pisngi.
"You're so sweet babyboy." Sabi ko.
Umupo siya sa lap ko, hinawakan ko naman siya sa bewang parang hindi siya mahulog.
"Dada! Dada! Mimi! Dada!" Paulit-ulit na sabi nito sa akin. Mukhang naintindihan ko naman. Mukhang hinahanap niya ang mama niya sakin. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa batang ito kung ano ang nangyari sa mimi niya.
"Wala dito si mommy mo e" Sabi ko sa bata at inaayos ko ang kanyang buhok gamit ang kamay ko.
"Mimi! Dada!" Ulit na naman nito kaso mas nagulat ako dahil sinabunutan ako nito gamit ang dalawang kamay.
Jusme! Parang matatanggal ang anit ko.
Hindi ko na maiwasang hindi mapahiyaw sa sakit.
"Aray! What the fuck! Aray!" Sigaw ko kaso imbis na matakot si tyler sa pagsigaw ko ay mas lalo atang nagigil sakin.
"Aray! Babyboy! Enough!!!" Sigaw ko at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko.
"What's going on here?!"
Napahinto si tyler sa pagsabunot sakin.
Thanks god!
Napalingon kami sa may pintuan kung saan nakatayo si Rage na may dalang maleta na maliit.
"Nothing." Sabi ko at hinawakan ang kamay ni tyler na nakatingin din kay rage. Mahirap na baka manabunot na naman 'to.
Naglakad palapit samin si Rage at umupo sa tabi ko.
"Hello babyboy! Bonding with your daddy. Hahaha!!" Sabi niya kay tyler.
Kumunot noo naman ako dahil sa sinabi ni rage.
------
Thanks for reading.
DEINLICIOUS
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...