Chapter 67

116K 1.4K 23
                                    


"Oo anak mo yan." dahan-dahan akong napatingin kay Ian.

Totoo ba ang narinig ko?

Ang batang ito ay aking anak!

Tinignan ko ang batang nakaupo sa hita ko.

Ang berde niyang mga mata, ang matangos nitong ilong, ang mapula nitong labi. Ang perpektong batang lalaking ito ay anak ko!

Paano ko nagawang kalimutan ang sarili kong anak?

"I'm so sorry anak ko." naiiyak na sabi ko dito at niyakap siya ng mahigpit.

Naalala ko na. Ito ang batang ito ang naging bunga nung nakipag-one night stand ako. Ito ang dahilan kung bakit napalayas ako sa poder ng mga sanchez. Itong batang 'to ang mas pinili ko kesa sa pamilya ko.

Itong batang 'to ang buhay ko.

Kaya hindi ako makapaniwala na nagawa kong kalimutan ang batang katulad niya.

Hindi ko man lang siya na alagaan nung siya ay sanggol pa.

Pero nagpapasalamat ako sa mga taong inalagaan siya sa kabila ng pagkalimot ko sa sarili kong anak.

Ang baby boy ko.

~~

TYRONE P.O.V

Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon. Ang mag-ina ko masayang magkayakap.

Pero, paano ko ba sasabihin sa kanya na ako ang ama ni tyler?

Marami akong tanong na gusto ko pang masagot. Kung siya ba talaga si kim, ang babaeng unang minahal ko noong ako'y highschool.

"Hayaan muna na natin sila." sabi ni rage at lumabas ng kwarto.

Sumunod naman kami ni mitzy sa kanya. Pumunta kami sa canteen ng hospital at umupo doon kahit wala kaming ino-order.

"S-salamat rage." panimula ko. Napatingin naman sakin si rage at nagsindi ng sigarilyo. Sa buong buhay ko na pagkakakilala ko kay rage ay dalawang beses ko pa lang siya nakitang nanigarilyo. Ang una, dahil sa galit niya sa asawa niya na nanay ni kian. Iniwan siya nito at pinagpalit siya sa ibang lalaki. At ngayon, hindi ko alam kung bakit naninigarilyo siya?

"Alagaan mo ang mag-ina mo." sabi nito at bumuga ng usok.

Naguguluhan namang tumingin sa kanya si mitzy na tahimik na nakaupo.

"Sinabi mo na rage?" naguguluhang tanong nito.

Bumuga muna ito ng usok bago tumingin sa kanya.

"Walang dahilan para itago pa ang katotohanan sa kanya, mitzy. Karapatan niyang malaman ang totoo dahil siya ang ama ni tyler." kalmadong sabi nito. Tumingin ito sakin.

"Ayusin mo na ang problema mo. Kung kinakailangan hiwalayan mo si allison para kay tyler. Gawin mo." sabi nito at tinapon sa sahig ang ubos nitong sigarilyo at inapakan.

Si Allison? Hihiwalayan ko?

Naguguluhan na ako.

"Kung mahal mo ang mag-ina mo tyrone. Handa kang isakripisyo ang bagay na kailangan iparaya." sabat ni mitzy at tumingin sa akin.

Ngayon ko lang siya nakausap ng matino. Dati, pagnakakausap niya ako galit siya at mataas ang boses. Pero ngayon, kalmado siya.

May isang tanong ako na gusto ko pang malaman.

"Bakit mo siya tinawag na Kim?" tanong ko. Huminga muna siya ng malalim.

"Gusto mo bang malaman ang sagot? Bukas pumunta ka sa St. Cemetery. At lahat ng tanong mo ay masasagot na masasagot." sabi nito at tumayo na para puntahan ang mag-ina ko.

Tumayo din si rage at naiwan akong naguguluhang mag-isang naka-upo.

St. Cemetery?

------

Thanks for reading....

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon