Chapter 45

125K 1.7K 73
                                    






Chapter 45:








ANDREA P.O.V






Nakatulog ako sa pagbreastfeed kay baby tyler. Nagising ako ng biglang magsigawan ang pamilya ni rage, nagulat din ang anak ko dahilan kung bakit umiyak ito.






"Naku! Sorry hija. Akala namin gising kayo." sabi ng mommy ni tyrone.





"Ok lang po tita." sabi ko at ngumiti. Pinapatahan ko si baby tyler sa pag-iyak.






"Kargahin ko nga si baby tyler." sabi ni tita. Hindi pa ako nakakatango pero binuhat na niya sa baby tyler na ngayon ay napatahan ko na sa pag-iyak.





"Oh my! Did you his eyes? It's a green. Pure green." tuwang-tuwa na sabi ni tita. Pinagkaguluhan naman nila si baby tyler.





"Oo nga. Ang ganda." sabi ng isa sa mga pamilya.





"Ang cute ni baby tyler."




"No, ang gwapo."





Mga naririnig kong komento nila.




Biglang natahimik ang lahat ng bumukas ang pinto at pumasok si tyrone na mag-isa.





Teka? Nasaan si Allison.





"Tyrone, hijo." sabit ni tita.



Naglakad ito nang diretso kay tita.




"Pwede ko ba siya hawakan?" tanong ni tyrone kay tita. Mukha namang nagulat si tita sa inasta ni tyrone kaya ibinigay niya kay tyrone ang anak ko.






Kinarga niya ang anak ko na may nakaukit na ngiti sa kanyang mukha. Hindi ko maintindihan pero nakadama ako ng saya sa nakikita ko ngayon.





"Kamukhang-kamukha mo ang bata anak." sabi ni tita sa kanya. Pero imbis na mag-react siya sa sinabi ni tita ay ngumiti lang siya at ibinaling ang tingin sa anak ko na gumagalaw ang braso niya.




"Oo nga apo, kamukhang-kamukha mo si baby tyler nung ika'y sanggol pa." sang-ayon naman ni mrs. Danica ang lola ni tyrone.





Nakaramdam naman ako ng hiya sa mga naging komento nila. Ayokong may isipin sila sa akin ng kung ano-ano dahil sa mukha niya ang anak ko. Siguro siya lang ang napaglihian ko nung ako'y buntis pa. Diba nga, gustong-gusto ko amoyin ang pabango ni tyrone noon at gustong-gusto ko rin suotin ang polo niya. Kaya iyon siguro ang dahilan. Natatakot din ako na malaman ng mama ni tyrone na hindi ang anak niya ang ama ng anak ko.





Napatingin ako sa tatlong batang nakaupo ngayon sa may sofa, wala akong nakikitang kian ngayon. Tiyak kasi ako na matutuwa ang batang iyon pag nakita niya ang anak ko. Pero ngayon nasaan na siya?




"Ok ka lang?" napatingin ako kay rage na nakaupo sa kama ko.




"Si kian? Nasaan siya?" tanong ko sa kanya.




"Nandoon siya sa mama niya. Pero pupunta rin dito yun. Hindi ko nga lang alam kung kelan?" malungkot na saad niya.




Napatingin din ako kay rage, hindi ko aakalain sa edad niyang 22 may anak na siya. At iyon si kian, kaso disgrasya lang ang pagkabuo kay kian. Dahil 15 years old pa lang si rage ay nakabuntis siya.





Ngiti na lang ang isinukli ko kay rage at ibinaling ko ang tingin ko sa mga taong nandito sa loob ng kwarto ko na pinagkakaguluhan si baby tyler at kung ano-anong mga side comment ang mga sinasabi.





Napangiti na lang ako, ngayon na lang ulit ako nakadama ng kasiyahan. Pero alam kung may kapalit ang lahat ng sayang ito. Alam ko sa bandang huli lungkot at sakit ang mararamdaman ko.





Katulad na lang na nalaman ko na ginamit ako ni tyrone para sa pera na makukuha niya. Kahit hindi totoong kasal kami masakit sa akin iyon bilang isang babae lalo na't minahal ko na siya sa loob ng siyam na buwan hanggang sa mailuwal ko na nga ang anak ko.





At hindi ko makalimutan ang sinabi niya na dapat lagi kong tandaan. Mga huling linya kung bakit nanganak ako ng dis-oras dahil sa sakit na naramdaman ko sa puso ko.






"MAMAY! HINDI AKO ANG AMA NG PINAGBUBUNTIS NI ANDREA! HOW MANY TIMES TO TELL ALL OF YOU NA HINDI AKO ANG AMA! HINDI AKO ANG ASAWA NIYA! DISGRASYADA SIYA!"





Mga linyang dapat kong isa isip.





-----------





Thanks for reading!



A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon