Chapter 23:
Nakasakay sa malaking push cart yung binili naming teady bear.
Si rage ang nagtutulak ng pushcart at pansin kong hirap na hirap siya. Ilang beses ko na rin sinabi sa kanya na ako na ang magdadala ng teady bear pero ayaw niya dahil daw mas mabigat at matangkad pa daw sakin yung teady bear. At dahil sa sinabi niya, kinurot ko siya sa tagiliran.
Nakatingin na rin ang mga sales lady at costumer samin. Yung ibang mga bata naman ay tuwang-tuwa dahil may malaking teadybear daw.
Huminto kami sa new born clothes. Kumuha kami ng pambabae at panlalaking damit, shorts, babies gloves, pajama's, socks. Kumuha na rin si rage ng mga pang-one year old na damit. Stroller, mga laruan at lalagyanan ng gatas, tapos bote, at tsupon.
"Uyy! Tama na 'yan." awat ko sa kanya. Grabe ang isang 'to. Halos lahat na atang laman ng babies department ay bilhin na niya.
"Just, watch me." sabi niya at may pinulot na namang sapatos. Grabe limang pushcart na ang na tabi sa counter, wag niyang sasabihin na gagawin niya pa'ng anim.
"Ano kaba? Pa'ng one to three years old na 'yang pinambibili mo. Hello! Five months pa lang ang tyan ko." sabi ko sa kanya. Pero dinedma lang ako ng loko.
"Ang sweet nila noh?!"
"Mama, may malaking bear oh!"
"Ang swerte ni girl kay boy pogi."
"Hay! Sana ganyan din ako!"
Mga naririnig ko sa mga taong nasa paligid ko.
Gusto ko matawa sa mga naririnig ko, hindi nila alam na magkaibigan lang kami ni rage.
"Hay! Tapos na!" sabi ni rage at ini-strength yung braso niya. Tumingin ako sa kanya na nakataas ang kilay.
"Tapos kana? Talaga? Hindi halaga. Dapat binili mo na lahat." masungit na sabi ko sa kanya.
"Hay naku! Nagsusungit na naman si buntis." sabi niya at inakbayan ako. Sinikot ko naman siya sa tagiliran niya. Dumiretso naman kami sa counter para bayaran yung mga pinamili namin.
"98, 540.75 pesos sir." pagpapa-cute na sabi ng cashier.
Napanganga naman ako sa nasabing presyo. Jusme!
Inabot ni rage ang kanyang ATM sa babae pero itong babae ay sinadyang hawakan yung kamay ni rage. Ay! Grabe ang landi ni ate.
Subalit ngumiti lang si rage. Lintik na! Pareho pa lang malantud ang dalawang 'to.
"Excuse me, miss. Balutin mo muna 'yang pinamili namin. Bago kayo maglandian." masungit na sabi ko sa babae. Grabe, nahawaan na ata ako ni tyrone ng pagkamasungit.
Tyrone!Tyrone! Kanina ko pa bukang-bibig ang isang 'yon.
Agad namang kumilos yung babae pagkasabi ko. Aba dapat lang!
Tinulungan kami ng tatlong lalaki para makarating sa parking lot yung mga pinamili namin habang tulak-tulak ang tatlong pushcart. Si rage naman ay nagdala ng mama bear at ako ito naglalakad lang at hawak-hawak yung tyan. Ang bigat na kasi.
Nilagay sa compartment yung iba at yung dalawang stroller at yung iba pang plastik na hindi nagkasiya sa compartment kasama yung mama bear ay nasa backseat. Binigyan naman ni rage ng tip yung tatlong boy at saka nagpasalamat.
Papasok na sana ako sa passenger seat ng hawakan ni rage yung braso ko.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa tayo tapos mag-shopping." sabi niya.
Oh boy! Ayoko na! Grabe mag-shopping si rage, daig pa ang babae.
*******
Thanks for reading
A_Dream_Girl

BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...