Chapter 64:
RAGE P.O.V
"Gusto mo yan?" tanong ko kay tyler na hawak-hawak ang isang lego box.
Tumango-tango ito na tumingin sa akin.
"Ok. I'll buy that for you." nakangiting sabi ko at inabot sa saleslady na nakatayo sa isang tabi.
"Ito lang po sir?" tanong nito. Tumingin ako kay tyler.
"Meron ka pa bang gustong bilhin?" tanong ko.
"Nana." sabi nito at umiling-iling pa.
"Yan na lang miss." sabi ko at binayaran na namin sa cashier.
Lumabas na kami ng toys store at pumasok kami sa Jollibee ang favorite food court ng mommy niya.
Nag-order ako ng isang box ng manok tapos french fries at tubig.
"Here baby tyler." sabi ko at agad naman siyang kumuha ng isang hita ng manok at agad na kinain.
Tinitigan ko lang si tyler habang kumakain. Natatawa ako pag naalala ko kung paano kumain ang mommy niya ng manok sa jollibee at mukhang pati iyon ay namana rin ni tyler sa kanya.
Kaso hindi ko maiwasang hindi maisip ang naging resulta ng DNA Test.
At hinding maipagkakaila na anak nga ito ni Tyrone.
Sa berde lang ng mata ay alam ng sa kanya iyon. Ang matangos nitong ilong at pati ang pagkabossy nitong pumorma ay namana niya rin kay tyrone.
At kahit sa pangalan... Kanyang-kanya.
Kaso, paanong hindi nalaman ni andrea na si tyrone ang ama ng anak niya at bakit binalak ni tyrone magpa-DNA test with tyler?
Maraming tanong ang gumagabag sa akin pero alam ko kung sino ang makakasagot ng mga tanong ko.
Matapos namin kumain sa jollibee ay umalis na kami ng mall, pinuntahan namin ang park kung saan nandoon kami lagi ni tyrone nung mga bata pa lang kami.
"Wahhh!" hiyaw ni tyler at tumakbo papuntang slide.
Kinuha ko ang cellphone ko para video-han siya para paggusto mapanood ng mommy niya ay may maipapakita ako.
TYRONE P.O.V
Blagg!
Agad kaming napabalik sa loob ng kwarto ng may marinig kaming parang nahulog sa loob.
At pagpasok namin ay naabutan namin si andrea na walang malay sa sahig.
"ANDREA/KIM??!!" sabay kaming napasigaw ni mitzy.
Kaso, napatigil ako at unti-unting napatingin sa kanya.
Bakit niyang tinawag na kim si andrea?
Gusto ko siya tanungin kaso wala pa sa tamang oras ngayon.
Agad naming pinuntahan si andrea na walang malay.
"T-teka tatawag akong doktor." sabi nito at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Napatingin ako sa mukha ni andrea. Hinawakan ko ang namumula niyang kanang pisngi.
Nakaramdam ako ng takot sa oras na iyon. Dahan-dahang tumulo ang luha ko.
"Kailangan mo lumaban andrea. Hinahanap kana ng anak mo... Anak natin." kausap ko dito.
Sana nadidinig niya ako.
"Doc, naabutan na lang namin na nakahandusay si kim sa sahig." rinig kong sabi ni mitzy sa doktor.
Palihim kong pinunasan ang luha ko.
Pumasok ang dalawang nurse na lalaki at dahan-dahan na binuhat si andrea pabalik sa kama.
Chineck lang ng doktor ang ulo niya.
"Magigising din ang pasyente mamaya. But, pag nagising siya tawagin niyo ako kasi may itatanong ako sa kanya kung may effective na ang gamot na pinapainom namin sa kanya." sabi nung doktor.
"Thank you Mr. Miguel." sabi ni mitzy at lumabas na ang doktor kasama ang dalawang nurse.
Lumapit si mitzy kay andrea. At pinunasan ang pisngi nito.
"Bakit mo tinawag na kim si andrea kanina?" tanong ko.
Dahan-dahan siyang napalingon sakin.
--------
Thanks for reading...
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...