Chapter 82

99.4K 1.2K 10
                                    


Sorry kung ngayon lang nakapag-update. I hope you understand.

Enjoy...

......

ANDREA

Dahan-dahan ako bumaba habang bitbit ang gamit ko at gamit ng anak ko.

Oo! Dala ko ang anak ko pero hindi ko naman ilalayo ang anak ko sa kanya. Hahanapin ko lang ang sarili ko kung saan ako sasaya o kami ng anak niya.

Kung sasaya ba ako sa kanya?

O

Kung sasaya ba ako nang wala sa kanya?

Tinawagan ko si tita. Mommy ni tyrone.

Nakiusap ako kay tita kung pwede bang dalhin dito si tyler. Ayoko ako kasi magpahatid sa driver ng pamilyang sy. Dalhin baka magising si tyrone kung tulog man ito o hindi.

Nang dahan-dahan ko nang inilapag ang dalawang maletang dala ko at napatingin ako sa gawing sala. Parang may naiinagan akong anino doon sa sahig. Hindi ko mawari kung nakahiga ito o nakaupo. Madilim kasi ang mansyon at mula sa poste sa labas lang ang nagsisilbing ilaw sa loob ng mansyon.

Dahan dahan akong naglakad papalapit doon sa anino. At nang makalapit na ako ay napagtanto kong nakahiga ang nilalang at base sa amoy ng pabango ay kilala ko na kung sino.

"Tyrone." Mahinang sambit ko.

Bakit dito siya matulog? At sa sahig talaga na walang sapin maski unan.

Kahit may pagtatalo kami kanina ay hindi ko maiwasang maaawa sa sitwasyon niya.

Umakyat ako sa kwarto at kumuha ng unan at kumot.

Pagkababa ko ay nakabaluktot na ito. Nakaramdam din nang lamig. Alas-tres pa lang ng madaling araw kaya talaga malamig ang simoy nang hangin mula sa labas ng bintana.

Inilagay ko sa sofa ang unan at saka ko siya nilapitan.

"T-tyrone?" Gising ko dito. Para akong tanga na takot gisingin ang nilalang.

Umungol ito pero hindi man idinilat ang mga mata. Nang gigisingin ko ulit siya ay tumalikod naman ito sa akin.

Kaya wala na akong nagawa kundi ang kunin ang isang braso niya at isampay sa balikat ko.

Dahan dahan ko siyang itinayo kumuha pa ako ng balanse sa sofa dahil sa bigat niya.

Nang mailapag ko na siya sa sofa ay wala pa rin siyang malay mula sa pagkakatulog.

Napailing na lang ako sa pagiging tulog mantika niya.

"Pareho talaga kayo nang anak mo. Tulog mantika." Wika ko.

"Andrea?"

Napatigil ako sa pagkumot sa kanya nang magsalita siya. Bigla naman akong pinagpawisan ng malimig.

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa ginawa ko sa kanya.

Ayan tuloy! Mukhang nagising ko!

Nananatiling nakatayo lang ako sa harapan niya. Para akong binuhusan nang isang timbang yelo dahil sa kaba.

"Huwag mo naman ako iwan." Narinig ko pang sabi nito.

Naglakas loob akong ilapit ang mukha ko sa kanya para tignan kung gising ba siya o kung nananaginip lang.

"Panaginip." Nakahingang maluwag na sambit ko.

Agad akong naglakad patungo sa dalawang maleta na tinabi ko sa isang sulok.

"Paano ako?"

Napahinto ako sa pahila nang marinig ko pa ang kataga niya.

"Panaginip lang iyon andrea, wag ka magpadala." Sabi ko sa sarili ko.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

Binuksan ko kaagad ang pinto at saktong magdo-door bell pa lang si tita, ang mommy ng tyrone. Buhat buhat ang anak ko na tulog na tulog.

"Naku, tita. Akin na po mabigat na po si tyler." Mahinang sabi ko. Kinuha ko sa pagkakagarga kay tita si tyler na ngayon ay walang malay dahil tulog mantika tulad ng tatay niya.

Napatingin si tita sa mga maleta ko.

"Aalis kayo?" Malungkot na tanong nito sa akin.

Napatango bilang sagot.

"Andrea, alam na namin ang tungkol kay tyler at tyrone. Hindi niyo na kailangan umalis. Tanggap naman namin kayo dito." Naiiyak na wika ni tita.

"Hindi po iyon ang inaalala ko, tita."

Tumulo na rin ang luha ko. Sobrang laki nang pasasalamat ko sa kanila. Dahil sa pagpapatira nila sa akin/namin dito.

"Kung hindi iyon, ano? Para na rin kitang anak. Kaya masakit sa akin na aalis ka dito sa amin." Mangiyak-ngiyak na sambit tita.

Pinunasan ko ang luha ni tita gamit ang kanang kamay ko.

"Maraming salamat po sa lahat-lahat, tita. Pero kailangan ko lang po hanapin ang sarili ko. Kung saan ako sasaya. Panahon po ang kailangan ko. Hindi ko naman po ipagkakait kay tyrone ang bata, kung saka-sakaling hindi ako sasaya sa piling nang anak niyo. Pero kung...." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mapahikbi ako.

Masakit para sa akin ang magiging desisyon ko at sa anak ko. Pero kung iyon ang tama ay tatanggapin ko nang buong puso kahit...... hindi buo ang pamilya.

"Pero kung?" Umiiyak na taong ni tita.

"Pero kung mas sasaya ako sa piling nang anak niyo. Ako na po ang kusang babalik dito."

Kahit pa umiiyak ako ay pinili kong ngumiti.

"Panahon po, tita. Pero kung dumating ang panahon na may ibang mahal na si tyrone. Tatanggapin ko po iyon nang buong puso." Umiyak na ako nang tuluyan dahil sa sinabi ko.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni tita kahit karga ko si tyler sa braso ko.

"Hindi magkakaroon nang ibang mamahalin ang anak ko. Dahil hindi na ako ang reyna sa buhay niya, kung hindi ay ikaw. Pero kung panahon ang hinihiling mo sa akin. Ibibigay ko sayo iyon nang buong puso." Kahit umiiyak si tita ay ngumiti ito sa akin at niyakap ako.

Naglakad ako papalabas nang mansyon kahit hirap na hirap ako hilahin ang dalawang maleta ay hindi talaga ako lumingon mula sa mansyon. Baka tuluyan na akong hindi makaalis sa mansyong iyon na kung saan nandoon ang taong..... pakakawalan ko.

Habang naglalakad ako ay may napansin akong paparating na itim na sasakyan.

Huminto ito sa harap ko at bumaba ang salamin.

"Anak?" Tawag nito sa akin.

Naging pamilyar sa akin ang mag-asawang bumaba lulan nang sasakyan.

Ito ang mag-asawang pumunta kahapon, ang sinasabi ako daw si andrea sanchez.

Napatingin sila sa dalawang maleta na dala ko.

"Gusto man kitang tanungin kung ano ang nangyari. Pero wala nang oras, mahahamugan ang anak mo. Kaya tara, sumakay na kayo dito sa kotse." Sabi nang ginang. Kung hindi ako nagkakamali ay veronica ang pangalan nito at ang asawa niya ay vincent. Pero nakakapagtaka lang dahil ala-sinco palang nang madaling araw pero patungo sila nang mansyon ng mga SY. Bakit kaya?

Pumasok na kami sa backseat, habang ang driver ay nilagay sa compartment ang dalawang maletang dala ko. Si mister vincent naman ay lumipat sa passenger seat at kaming tatlo sa backseat. Karga-karga ko pa rin si tyler at walang kamalayan sa nangyayari.

Napatingin ako kay misis veronica. Mukha naman itong mabait mukha lang itong maldita pag seryoso.

Siguro kahit papaano ay magpakakatiwalaan ang sinamahan ko.

.........

Thanks for reading....

A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon