Chapter 69

117K 1.8K 68
                                    

ENJOY....

Third person P.O.V

6 months ago, mula ng ma-aksidente si andrea o mas kilalang si kim. Sa loob ng anim na buwan, maraming nagbago sa buhay ng mga Sy at ganun din kay andrea.

Mula ng maalala na niya na anak niya si Baby tyler ay halos buong atensyon niya ay nandito. Talagang pinunan niya ang pangungulila sa kanya ng kanyang anak ng dalawang taon dahil sa pagkaka-comatose niya.

Si tyrone naman ay masyadong naging abala sa opisina ganun din si rage dahil kailangan nilang agapan ang porsyento ng kompanya dahil muntik bumaba o bumagsak ang kompanya pero naaganapan naman agad ng magkapatid. Pero sa kabila ng pagkaabala sa trabaho, hindi pa rin sila nagkukulang sa oras ng pamilya. Lalo na si tyrone, na responsable bilang isang ama kay baby tyler. Ngunit, hindi pa rin niya sinasabi kay andrea na siya ang ama ni tyler dahil ng lumabas ang resulta ng DNA test sa kanila ni Baby tyler ay 99.99999999% lang naman ang naging resulta kaya halos patayin niya ang kanyang sarili mula ng malaman niya na siya pala ang ama ng anak ni andrea. Hindi man lang niya naisip na siya ang ama, kaya pala sa tuwing nakikita ang anak ni andrea ay napapawi ang pagod niya.

Ngunit hindi pa rin niya sinasabi sa mga magulang niya lalo kay andrea na siya ang ama, dahil unang-una sa lahat. Grabe ang masasakit na salita ang mga binitawan niya kay andrea noong nagbubuntis pa ito. At pangalawa, naka-engage siya kay allison. Kaya hindi siya makakuha ng tamang panahon para umamin sa pamilya niya at kay allison.

--**--

TYRONE P.O.V

Kasalukuyang, nasa loob ako ng opisina ko ng biglang pumasok ang secretary ko.

"Good afternoon sir. Meron po kayong new schedule this coming saturday." wika nito at tinitignan niya ang schedule book ko.

"What is it?" bored na tanong ko sa kanya.

"Ah sir, meron po kayo night party kasama ang mga nagtatagumpayang negosyante." sabi nito.

Napahinto ako sa paglaro ng ballpen ng mapagtanto kung ano ang mangyayari sa night party na yon.

"Cancel it." walang ganang sagot ko at umayos ng upo.

"But sir. Pupunta po si President Rage." sambit nito.

Napahilot naman ako sa sintido ko tanda ng pagkairita.

Ano na namang kayang kagaguhan ang pumasok sa isip ni Rage? Ni hindi nga umaattend ng night party for successful businessman/woman.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Fine. Dismissed" sabi ko na lang at kasunod non ay narinig ko na ang paglakad palayo ng secretary ko.

Tumayo ako at nagmasid sa glass window ko kung saan kita ko ang buong syudad.

Ilang minuto pa ang lumipas ng maramdaman kong may yumakap sa bewang ko. At base sa amoy niya alam ko na kung sino.

"Hello, darling." nakangiting bati niya sakin. Umikot naman ako paharap sa kanya at tinanggal ang pagkakayakap niya sakin. Tinitigan ko siya sa mata, wala man lang akong nararamdamang kakaiba kay allison. Ni hindi ko nga siya namiss kahit tatlong araw na kaming hindi nagkikita. Walang sparks.

Hindi katulad kay andrea, napagnakita ko siya kasama ang anak namin ay nawawala ang pagod ko at napapalitan ng saya ang puso ko.

Hindi katulad kay allison.

Oo si allison ang fianceé ko pero hindi ako masaya kapag naiisip ko na siya ang makakasama ko pagtanda.

Kasi,

Mas sasaya ako kung kasama ko hanggang pagtanda ang unang anak ko at ina ng anak ko.

---------------

PLEASE VOTE AND COMMENT...

THANKS FOR READING....

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon