Chapter 79
ANDREA P.O.V
Ano nangyari sa lalaking iyon?
Tanong ko kaagad sa sarili pagkapasok ko sa kwarto. Hindi pa rin ako maka-get over sa lalaking 'yon. Ramdam ko pa kasi ang pagka-init ng mukha ko. Bwisit!
Humiga ako sa kama at natulog.
TYRONE
"Ayusin mo iyang problema mo tyrone. Dahil kung hindi tatanggalan kita ng mana." Banta sakin ni daddy ng malaman nila na ako ang ama ni tyler.
Napangiti ako ng maalala ko na naman ang mukha nina lola, mom and dad ng sabihin ko sa kanila. Pumunta ako sa mansyon nina daddy para sabihin ang totoo. Noong una, akala nila ginu-good time ko lang sila pero seryoso lang ako nakatingin sa kanila hanggang sa naramdaman ko ang suntok ni daddy sa kaliwang pisngi ko.
Narinig ko ang tili ni mommy at inawat si daddy. Si rage naman ay nakatayo lang sa isang tabi at nagta-type sa cellphone niya.
"Tarantado ka talagang bata! Noon pa man sinasabi ko na wag ka makipag-one night stand pero hindi ka talaga marunong makinig sa akin!" Sermon sa akin ni daddy.
Napatayo ako mula sa pagkaka-bagsak sa sahig. Napatingin ako kay lola na hindi malaman kung maiinis sakin o maaawa.
"Ipapahamak mo talaga ang pangalan natin tyrone! Nasaan si andrea? Bakit hindi mo siya kasama? Wag mo papalayasin sa bahay mo si andrea kundi puputulan kita ng pagkalalaki mo!" Banta ni daddy sa akin.
Nanatiling wala akong imik.
"Tatanggalan kita ng kasambahay sa mansyon at sa amin muna ang anak niyo ni andrea." Rinig kong sabi ni daddy.
Napatingin ako sa kanya. Hindi niya pwedeng kunin ang anak ko.
"B-but daddy h---"
"Ayusin mo iyang problema mo kung hindi tatanggalin ko ang mamanahin mo! Magpakalalaki ka! Marunong kang manokhang ng babae dapat kaya mo rin makulong. Ayusin mo ang problema mo at pakasalan mo si andrea sa ayaw at sa gusto mo." Sabi ni daddy na puno ng awtoridad sa tono ng boses niya.
Napangiti ako sa huling sinabi ni daddy.
"Hindi mo naman kailangan sabihin yan sa akin, dad. Papakasalan ko si andrea hindi dahil takot ako mawalan ng mana. Dahil mahal ko siya bilang ina ng anak ko at bilang reyna ng buhay ko, dad." Lakas loob na sabi ko kay dad.
"Ang corny mo. Kay andrea mo sabihin iyan hindi sa akin." Sabi ni dad at naglakad na iiling-iling palayo.
Napatingin sakin si mommy at lola.
"Be a man, son." Sabi ni mommy at tinapik ako sa balikat.
"Finally, mayroon na akong first grandson. Damihan mo pa ah." Sabi ni lola at naglakad papalayo sakin.
May umakbay sakin at napatingin ako.
"I'm so proud of you kuya." Sabi sa akin ni rage.
"Wala e, nagmamahal ako kasi." Nakangiting sabi ko sa kanya at inakbayan ko rin siya.
Nag-leave muna ako sa opisina ng isang buwan. Wala namang problema sa trabaho ko. At kailangan ko solusyunan ay ang problema namin ni andrea. Oo, aminado ako sa sarili ko na may kasalanan ako dahil hindi ko kaagad sinabi sa kanya. Pero nagti-tiyempo lang ako ng tamang panahon. Alam kong gulong-gulo siya at handa ko naman sagutin lahat ng katanungan niya.
Natutuwa ako kahit sinusungitan niya ako dahil kahit papaano ay napapansin niya ako.
Haist! Bakit ang hirap suyuin ang mga babae?
........
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...