Chapter 65:
MITZY P.O.V
"Bakit mo tinawag na Kim si Andrea?"
Dahan-dahan akong napalingon sa tanong ni tyrone.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." pagkukunwari ko.
"Wag muna ipagkaila. Dinig na dinig ko kanina na tinawag mo siya sa pangalang kim." seryosong sabi nito.
"Hindi mo ba talaga matandaan?" tanong ko dito na siyang nagpakunot ng noo niya.
"Anong pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong niya.
"'Yang babaeng nakahandusay sa kama ay SIYANG nagpapakatanga sayo!" sigaw ko dito at dahan-dahang tumulo ang luha ko.
"A-anong----
"Anong pinagsasabi ko? Yan ang hirap sayo e! Hindi mo inaalam! Hindi mo pinipilit alalahanin! Kasi wala kang panahon para sa kanya! Pero siya?! Lagi siyang may panahon sayo!!! Pero hindi mo napapansin! Kasi bulag ka! Manhid ka! Alam mo dapat ikaw ang sisihin sa nangyari sa kanya e! Dahil sayo!! Dahil sayo kaya nangyari iyan sa kanya na dapat ikaw na lang ang nakahandusay!! Dyan sa kama!!!" sigaw ko sa kanya.
Hindi ko maiwasang hindi maiyak sa galit ko sa kanya.
"Bakit kayo nagsisigawan?" napalingon kami kay andrea na ngayon ay may malay na.
"Gising kana." sabi ko at pinunasan ang luha ko.
"Umiiyak ka na naman?" iritang tanong nito.
Napangiti na lang ako sa kanya.
"Ah.. Mitzy pwede ba akong magtanong?" -kim.
"O-oo naman." sabi ko.
"Sino siya? Boyfriend mo?" tinuro niya si tyrone na nakatayo malapit sa pintuan.
"H-hindi mo siya kilala?" tanong ko dito.
"Hindi. Pero pamilyar yung mukha niya." sabi nito.
"Nagbibiro kaba ha? Andrea?" seryosong sabi ko dito.
Kumunot naman ang noo niya.
"Ha? Hindi ako nagbibiro. At sinong andrea?" naguguluhang tanong nito.
"Ikaw kaya si Andrea." sabi ko at pilit na ngumiti.
"Hindi ah. Kim Briones ang pangalan ko." sabi nito.
Tumulo na lang ang luha ko sa sinabi niya.
TYRONE P.O.V
Gulat na gulat ako sa huling sinabi ni andrea.
Hindi ako makagalaw at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
Paanong siya si Kim Briones, ang kababata kong iyon ay patay na. Matagal na. Taon na!
Naglakad ako palapit dito. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya. At niyugyog ko.
"Bawiin mo ang sinabi mo andrea! Hindi ikaw si kim. Andrea ang pangalan mo!!!" sigaw ko sa kanya.
"A-aray ano ba nasasaktan ako?!" hiyaw niya.
Biglang bumukas ang pinto at may isang taong buong lakas na hitak ako at sinuntok.
Tinignan ko kung sino ang tarantadong iyon. Si rage kasama si tyler. Ang anak ko.
"What the fuck is wrong with you tyrone?!" galit na sigaw sakin ni rage.
"Mimi?" napatingin kami kay tyler na nakatingin sa mommy niya.
Tumakbo si tyler sa mommy niya at niyakap ito. Nagtataka naman si andrea sa nangyayari.
Pero bandang huli ay ngumiti siya at binuhat niya ang anak...namin.
"My baby boy."
---
Thanks for reading....
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...