Chapter 12

142K 2.2K 148
                                    



Chapter 12



One Red velvet dress ang laman ng kahon na ibinigay ni tyrone. At isang red velvet na heels ang ka-partner.



"Ang ganda." na sabi ko na lang. Agad akong nagtungo sa banyo para masuot.



Saktong-sakto lang sa katawan ko yung dress na ibinigay sakin ni tyrone at bumagay ito sa maputi kong balat. Pa-ekis ang design sa likod at buka sa gitna ng clevage ko pero may design itong ekis.



Hanggang bottom yung haba ng dress at fit na fit sakin. Kaya bakat na bakat yung tyan ko. Napatingin ako sa salamin. Hindi naman gaano halata yung tyan ko na medyo malaki dahil medyo makapal yung dress.



Inayos ko yung buhok ko, binilog ko yung buhok ko at nilabas ko yung full bangs ko. Naglagay lang ako ng pulbos at lipstick sa mukha st sinuot ko yung maliit na hikaw. Kumuha ako ng isang maliit na bag na kasing size na wallet at kakulay din ito ng dress ko. At syempre nagpabango ako.



Bumaba na ako, pero dahan-dahan lang ako bumaba sa hagdan baka kasi mahulog ako at kung ano pa ang mangyari sa anak ko.



Nang makarating ako sa sala, wala doon si tyrone. Nasaan kaya ang lalaking 'yon.



"Kim?" napalingon naman ako ng marinig ko ang boses ni tyrone na may tinawag na 'kim'.



Sino 'yong kim?



Nakatulala lang siya sakin, nahiya naman ako sa pagtitig niya. Mukhang nakakita siya ng multo sa inaasta niya ngayon.



Lumapit ako sa kanya at kinaway ko sa harapan niya yung kamay ko. At bumalik na ang kanyang ulirat.



"Ok ka lang?" tanong ko sa kanya.



"Huh?" wala sa sariling sabi niya.



"Ang sabi ko, ok ka lang?" ulit ko sa kanya. Tumango siya sakin at may ibinigay na namang maliit na kahon but this time hindi na malaki.



"Here." sabi niya at inabot sakin yung kahon na kulay pula.



Kinuha ko naman at saka binuksan.



"Wow! Red diamond." namamanghang sabi ko sa kanya. Nakakita na ako ng diamond pero kung ganto kalaki naku! First time pa lang.



Isang malaking red diamond na hugis heart ang pendant at isang kumikinang na necklace.



"You like it?" natatawang tanong niya.



Napatingin ako sa kanya. Si tyrone natatawa sa harapan ko. Tatlong beses ko pa lang siya nakitang tumawa, nung una sa tuyo, pangalawa nung sa kasal, pangatlo ngayon.



"What?" nakasimangot na tanong niya.



"Wala. Hindi lang ako makapaniwala na tumatawa ka sa harap ko." sabi ko sa kanya.



"Tsk." narinig kong sabi niya.



"Uyy! Wag ka ng sumimangot. Gustong-gusto ko kaya yung pinapahiram mong kwintas." sabi ko sa kanya.



Tumingin siya sa akin, ngayon ko lang napansin na kulay green pala ang mga mata niya. Ang ganda!



"Hindi ko 'yan pinapahiram sayo." sabi niya.



Tumingin ako sa kanya.



Kung hindi pinapahiram, ano? Pinapautang?



"Pinapautang mo?" nag-aalalang sabi ko. Nag-aalala ako dahil wala akong pambayad sa pinapautang niya.



"Tsk! That's my gift." sabi niya.



Tumingin ulit ako sa kanya. Gift? As in bigay, regalo?! Ibinibigay niya sakin ang heart red diamond na 'to?!.



"Pero...." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.



"Tsk! Wear it." sabi niya at kinuha sa lalagyan yung kwintas siya na ang nagsuot sakin.



Nang masuot na niya, tumingin siya sakin at ngumiti.



"You look beautiful. Andrea." sabi niya at kinuha niya yung kamay ko at hinatak ako palabas ng bahay.



Uyy! Dahan dahan lang! Naka-heels po ako!



Napatingin naman ako kay jenny na may hawak na walis na kilig na kilig sa isang sulok. Bruha 'yon ah!



Nakamakarating kami sa tapat ng isang mamahaling sasakyan ay pinagbuksan ako ni tyrone ng pinto.



Ano ba'ng nangyayari kay tyrone at mukhang ang sweet ngayon?



May nakain kaya 'to?




***********



Thanks for reading!



A_Dream_Girl

Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon