Chapter 90
KASALUKUYANG nagpapahinga ako matapos ang pagsusuri sa akin ng doktor dahil sa pagkuha sa akin ng isang bag na dugo. Buti na lamang ay pareho kami ng blood type ni tyrone kaya kahit papaano ay nasalinan na si tyrone kahit isang bag pa lang.
"Anak?"
Napalingon ako sa pintuan ng marinig ko ang boses ni tito exequiel, ang daddy nina tyrone at rage.
Babangon sana ako mula sa pagkakahiga pero sinenyasan niya na ako na huwag ng bumangon.
"Tito."
Umupo siya malapit sa akin.
Ramdam ko ang kaba ng dibdib ko. Dahil hindi ko pa nakakausap si tito ng kami lang dalawa. Hindi ko alam kung nagagalit siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kanyang anak. Hindi kasi mabasa sa kanyang mukha ang kanyang emosyon. Lagi lang kasi itong kalmado.
"Tito, sorry po sa----"
"You don't need to say sorry, kim." Putol niya sa sasabihin ko.
"Pero tito---"
"Basta manatili ka lang sa piling ng anak ko. Huwag mo siyang iiwan."
Nagbabadyang tumulo ang luha ko sa sinabi ni tito. Lahat ng kaba ko ay napawi dahil sa mga binitawang salita nito.
"Sa kabila nang ginawa ko sa anak niyo, tito. Tanggap niyo pa rin ako." Mangiyak-ngiyak na saad ko dito.
"Hindi ka naman namin masisisi, kim kung bakit nagawa mo iyon. Pero noong mga araw na kayo lang dalawa ni tyrone sa mansyon ay planado niya 'yon."
Napalitan ng naguguluhan ang mukha ko.
"Ano pong ibig niyong sabihin tito?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya.
Malalim na bumuntong hininga ito bago nagsalita.
"Noong mga araw na iyon, gusto niya ayusin ang gulo niyong dalawa. Galit na galit ka kasi sa kanya mula nang malaman mo na siya ang ama ni tyler. Hindi niya alam ang gagawin lalo na nung ayaw mong kumain. Kaya mong palipasin ang araw na hindi kumakain o umiinom ng tubig. Kaya humingi siya sa amin ng tulong kung paano ka niya masusuyo. Nagmakaawa pa siya sa akin, dahil galit na galit rin ako sa kanya nang sabihin niya sa akin na siya ang ama ni tyler...."
"Siya mismo ang nagsabi sa inyo, tito?"
"...oo, nasapak ko pa nga siya dahil sa nalaman ko. Buti na lamang inawat ako ng tita mo kung hindi baka nabasag ko na ang mukha nang batang 'yon. Sinabihan ko siya na huwag ka niyang paalisin sa mansyon dahil mawawalan siya ng mana sa akin. Pero, nagulat ako sa sinabi niya na... "Hindi mo naman kailangan sabihin yan sa akin, dad. Papakasalan ko si andrea hindi dahil takot ako mawalan ng mana. Dahil mahal ko siya bilang ina ng anak ko at bilang reyna ng buhay ko, dad." Noong araw na iyon, nakita ko ang sarili ko sa anak ko nang ipagtapat niya sa amin ang tunay niyang nararamdaman. Kaya nakikiusap ako sayo andrea, huwag mong iwan ang anak ko. Mahal na mahal ka ni tyrone. Nakita ko iyon kung paano kumislap ang kaniyang mga mata nang sabihin niyang mahal ka niya."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni tito.
Nanginginig ang mga labi ko na tumango kay tito.
"Hinding hindi ko na po iiwan si tyrone. Papakasalan ko po siya. Pangako." Buong pusong wika ko kay tito.
Tumango lang si tito sa sinabi ko.
"Huwag mo nang problemahin ang tungkol sa mga krimen na ginawa ng mga sanchez sa pamilya mo. Ako na ang bahala." Nakangiting saad ni tito.
Kumunot-noo na naman ako sa sinabi ni tito.
"Paano niyo po nalaman ang tungkol doon?" Naguguluhan na namang tanong ko.
"Mula nang sumama ka sa kanila, sinubaybayan namin ang kilos at galaw nila inalam ko rin kung ano ang background nila at paano nito napatayo ang negosyong sinasabi nilang pagmamay-ari nila kahit ang totoo sa mga namayapang mong magulang ang mga ito. Huwag ka mag alala, hija. Sisiguruhin kong makukulong sila nang habang buhay."
Niyakap ko si tito nang mahigpit at doon umiyak sa balikat niya. Hindi ko alam kung paano pagsasalamatan ang pamilyang ito.
"Shhh, tahan na. Babalik rin sayo ang pinahirapan ng mga magulang mo." Habol pa ni tito.
"Salamat sa lahat, tito. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang lahat ng mga itinulong niyo sa akin. Salamat po sa lahat."
Kumawala ako sa pagkakayakap kay tito. Dahil tumunog ang cellphone nitong nasa bulsa.
Tinignan niya ang caller bago sinagot.
"Hello...........ok." dalawang salita lang ang binigkas nito matapos ay tumingin sa akin.
"Gising na siya. At hinahanap ka."
.......
Thanks for reading!
A_Dream_Girl
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1: Carrying the Billionaire's Heir (Completed) [UNEDITED]
RomanceHighest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit siya ngayon ay nagdadalang tao na. Pinalayas siya doon sa kanila at maaari lamang siya makabalik dito...